Taeyeon's POV
Napakatahimik..
Ni wala ni isa samin ang umimik.
"Kailangan na nating makipag ayos sa mga boys" Pambabasag ni Jessica sa katahimikan. "You sure?" Paninigurado sa kanya ni Hyoyeon. Ngumiti lang si Jessica saka tumango. "I agree. We need to protect them. We need to protect the boys" Seryosong sabi ko
"Wae? Anong problema?" Sabi ni Sunny
"Malaki ang chance na kapag lumaban uli tayo ang mga boys ang makakalaban natin. Paano ko nasabi? Well kasi siguro sila ang top sa BGT at ang huling grupo na hindi pa natin napapatumba sa company ng BGT?" Hindi pa man ako tapos magsalita ay siningitan na ako ni Yoona
"Saka last year na ambush ang isa sa hideout natin. Luckily wala naman napinsala sa mga ibang members. Nakita nila Yeen ng mag imbestiga sila ang isang bracelet. Remember yung bracelet ni Kai dati? Ganun ang nakita nila. May carvings din dun at nalaman nilang kay Tao ang bracelet na yun kaya naman nalaman nilang ang EXO ang may pakana ng ambush. Dahin dun nagalit sila Yeen. Isa pang ebidensya na ang EXO ang gumawa ay dahil sila lang sa company nila ang pwedeng gumamit ng bomba o kahit anong pampasabog dahil top sila. According yun sa sinabi sakin ng isang contact ko sa Girl Gangsters nung wala tayo" mahabang pag eexplain ni Yoona
Isa ang pumasok sa isip ko at si Baekhyun iyon
"Unnie san ka pupunta?" Rinig ko pang tawag ni Seohyun sakin pero hindi ko na sya nilingon. Agad kong tinungo ang pinaka mataas na parte ng beach na ito at mula dito kitang kita ko ang nag gagandahang ilaw mula sa ibaba.
"Sana wala ng problema. Sana matapos na ang lahat. Pagod na ako hindi ba pwedeng maging masaya naman ako pati ang mga kaibigan ko? Hindi ba pwede yun?" Mahinang banggit ko
Pero wala rin eh. Pinag sisisihan ko kung bakit sumali pa ako sa Girl Gangster na yan. Dahil dun nagulo ang buhay at ang buonh pag katao ko. Ayaw ko ng mabuhay sa mundo ng gangsters gusto ko ng bumalik sa pagiging normal ang buhay ko
Pero sabagay kung hindi ako naging gangster, hindi ko makikilala si Baekhyun
"Mahal kita Baekhyun-ah sana nga hindi pa huli ang lahat" Mahinang bangit ko
"Mahal rin kita Taengoo ko" Agad akong napalingon at nakita ko doon si Baekhyun na nakangiti sakin. N-Narinig nya ang sinabi ko? "Oo narinig kita. Ang gusto ko lang malaman totoo nga ba?" Tanong nya sakin saka lumapit at dumungaw
Hindi ko sya sinagot at tinitigan nalang din ang nag gagandahang ilaw katulad ng ginagawa ni Baekhyun na nakangiting pinagmamasdan din ang napakagandang tanawin
"Ang ganda..."
"Mas maganda kung tayo ang pagsasamahin" Sagot nya dahilan para mamula ako. Sa totoo lang talagang kinikilig ako.
"Taeyeon-ah, may tanong ako. Kelan ba kita matatawag na 'AKIN'?" napangiti ako ng tinanong nya yun. Ito siguro ang dahilan kung bakit nahulog ako sa lalaking toh. He never fails to make me happy. Sya ang nakapag aalis ng lungkot na nadarama ko.
"Ano? Hindi na kailangan dahil ngayon 'Sayo' na ako" Sabi ko sa kanya saka tumitig sa mukha nya na puno ng pagtataka
"A-Anong ibig sabihin mo? Sinasagot mo na ako?"
Ngumiti ako saka sya hinalikan sa labi bilang pag sabi ng 'oo' sa kanya
Somehow i felt happy ang relieved na para bang alam kong malalagpasan ko, namin ng mag girls ang mga nangyayari ngayon.
Gusto kong protektahan si Baekhyun.
Gusto kong protektahan ang lalaking minahal ako ng buo at minahal ko rin ng lubos
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Our BaekYeon is officially ON!
Lame update
Short update!
BINABASA MO ANG
Girls Generation and EXO in one world?!!!
Teen FictionSometimes love can't be discover by the beating of the heart. When he/she is near you then suddenly your heart beats faster. Are you sure its love? No. this story will prove you that you may loathe somebody's presence outside but you may love him/he...