Chapter 3

1.9K 111 17
                                    

Dedicated to hoping86 jazminenunez92 laarnz111  MikaellaJanelleAndal

FRANCHESCA POV

“Good Bye Lassy.” bumeso pa ako sa kaklase ko sabay kaway sa kanya.

“Bye Sheena. “ paalam ko pa sa isang kaklase ko.

Awkward siyang ngumiti sa akin na para bang himala na nagpapaalam ako ngayon. Nagkibit balikat lang ako saka sinukbit bagpack ko sa balikat.

“Ang saya mo ngayon Chesca ah.” Narinig kong sita ng kaklase kong pinapasok mga notebooks niya sa bag. Dalawa na lang kami natira dito sa room.

Ngumisi lang ako habang nag aayos ng buhok. Ito ang unang araw na nilugay ko buhok ko. Nakakaganda pala.

“Best day kamo.” masayang sagot ko sa kaklase ko.

Umiling iling siya. “Sige mauna na ako. Kita kits bukas.”

Nginitian ko lang siya. Sinundan ko pa siya ng tingin palabas. Tapos nginitian ko din mga students na napapatingin sa loob ng classroom kung nasaan ako.

Ngiti lang.

Ngiti sabay kaway saka GOODBYE. Kahit diko kilala,nagpapaalam ako. Parang tanga. Wala eh, ganda talaga ng araw ko.

Halos mapunit na nga yata labi ko kakangiti ngayong araw. Sarap pala ngumiti at maging masaya.

Itinaas ko pa mga kamay saka pinakiramdaman ang ganda ng araw ko ngayon. Pumikit pa ako at bumulong sa sarili na SANA GANITO ARAW ARAW.

“Pwede? Bilisan mo.”

Napatingin ako kay Mich na nakasandal sa hamba ng pintuan. Kumakain siya ng banana cue. Ewan ko kung saan niya na naman nadampot ‘yan.

“Alam mo Che. Mukha kang tanga. Bat ka nakangiti ?! Timang?” Naweweirduhan na ani ni Mich sa akin.

Pero ako ngumiti lang ulit.

Bless this day. My very first complete and happy day.

“Sobrang saya ko ngayon.”

Nginisian ko si Mich na kinunotan lang ako ng noo. Diko siya pinansin. Tumingin lang ako sa bakanteng upuan ni Elvis sa likuran ko.

“Alam mo naman ang dahilan Mich diba?”

Tumawa ng pagak si Mich. Mukhang nabilaukan pa. “Babawi ‘yan sayo bukas. Makikita mo.”

Nagkibit balikat ako. Sana di na siya pumasok. Diretso na sanang absent si Elvis. Kasi ngayon ko lang talaga naramdamang masaya ako dito sa school, ngayong wala si Elvis. Yong simpleng pag-absent niya ngayon, nakumpleto talaga araw ko.

Alam ko namang babawi ‘yon sa akin sa ginawa kong pagsapak sa kanya kahapon. Pero wala na akong pakialam doon. Ang mahalaga, nasaktan ko siya at hindi ko siya nakita ng isang araw.

Wish ko na lang talaga, nabasag mukha niya para kahit minsan eh, tawanan ko naman siya. Kahit lomobo man lang sana bibig niya o nagkapasa mukha niya. Dream ko ‘yon eh.

Minsan hinihintay ko talaga ang araw na madapa sa harapan ko si Elvis at wala akong ibang gagawin kundi humalakhak hanggang pumutok na tiyan ko kakatawa.

“Baliw ka na talaga Che. Weirdo. Ngumingiti mag-isa. Tara na nga!”

Tinawanan ko lang si Mich saka sumunod na sa kanya paglabas. Wala na masyadong tao dito sa school kasi alas-sinko na. Friday pa. May lakad lahat sa labas.

The BULLY and the NERDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon