Chapter 4

2K 111 21
                                    

Dedicated to Riseki <3

FRANCHESCA POV

Lagpas alas sais na nang makarating kami sa bahay nila Elvis kung saan ginaganap ang simpleng party ng Ate niya.

Hindi ko nga alam kung nasaan na si Elvis. Pagkarating kasi namin, hinayaan niya na akong lumabas at hanapin si Ate Ashley. Diko na alam kung nasaan na siya. Kanina ko pa nga siya hinahanap gamit mga mata ko pero diko talaga makita.

Sa mga nakaraang birthday naman ng mga kapatid niya, naglilikot at nakakalat lang siya dito. Hinaharot mga babaeng bisita ng mga Ate niya.

Ngayon, parang wala siya bigla. Hindi ko siya nakitang naglalandi dito. Nakakapanibago.

Kanina nga sa kotse, muntik na akong bumaba kahit umaandar sasakyan niya. Buti na lang di na siya umimik pakatapos kong maglabas ng sama ng loob sa kanya. First time ko ngang sabihin 'yon eh. Napuno na din kasi ako. Nakakapagod siyang intindihin sa totoo lang.

Matagal din na panahon na pinagtiisan ko ugali niya. Sobrang lala. Sobrang labo. Hindi naman siya ganoon sa mga ibang babae. Sa akin lang talaga o kaya minsan kay Mich. Pero mas madalas niyang pinapakita ugali niyang pangit sa akin.

"Oh Franchesca, mag isa ka."

Napansin agad ako ni Ate Amber na naglalakad papunta sa pwesto ko, panganay nina Elvis.

"Nasaan si Ashley?"

"Pumunta po sa mga kabatch niya."

Nandito kasi ako sa dulong table, kumakain mag-isa. Kasama ko naman kanina si Ate Ashley kaso dumating mga kabatch niya kaya nagpaalam siya saglit.

"Kain ka pa." alok niya sabay ipit ng mga buhok niya sa likod ng tenga niya. Ang ganda niya. Parehas sila ni Ate Ashley. Pano kasi, may lahi silang Spanish.

"Nagdadalaga ka na Franchesca. Sumesexy ka."

Hindi ko napigilan, natawa ako. "Ate naman. Comedy ka din eh. Galing mong magbiro."

Natawa rin naman siya. Marahan niya pa akong hinampas sa braso saka umupo sa tabi ko. "Totoo nga. Hanggang ngayon ba naman, sobrang humble mo pa rin. Gumaganda ka nga eh." loko niya pa. Mas lalo tuloy akong natawa.

"Ate talaga oh."

Napansin ko namang bigla niya akong tiningnan mula ulo hanggang paa. Hinarap niya pa ako nang maigi sa kanya. "Ako mag aayos sayo sa graduation ball niyo."

Nagpigil ako ng ngiti. "Hindi na ate. Nakakahiya."

Pinisil niya pisngi ko. "Aayusan kita. Dito ka dumiretso sa araw na 'yon ah. Papasundo kita kay Elvis. Ah oo nga pala, nasaan 'yong batang 'yon? Kanina pa nawawala."

Kumunot na noo niya saka inikot mga mata sa paligid. Eh totoo naman kasi, kanina pa wala si Elvis. Diko din alam kung saan pumunta.

"Baka nasa loob ng bahay. Tara doon. Nandoon sina Mommy."

Hindi na ako nakatanggi pa dahil hinila niya na kamay ko patayo. Halos mabangga nga namin mga tao dahil sa bilis naming maglakad.

"Mama, nandito si Che."

Nginitian ako ng Mama niya na kasalukuyang nakikipag usap sa mga kumare niya. Nasa tabi niya si Tito Glenn, tatay nina Elvis. Nakaupo sila sa round table dito sa loob.

"Pakainin mo na siya Amber. Mukhang busy si Ashley."

Umiling ako kay Tita Jane. "Tapos na po ako Tita."

Tumango tango siya saka tumingin sa panganay na anak. "Dalhin mo na lang siya sa salas, nandoon sina Elvis at mga barkada niya."

Tipid kong nginitian si Tito Glenn at Tita Jane bago ako sumunod kay Ate Amber. Kilala na nila ako dito sa bahay nila. Halos araw araw akong nandito noon kapag nagrereview kami ni Ate Ashley para sa mga sinasalihan naming quiz bee noon.

The BULLY and the NERDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon