part 5

0 0 0
                                    

Tahimik akong naglilibot sa buong room at chine-check ang vital signs ng mga pasiyente. Ilang minuto na lang ay out ko na. Sakto dahil pupuntahan ko ang cafe ko at balak mag bake ng cupcakes at dadalhin kay hipag!

Sinabi niya rin na magaling na siya. Actually, mag ssleep over kaming lahat doon sa bahay nila mamayang gabi.

Tamang tama at may night ship si Caiden at maiiwasan ko siya! Nang mag out ako ay agad akong nag punta sa locker room at nagpalit ng damit.

Nang makalabas ako ng hospital ay nagulat ako ng may bumusina sa tapat ko. Nakakunot noo kong tiningnan kotse hanggang sa buksan ng driver nito ang bintana.

"Hi Shen!" Nakangiting bungad sa akin ni Mr. Mendoza.

"Hi, Mr. Mendoza." Pormal kong bati.

"Will you mind if I ride you home?" He asked. Umiling naman ako.

Lumabas naman siya mula sa driver seat at iginiya ako patungo sa passenger seat para pag buksan ng pintuan. Ngumiti naman ako sa kaniya at nagpasalamat bago ikabit ang seatbelt ko.

"Ah, Mr. Mend--"

He cut me off.

"Dredd na lang." Sabi niya. Ngumiti at tumango na lang ako. Tutal I owe him.

"Let's eat first before I drop you off." Sabi niya. Napatingin ako sa orasan ko. 6:34 PM na. Kailangan kong pumunta kina Bianca dahil meron kaming sleep over sa kanila pero mag be-bake muna ako.

"Ah, wag na. Next time na lang siguro. Pwede bang pahatid na lang ako sa cefe?" I asked politely.

"Ah. Okay, sure!" Nakangiting sabi niya.

Nang makarating kami ss cafe ay nagpasalamat ako sa kaniya bago bumaba. Hinintay ko munang umalis ang kotse niya bago ako pumasok sa loob ng cafe.

MATAPOS kong mag bake ay sumukay ako ng taxi pauwi sa apartment ko para kumuha ng gamit. Kinuha ko na rin 'yung damit na hiniram ko kay Bianca last time.

Inila-lock ko na ang gate nang tumunog ang cellphone ko. Si Bridget!

"On the way na ako!" Sabi ko.

"On the way ka dyan tapos maliligo ka palang. Bilisan mo. Gutom na kami!" Sabi niya at pinatay ang tawag. Napailing na lang ako at natawa.

Mga baliw talaga.

Agad akong pumara ng taxi. Kakasakay ko palang ng tumawag si Bianca.

"Papuntahin ko kaya diyan si Kuya para sunduin ka?" Sabi niya ramdam ko ang ngisi niya sa kabilang linya.

"Wag na. On the way na ako!" Nakaismid na sabi ko. Iniiwasan ko nga yung tao remember?

"Anyare? Hahaha. Dati kahit hindi ko sabihin iyan e nagpupumilit kang magpasundo?" Natatawang tanong niya pero alam kong seryoso rin siya.

"Basta! Napaka heartless ng kuya mo. Nako! Kung hindi ko lang iyan mahal matagal na akong sumuko." Sabi ko.

"Hahaha. Oo na mahal ka rin daw niya." Sabi niya.

"Asa pa ako. Bye. Malapit na ako!" Sabi ko at binaba ang tawag.

'Oo na. Mahal ka rin daw niya.'

Mahal? Asus! As a sister maybe. Hindi na ako aasa. Alam ko namang walang pag asa pero ewan ko ba hindi ko manlang minsan maisip na sumuko.

Masiyado na akong tanga. Masiyado akong martyr.

"Manong, diyan na po." Sabi ko at inabot ang bayad bago bumaba.

"Ay Mam labis po ang bayad niyo." Sabi nung driver at inabot ang sukli pero umiling ako.

"Inyo na po. Salamat po sa pag hatid ng ligtas." Sabi ko at ngumiti sa kaniya.

"Ang ganda niyo na nga po ang bait niyo pa. Salamat po, Mam!" Sabi niya. Tumawa lang ako sa sinabi niya.

Maganda nga hindi naman mahal ni Caiden. Wala rin.

"Uy gaga! May dala kang foods?" Iyon agad ang bungad ng tatlong lukaret na nanonood ng kdrama. Sabi nila sabay sabay raw kami manood pero nauna na sila. Madadaya!

"Shen, nakakatatlong episode na kami bago ka dumating." Sabi ni Mayett na sinasabing super late ko na nga.

Always late man atleast nangunguna pa rin sa kakyutan. Yeah, that's me Shensai Wu.

"Kumain na kayo?" I asked. Sabay sabay silang umiling.

"Hinintay ka namin!" Sabi ni hipag.

"Ang sabihin niyo wala lang kayong taga luto!" Sabi ko at natatawang inirapan sila.

Nagsitawanan naman kaming lahat at nagpunta ng kusina. Sabi na e. Hahaha.

"Shen, parang hindi mo halos bukang bibig iyang si luvs mo!" Tanong ni Bridget.

Kasalukuyan kaming nasa salas at kumakain ng dinner habang nanonood ng kdrama.

"Ha? Bakit normal lang iyon!" Sabi ko.

"Sinukuan mo na si kuya?" Bianca asked. Agad akong umiling sa kaniya.

"Basta iniiwasan ko muna siya." Sabi ko.

Sabay sabay naman silang tumango sa sinabi ko. Tahimik lamang namin pinapanood ang kdramang 1% of something hindi siya sikat na kdrama pero sobrang ganda ng takbo ng istorya.

Cliche siya pero nakakakilig pa rin. Pero, hindi ko manlang maramdaman ang kilig dahil yung bidang lalaki doon ay parang si Caiden. Cold.

Sana naman kahit minsan makita ko rin ang sweet side niya.

"Una na ako matulog!" Sabi ko ng makitang papasok si Caiden sa front door.

"Uy ang daya mo naman Shensai! Diba hindi tayo tutulog at tatapusin natin hanggang 16 episodes!" Sabi ni Bianca.

"Antok na ako e." Sabi ko kahit na alas-nuebe palang ng gabi nun.

"Bukas na lang siguro. Antok na ako e." Sabi ko at dali daling umakyat dahil alam kong paakyat na rin si Caiden.

Pumasok ako sa kuwarto ni Bianca at naupo sa kama. Bumuntong hininga ako. Ano bang iniaarte ko dito? Para namang may pakialam si Caiden sa akin kapag iniwasan ko siya, diba?

Kinuha ko ang towel ko at pantulog sa bag na dala ko saka nag shower. After kong mag shower ay nahiga ako sa kama ni Bianca at nag muni-muni.

I was thinking about Caiden ng mag ring ang cellphone ko.

It's Mr. Mendoza i mean, si Dredd.

"Hello?" Unsure na sabi ko.

"Hmm.. Shen, can I ask you a date tomorrow?" He asked.

Napaisip naman ako. Wala rin akong gagawin bukas kaya pwede na rin.

"Sige. Susunduin kita bukas ng ala-siyete ng umaga." Sabi niya at binaba ang cellphone.

Isa pa ito, marami akong nagiging fling kaya na rin siguro hindi naniniwala si Caiden na mahal ko siya. Nakikipag date lang ako kapag bored ako.

I didn't take guys seriously. Si Caiden lang ang mahal ko. Pero, hindi naman ako mahal. I closed my eyes and fell asleep.

Not Your Typical Girl[on-hold]Where stories live. Discover now