Chapter 24: Taengoo is hurt

1.3K 42 9
                                    

Luhan's POV

Bullshit. Did she just confessed to me? Mahal nya ako? How? Why? Andaming tanong sa utak ko. Ganun ba ako kamanhid talaga na sa point na hindi ko alam na nasasaktan sya? "F*ck you, Luhan. Antanga mo" Bulong ko sa sarili ko.

Dali dali akong pumasok sa loob ng bahay at naabutan ko sila na naglalaro parin pero wala si Tiffany. Geez. San kaya sya nagpunta? Umiiyak pa kaya sya? Ang hindi ko maipaliwanag ay kung bakit yung galit ko nawala nung umiyak na sya.

"Luhan hyung, pwede ba tayong mag usap?" tanong ni... Sehun. Agad naman akong napatingin sa kanya. Hindi ba galit sya? Bakit naman nya ako gustong kausapin?

Nakatitig sila sakin lalo na si Suho at Kris. "O-O sige" sabi ko saka sya hinila sa taas papuntang kwarto ko.

"Ano bang gusto mong pag usapan, Sehun?" Tanong ko. "Mianhe~ Gusto ko sanang mag sorry dun sa alam mo na. Saka hyung sana naman maging masaya ka nalang para samin ni Yoona. Pangatlo, i saw what happen to you and Tiffany" Sabi ni Sehun kaya napatingin ako sa kanya

"How?" -Ako

"Its not important. the important thing is, hindi mo dapat ginawa kay Tiffany noona yun. Hyung ok na tayo ah? Don't take it seriously pero are you dumb? Lulu hyung~ bakit ang manhid mo?" Tanong sakin ni Sehun

Masarap sa feeling na kinakausap na ulit nya ako.

"Sese, hindi ako manhid. Hindi ko naman kasi alam kasi paano ko nga malalaman kung hindi naman nya ipinaparamdam sakin na mahal nya ako" Katwiran ko kaya napakunot noo sya

"Tanga ka nga talaga, hyung. Hindi pa ba sapat na tinutulungan ka nya kay Yoona? Hindi pa ba sapat na ebidensya yun para makita na mahal ka nya? Saka, paano mo nga mararamdaman kung puro si Yoona nalang ang nasa isip mo?" Sabi ni Sehun

Agad naman akong napa isip. Naalala ko tuloy, maraming beses ko na syang nakitang nakatitig sakin pero never namang pumasok na isipan ko na mag gusto sya sakin? Kasi diba kung gusto nya ako lalapit sya sakin hindi ba? Hindi yung hanggang tingin nalang sya.

"Pero kung gusto nya ako diba dapat dati pa nya ako nilapitan?" Tanong ko

"Not every woman has the guts to do that, Luhan hyung. You know, payo lang ah? Try to love Tiffany noona in return. May feeling ako na mahal mo rin sya kaso nababaliwala yung pagmamahal na yun ng puso mo kasi ang sabi ng utak mo iba ang mahal mo. Bakit hindi nalang si Tiffany noona nag ilagay mo sa isip at puso mo?" Sabi sakin ni Sehun

Ang tanong talaga bang nahulog din ang loob ko kay Tiffany ng hindi ko nalalaman?

Hindi ako sumagot. "Pero, Hyung, ikaw lang naman ang makakagawa nun. Ikaw ang may choice kung mamahalin mo si Tiffany noona ng pabalik o masasaktan ka dahil samin ni Yoona. Para sakin hyung ayoko ng masaktan ka ulit. Think about it" Sabi nya sakin saka tinapik ang balikat ko saka lumabas ng pinto.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Taeyeon's POV

Natapos na kaming mag laro ng spin the bottle. Busy na sila sa kanya kanya nilang gawain. Si Kyungsoo, Suho at Hyoyeon nasa kusina. Nandun din si Xuimin at Lay. Si Xuimin kasi naghihintay na ng makakain habang si Lay protective boyfriend kay Hyoyeon.

"Taengoo, sino ba hinahanap mo? Kanina ka pa ikot ng ikot dyan ah?" Tanong ni Jessica na nakaupo sa sofa habang inaayusan ng buhok si Kris. "Ahm ano wala lang" Sabi ko saka umupo sa may upuan.

Anong totoo nyan kakausapin ko na sana si Baekhyun. Nitong mga nakaraang araw kasi hindi nya ako pinapansin. Wala naman akong naalalang ginagawa kong masama?

Napakalala ng mood swings nun. Prituhin ko kamo sya dyan eh!

"Hyoyeon~ nakita mo ba si Baek?" Tanong ko kay Hyoyeon ng dumaan sya sa harapan ko. "Si Baekhyun? Nasa terrace sya eh. Hindi ko lang alam kung anong ginagawa. Patawag na sya kakain na kasi eh" Sabi nya saka pinuntahan uli yung mga kasama nya sa kusina

Ano namang ginagawa nun sa terrace?

Pumunta ako dun at nakita syang busy na nag tetext. Sino namang katext nya ha?!

"Sino yan ka text mo?" Tanong sa kanya kaya napatingin sya sakin at itinago ang phone nya sa bulsa. Nagulat pa talaga sya ah? "A-Ah ano wala ah" Sabi nya sakin. Hindi ako kumbinsido sa sagot nya.

Babae kaya yung ka text nya?! Aba! Subukan nya akong lokohin mapapatay ko sya, silang dalawa ng babae nya!

Kukuhanin ko na sana yung phone kaso pinigilan nya ako. "Ano ba?! Pwede ba wala nga akong ka text!" Sigaw nya sakin kaya hinugot ko ang braso ko kasi nga hawak hawak nya. At ako pa ang sisigawan nya. Lets see.

"Kung hindi ka nag tetext bakit ayaw mong ipakita yang phone mo?! Nakakainis ka na, Baekhyun! Babae siguro yang ka text mo noh?! Niloloko mo ba ako?!" Sigaw ko pabalik sa kanya kaya iritado nya akong tinignan

"Taeyeon naman! Napaka OA mo! Hindi babae ang ka text ko! Bakit ka ba nag iisip ng ganyan sakin hah? Mag tetext lang ibig sabihin babae na?! Wala ka bang tiwala sakin?! Stop acting like my mother!" Sigaw nya

Nararamdaman kong nag iinit na ang gilid ng mata ko ibig sabihin iiyak na ako.

"Sorry ah?! Sorry kung nag aastang nanay ako sayo. Sorry kung nagiging oa ako kasi nga girlfriend mo lang naman ako. Sorry kasi wala yata akong karapatang istorbohin ka kung sino man yang ka text mo! Sorry kung nagiging malaking sagabal sa pag tetext mo! Nag aalala lang naman ako sayo kasi hindi mo ako pinapansin nitong nakaraang araw! Gusto ko lang namang kausapin ka kasi nga namimiss na kita! Nakakainis ka, Baekhyun! Lagi nalang yang phone mo ang kaharap mo! Incase na nakalimutan mo, ako lang naman yung girlfriend mo!" Sigaw ko sa kanya saka pumanik ng kwarto ko

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Girls Generation and EXO in one world?!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon