Chapter 7: Have i fallen to her already?

1.7K 63 0
                                    

Hyoyeon's POV

Nakayuko lang kaming lahat nung nagsalita na si Yuri hanggang ngayon nakayuko parin kaming lahat. "What have i done? Tss. Ang tanga mo talaga Sica!" Paninisi ni Sica sa Sarili nya. "Its not your fault Jessica, pinangunahan ka lang din ng galit mo" Pagpapakalma naman sa kanya ni Sooyoung

Nakatayo lang si Sica habang umiiyak saka naupo sa kama at hinawakan ang ulo nya. "I care for Yuri, i care for all of you, alam nyong lahat yan. Mali ba na itama ko ang mali nya bilang isang kaibigan na nagaalala sa kanya? Yeah i know masyadong naging harsh ang salita ko pero ganun ako eh. Im a cold person, i admit that pero sa ganung paraan naieexpress ko sa inyo kung gaano kayo kaimportante sa akin eh....." Sabi ni Jessica habang umiiyak

"Its not your fault Jessica, its my fault. Naging padalosdalos ako, hinusgahan ko agad si Yuri kahit hindi ko naman alam lahat ng nangyari. Patawarin nyo ako guys...." Sabi naman ni Taeyeon habang pinipigilan ang luha nya

"Walang may kasalanan sa inyong dalawa, We all care for Yuri kaya lang natin nagawa yun" Sabi naman ni Sunny

"Hayaan nyo na unnie magkakaayos din tayong lahat" Sabi ni Seohyun

"GROUP HUG!!!!" -Tiffany

"Yakapin mo nalang ang sarili mo panyang! Di ka pa naliligo eh. Baho mo!" Sabi naman ni Yoona

"Ah so ganun kanina malungkot tapos ngayon masaya?! Gag show ganun?!" Sigaw ko

Nagtawanan nalang kami. Atleast hindi na sila umiiyak, ayokong nakikitang umiyak ang mga kaibigan ko....

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Yuri's POV

Rinig ko ang tawanan nila mula sa second floor. Kahit pa nasa garden ako rinig na rinig ko yung mga tawanan nila. Buti pa sila Masaya. Sabagay kasalanan ko naman kung bakit sila nagalit sakin.

Ang tanga ko kasi.

"Ano ba talagang nangyari noona?" Napalingon ako sa lalaking nagsalita. Si D.O pala. Parang nabuhayan ako ng loob na may kakampi parin ako dito. Umiling lang ako. Tumabi sya sakin saka humiga sa damuhan

"Wag mo akong lokohin noona, narinig ko kayong nagsisigawan nila Jessica noona kanina. Ano ba talagang nangyari?" Sabi ni D.O

Wala naman sigurong mawawala kung sasabihin ko kay D.O diba? Baka matulungan pa nya ako

"I have a story. Merong isang babae na sobrang lungkot simula ng mawala ang parents nya. Naging mailang sya sa mga tao. Ayaw na nyang magkakaroon ng kahit anong communication sa kahit kanino dahil takot sya na baka iwan rin sya ng mga ito katulad ng parents nya. But her live suddenly changed ng biglang pumasok sa buhay nya ang mga babaeng nagpasigla sa buhay nya ulit. Naging magkakaibigan silang siyam. Sobrang tatag ng pagkakaibigan nila pero nasira ang lahat dahil sa isang maling akala. Malandi. Yan ang tingin ng mga kaibigan nya sa kanya. Gusto nyang ipaliwanag ang lahat sa mga kaibigan nya pero wala syang magawa baka mas lalong magalit sa kanya ang mga kaibigan nya, ngayon mag isa nanaman sya parang yung panahong nawala din ang parents nya. Sakit siguro nun noh?" Hindi ko dineretsyo sa kanya na ako yung babaeng nasa kwento

Nakatingin lang sya sakin.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

D.O's POV

Alam kong si Yuri noona yung babaeng nasa kwento nya.

Umiiyak si noona dahil kay Kai. Dahil sa grupo namin. Wala namang ginagawa si Yuri noona sa kanila ah? Nananahimik lang si noona sa isang tabi tapos guguluhin lang nila.

Minsan hindi ko maiwasang magalit sa kanilang lahat, mga gago sila!

Wala silang pakielam sa kahit sino. Sarili lang nila ang iniisip nila.

Niyakap ko si Yuri noona na umiiyak parin. "Dadagdagan ko yung kwento ah? Hindi alam nung babae na may isang lalaki parin syang kasama, may isang lalaki paring nagmamalasakit at nagpoprotekta sa kanya, Kahit tinalikuran sya ng lahat nandun parin yung lalaki para magtanggol dun sa babae...." Sabi ko para naman kahit papaano mapagaan ko ang loob ni noona,

Poprotektahan ko si noona.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Kai's POV

Nagdilim ang paningin ko ng nakita kong yakap ni D.O si Yuri.

Sana pala hindi na ako lumabas para magpahangin. What a very unsightful scene right. Ang babaeng gusto mo at ang lalaking kaibigan mo magkayakap? Mababaw na kung mababaw pero yun yung nararamdaman ko!

Ah! Seriously?!

Ano bang nangyayari sakin?!

Have i fallen to her already?!!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Short UD :)

Uuwi na kami sa pilipinas! happy!

Girls Generation and EXO in one world?!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon