part 6

0 0 0
                                    

Ala-singko palang ng umaga ay gising na ako. Maaga rin kasi akong natulog kagabi.

Bumangon ako sa kama ni Bianca. Napangunot ang noo ko ng makitang hindi sila katabi ko natulog.

Bumaba ako sa salas at naabutan sila doon na hanggang ngayon ay mga gising pa rin.

"What the hell?" Bungad ko. Tinawanan naman nila ako.

"Ganda ng good morning mo ah!" Sabi ni Bridget.

"Hahaha. Wala pa rin kayong tulog?" I asked.

They all nodded at me.

"Jusko! Masiyado niyong cinareer tapusin iyan. Anyway, magluluto lang ako ng almusal." Sabi ko. Tumango naman sila sa akin kaya dumiretso na ako sa kusina.

Tinapos talaga nila ang one percent of something hanggang episode 16! Hindi ko kaya iyon sa aming lahat kasi ako ang pinakaantukin.

Ala sais na ay sabay sabay kaming lahat na kumakain. Kasama rin si Caiden. Tahimik lang kaming lahat at ang tatlo ay mukha nang mga bangag! Jusko. Nag puyat pa kasi e.

"Shen, someone's calling!" Sabi ni hipag at itinaas sa ere ang cellphone ko.

Nanlaki ang mata ko ng makitang si Dredd ang caller. Agad ko namang kinuha iyon.

"New fling?" Mayett asked. I just shrugged my shoulder.

"Dating kayo?" Bridget asked.

"You mean Dredd Mendoza? May gusto iyan sa iyo!" Hipag said.

Napailing naman ako.

"Friends lang kami!" Sabi ko.

"Hindi ka pa nililigawan?" Bridget asked.

"Hindi pa!" Sagot ko. Nag sitawanan naman silang lahat.

"Baka mamaya magulat na lang kami fling mo na tapos 3 days lang kayo!" Sabi ni Mayett.

Nag kibit balikat lang ako at tinuloy ang pag kain ko. Naging missed call na yung tawag ni Dredd. Bakit naman kaya tatawag ito? Mamaya pa namang ala-siyete iyon.

"Shen, bakit ka niya tinatawagan?" Caiden asked. His cold voice gave me shiver!

And why the hell did he asked that? Is he jealous?

"He asking me for date!" Sabi ko.

"No, don't go with him!" He hissed. Nagulantang naman ako.

Gagawin nanaman niya ang ganitong bagay kaya naasa ako tapos sa huli sasaktan nanaman ako?

"Why? I'm single. Walang mali don!" Sagot ko naman sa kaniya. Mukhang nagulat siya sa sinabi ko. Tss.

"Mukhang may gagawing masama sa iyo iyon!" Sabi niya.

"Wag ka ngang judgemental. Mabait si Dredd!" Sabi ko.

"Tss. He is a jerk!" Sabi niya. Jerk? Ikaw ang jerk dito. Ang galing mong mag pa-fall hindi mo naman sinasalo!

"He's not!" Sagot ko pabalik.

"I just want to--" I cut him off.

"What? Protect me? No, you don't have to. Malaki na ako. Isa pa, i am not your sister!" Sabi ko.

"Hindi kita pinoprotektahan bilang kapatid. I pro---" I cut him off, again. Nakita ko naman na kumuyom ang palad niya.

What the hell are you doing this, Caiden?

"No, thanks. I can handle and protect myself. Una na ako!" Sabi ko at tumingin sa tatlo na mga tulala sa sagutan namin ni Caiden.

Not Your Typical Girl[on-hold]Where stories live. Discover now