Chapter 2

2.2K 107 18
                                    

Dedicated to DesteenLouisse mcnovino  hiedz01 shinrose2227

FRANCHESCA POV

"At ano naman daw ang drama mo doon?" inis na tanong ko kay Elvis na nakasunod lang sa akin papunta ng gate.

"Wala lang. Pa-hero lang. Pake mo ba?"

Lumiit ang mga mata ko sa sinabi niya. "Anong pake ko?! Pakialamero ka. Kaya ko naman sila pero nangialam ka pa."

Umirap pa ako sa kanya sabay binilisan paglalakad.

Tumawa siya.

Tawa na nang-aasar. Nagulat na lang ako ng tumakbo siya sa harapan ko. Nihead-to-foot niya ako. Tapos tumingin siya ng diretso sa dibdib ko at mas lalong tumawa.

"Anong kaya mo sila?! Boobs pa lang wala ka ng panlaban sa kanila."

Tawa ulit. Kainis!

"Awayin mo na sila kapag may boobs kana!"

"Bakit boobs ba labanan dito? Wala man akong boobs pero may utak ako. Eh sila, wala!" sigaw ko sa kanya sabay bangga sa balikat niya.

Isa ka ding walang utak Elvis! Wala na ngang utak, wala pang puso.

"Yabang mo na ah." sabi niya saka sumabay siya sa akin sa paglalakad.

Binilisan ko paglalakad ko.
Nabwebwesit ako.

Nakakainis si Elvis. Lahat ng ginagawa niya naiinis ako. Yong tunog ng tawa niya. Yong ngisi niya. Yong buhok niya. Yong ayos niya. Yong angas niya. Yong ugali niyang nakakasulasok. Yong tunog ng sapatos niya. Lahat lahat!

"Huwag ka ngang sumusunod sa akin. Doon ka sa ibang daan!" pangtataboy ko sa kanya.

Tawa siya ulit. "Sumusunod?! Bat kita susundan? Magaganda lang sinusundan ko oy. Saka dito din daanan ko palabas ng school. Feeling 'tong pangit na 'to."

Okay! Sumimangot na lang ako. Kainis! Nanginginig ako sa inis.

"Basta lumayo layo ka sa akin Elvis. Pag dumidikit ka kasi, laging may trahedyang nangyayari eh." halos maiyak kong sabi.

"Anak ng! Ako nga, makita ka pa lang, trahedya na."

Nihead to foot niya ulit ako. "Ikaw nga dapat lumayo layo sa akin eh. Baka sabihin nila girlfriend kita."

Pakiramdam ko apoy na ang lumalabas sa ilong, tenga at mata ko ngayon.

"Ew! Ikaw magiging boyfriend ko? Yucks!" halos masuka ako.

Ngumiwi siya. Nandiri siya sa sinabi ko. Humagalpak siya sa pagtawa. "Ikaw gagawin kong girlfriend? Eh ang pangit mo!"

Suminghap ako habang pinapanood siyang tumatawa.

HAYOP KA ELVIS! Mas matayog pa sa Mt. Everest inis ko sayo.

"Mas pangit ka! Ano bang pinagmamalaki mo? Yang buhok mong parang astro boy o 'yang mga tattoo mo sa likod na parang putik. Ang pangit! Ang pangit mo! Para kang leader ng mga sindikato! Isusumbong ko sa office na may mga tinatago kang mga tattoo sa katawan. Tatanggalin ka sa varsity!"

"Oh di magsumbong ka. Isusumbong ko din sa office na pangit ka. Bawal pangit dito."

Tumawa siya. Tunog satanas. Kulang na lang mga apoy sa paligid niya.

Ganito na siguro talaga si Elvis. Asal kalye. Mag eexpect pa ba ako na magbabago 'yan? Eh kinder pa lang ako, ganyan na 'yan. Minsan napapaisip na lang ako. Kulang ba 'to sa pagmamahal? Kulang sa atensyon? Kulang sa chromosome? Walang nucleus mga cells niya? Ah ewan ko!

The BULLY and the NERDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon