Meet Cia Bernadette~*~
Cia's POV
"Miss Garcia, nagditch ka na naman ng class mo. Ano ba ang gusto mong patunayan, ha!? Napakatigas talaga ng ulo mong bata ka. You are a disgrace to your family's reputation." Nakayuko lang ako habang pinapakinggan ang sermon ng professor ko. I wasn't able to explain dahil pinangungunahan niya ako.
"Prof, can you please let me explain first?" She just shooked her head.
Fine. Wala na akong magagawa. Wala na rin naman akong pakialam. I'm dumb, too dumb to cry and too numb to feel happiness.
Lumabas na ako ng classroom at ipinagpatuloy ko na lang ang pagssound trip ko. Wala naman akong magagawa kung ayaw niyang pakinggan ang side ko. Hindi ko na problema yun.
"Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" Sigaw ng babaeng nasa harapan ko ngayon.
Sangkatutak ang dala niyang libro. May Fault In our Stars, Harry Potter series, Paper Towns and etc. Too many to mention.
Napakasipag namang magbasa ng babaeng 'to. Maybe she also wanted to escape reality just like me. And the way for her to escape was through reading books.
Tinulungan ko na lang siya na pulutin ang mga librong nagkalat. Habang nagpupulot kami ng libro, napapatingin ako sa kanya. She looks like a nerd but she's not the typical nerd. Parang may kakaiba sa kanya na hindi ko mafigure out.
"Hmm.. nice song." She smiled at me while pointing the screen of my phone.
I smiled back. Tumayo na kaming pareho.
"I'm Jhen Krishel Maniego." She handed out a book entitled 'Mi Amore, mon bel amour' Kinuha ko naman ito at inilagay sa bag ko.
"Well, I'm Cia Bernadette Garcia. Thankyou for the book." She just nod. Saka siya nagpatuloy sa paglalakad.
Weird naman. Imbes na kamayan niya ako, eh binagyan pa niya ako ng libro.
Nagkibit balikat na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Siguro tatambay muna ako sa Ponté Fino, yung coffee shop na pagmamay ari ni ate Kayzee. I just want to relax myself. Makapag isip isip kung gaano ka walang kwenta ang buhay ko.
Hayy.. self pity pa more!
- - - At Ponté Fino - - -Umupo na ako sa usual spot ko dito sa café. Inilapag ko muna ang bag ko at tinanggal ang earphones ko. I wanted to feel the ambiance while reading the book that Ms. Nerd gave me.
BINABASA MO ANG
Angel In Disguise
General Fiction"An Angel in Disguise is term referred to a person with a kind heart."