Chapter 1

2.3K 94 8
                                    

FRANCHESCA POV

“Sige na Che, pahiram ulit ng payong mo.”

Hinila ko lang ang braso ko na hawak ni Elvis. Mariing nakatikom ang bibig ko habang nakatingin ako sa librong binabasa. Ayoko siyang pansinin.

Nakarami na siya sa akin ngayong araw. Kanina sa subject naming Business Finance, tinulugan niya ang report ni Mich. Tuwang tuwa naman ako dahil ako na susunod na magrereport. Tulog si Elvis. Walang epal.

Pero hindi, nang siniset up ko na flash drive ko sa laptop. Pagtingin ko sa pwesto niya ngising ngisi ang bwesit.  Gising na. Tumindig talaga balahibo ko sa ngisi niya.

Pakiramdam ko may gagawin na naman siyang hindi maganda. At hindi nga ako nagkamali, inulan niya ako ng madaming tanong. Prepared ang loko. Akala mo eh, report niya ‘yong dinidiscuss ko. Mas madami pa yata siyang binasa kesa sa akin. Mapahiya niya lang ako e.

Nakakainis siya. Buti na lang inintindi ko report ko ng maayos. Kaya hindi siya nagtagumpay na ipahiya ako.

“Chechay…” pangungulit niya.

Diko siya pinansin. Akala mo kung sinong mabait ngayon dahil may kailangan. Eh malas ko pa kaninang lunch, nakitable siya sa amin ni Mich. Wala kasi mga tropa niya, absent.

Kaya imbes na makakain ako nang maayos. Binusog niya lang ako ng mga panlalait niya. Kada subo niya, wala siyang ibang bukambibig kundi “kain ka ng kalabasa para luminaw mata mo”. Concern??

Hindi!! Dahil sa huli sasabihan niya akong mukha daw kasi akong Lola sa eyeglasses ko. Wala na akong ginawa kanina kundi panoorin  na lang siyang humagalpak sa pagtawa.

Sobrang pangdudusta ang ginawa niya sa akin kanina sa canteen. Lahat ng prutas inisa isa niya. Keso kain daw ako ng kamatis para magkarosy cheeks kasi mukha daw nabalsamo mukha ko sa sobrang pale. Keso kain daw ako ng avocado para hindi naninigas ang buhok ko kasi mukha daw akong bruha.

Hindi na ako nakakain kanina. Halos maramdaman kong nanginig ang buong sistema ko sa mga sinasabi niya. Nagdidilim ang mga titig ko sa kanya pero ganadong ganado lang siyang sumusubo habang humahalakhak.

At eto na naman siya. Nanghihiram ng payong. Akala mo walang pambili.

“Pahiram na, ibalik ko din after 30 mins. Diba hihintayin mo pa naman Papa mo?”

Nilingon ko na siya. “Bakit ba hiram ka ng hiram sa akin ng payong? Hindi ka makabili Elvis?!” tumaas agad ng ilang volume boses ko.

Tinitingnan ko pa lang siya ay kumukulo na ang dugo ko.
Napakamot siya sa ulo. “Eh nagtitipid nga ako Che. Di pa ako binibigyan ng sahod ni Daddy.”

Ah, oo nga pala. Nagtratrabaho pala si Elvis sa isa sa mga restaurant nila. Kahit naman mabaho ang ugali niya. Responsible din naman ‘yan.

Grade 7 pa lang kami, nagtratrabaho na siyang waiter sa isa sa mga restaurant nila. Ewan ko kung bakit ganoon sila itrain ng Daddy nila. Pati din naman si Ate Ashley at Ate Amber, mga ate ni Elvis, nagtrabaho din silang cashier sa restaurant nila.

Mababait mga ‘yon. Ewan ko sa bunso nilang kapatid.  Umaalingasaw ang baho ng ugali niya.

“Kunin ko na ah.”

Nagulat na lang ako ng buksan ni Elvis ang bag kong nakapatong dito sa mesa ng library.

“ANO BA!? Wag ka ngang nagnanakaw!” pabulong kong sita saka mabilis na hinila ang bag ko papunta sa kandungan ko.

Nagngingitngit na ako sa galit. Gusto ko ng ihampas itong binabasa kong libro sa makapal niyang pagmumukha.  Punong puno na ako sa kanya sa totoo lang. Kunting kunti na lang ang natitira kong pasensiya.

The BULLY and the NERDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon