Taeyeon's POV
"Taeng?" Pagtawag sakin ni Tiffany kaya napatingin ako sa kanya. "Oh?" Sabi ko
"May napapansin ka ba kay maknae?" Tanong nya sakin kaya napaisip ako. Sa totoo lang meron talaga. Nagiging tahimik si Seohyun. Parang lagi syang may problema, malalim lagi iniisip. Sa tingin ko may problema sya eh
"Sa tingin mo ba may hindi sinasabi satin si Seohyun?" Tanong ko. "Hindi ko alam. Tinatry kong tanungin sya kung may problema ba sabi naman nya wala." Sabi ni Tiffany
Nakakulong lang lagi sa kwarto si Seohyun. Bababa lang sya pag kakain na pero hindi naman nya kami kakausapin.
"Mas manuti kung kausapin natin sya. Tulungan natin si Maknae kung may nangyayari ba sa kanya" Sabi ko saka hinila si Tiffany paakyat sa kwarto ni Seohyun
"Seo?" Tawag ko sabay katok. "Pasok unnie!" Sigaw naman nya kaya pumasok kaming dalawa ni Tiffany
Matamlay si Seohyun na nakatitig lang sa phone nya. Umupo kami sa kama nya. "Seohyun, may problema ka ba?" Tanong ni Tiffany. Umiling si Seohyun kaya nagsalita ako. "Lagi ka nalang bang ganyan? Seohyun alam naming may problema ka. Sabihin mo naman samin para matulungan ka namin" Sabi ko
"Alam naman naming nahihirapan ka. Kahit kami nahihirapan na nagkakaganyan ka. Nandito kami kaya lang paano ka naming matutulungan kung ayaw mong sabihin samin kung anong nangyayari sayo" Sabi ni Tiffany
"U-Unnie, natatakot ako. Natatakot ako na idamay sya nila Yeen" Umiiyak na sabi ni Seohyun
"Sino? Sino ang idadamay ni Yeen?" Tanong ko
Ipinakita samin ni Seohyun ang phone nya. It was a picture of Chanyeol. Agad kaming nagkatinginan ni Tiffany. "May gusto ka ba kay Chanyeol?" Tanong ni Tiffany
"Hindi pwede unnie. Mahal ko sya pero hindi pwede. Bakit ganun unnie? Bakit hindi patas? Ngayon nga lang ako nagmahal tapos ganto pa!" Malungkot na sabi ni Seohyun. Niyakap naman namin sya ni Tiffany. Kung ganun tama pala talaga ang hinala ko na matagal ng nahulog si Seohyun kay Chanyeol.
Nakakahalata naman na talaga ako eh. Nahuhuli ko yung bawat pagsulyap ni Seohyun kay Chanyeol
"Kung dahil yun sa problema natin about sa Girl Gangsters, wag mo ng alalahanin yun. Hindi ka namin idadamay. Ayaw ka naming madamay. We don't want you to suffer like the way we did. We'll protect you Seohyun. Maaayos natin tong lahat ng sama sama just be strong and hold to us a little longer" Sabi ko saka yumakap sa kanya
"She's right. Enjoy it. Enjoyin mo lang yung bawat na araw na in love ka Seo. Wag mong problemahin yung mga bagay na hindi mo naman problema. Wala kaming balak ng mga unnies mo na pagdusahin ka. Mamamatay muna kami bago ka masaktan. Now, don't cry mas mahihirapan kaming ipagtanggol ka pag malungkot ka. Atleast give us strength by your smile" Sabi ni Tiffany saka sumama sa yakap namin ni Seohyun
"G-Gomawo, unnie. Salamat sa lahat" Sabi ni Seohyun saka ngumiti.
Its better to see her smile than cry. Mas ok ng kami nalang mga unnies nya ang magdusa kesa sya.
"Saranghaeyo, dongsaeng" Sabay naming sabi ni Tiffany kay Seohyun
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Matapos ang malawakang drama namin nila Seohyun ay bumaba kami at naabutan namin ang mga hayop. (Peace <3)
Si Jessica natutulog pa! Anong oras na kaya!
Si Hyoyeon at Sunny ay tahimik na nanonood ng The Conjuring.
Si Sooyoung, Yoona at Yuri ay kumakain ng baozi na binili ni Xuimin
Tumabi naman kami kay Hyoyeon at Sunny. Shemay kamukha ni Baekhyun si Anabelle XD Makalait parang hindi ko mahal si Baekhyun noh? Hihih.
"Mga prinsesa wala po ba kayong balak na ligpitin ang mga kalat nyo sa kusina?" Pagsulpot ni Suho kasama ang mga boys. "Wala naman. Ang mga prinsesa hindi pinaglilinis. Sayo na nanggaling na prinsesa kami ah?" Sabi ng kagigising na si Jessica
"Ah ganon?!" Sigaw ni D.O
"Talagang ganun! Yah! Wag nga kayong humarang kitang nanonood yung mga tao eh! Manners ha? Manners nyo nawawala!!" Sigaw pabalik ni Hyoyeon. "Lay hyung, yung girlfriend mo oh nag bubunganga na. Good luck!" Pang aasar ni Kai kay Lay
"Wag nyo namang ganyanin yung mahal ko" Sabi ni Lay saka niyakap si Hyoyeon
Susme! Napaka tamis!
Tumabi naman sakin si Baekhyun. "Yeobo~ Nakakainggit sila diba?" Bulong sakin ni Baekhyun. "Hindi. Nandyan ka naman eh. Yiee kenekeleg ka na noh?" Bulong ko rin sa kanya. "Stop teasing meeee!" Sabi nya
"Anong booooring!" Sigaw ni Sehun at umirap naman si Luhan. Bongga! XD. Teka nga lang mag kagalit ba tong dalawang toh?
"Spin the bottle tayo!" Aya ni Tao kaya bumilog kami. Ginamit naman namin yung bote ni Chen. "Ganto, yung matatapatan nung may takip sya magtatanong kung truth or dare. Yung matatapatan naman nung kabila yung sasagot kung truth or dare" Pag eexplain ni Chen
Pinaikot naman ni Tao yung bote since sya naman ang nag aya
Kay Sehun tumapat yung takip at kay Yoona yung kabila meaning si Sehun ang magtatanong
"Truth or dare?" Nakangising sabi ni Sehun. "Psh! Dare" Nakaiwas na tingin na sabi ni Yoona. Sandaling nag isip si Sehun. "Sure? Baka naman pagsisihan mong nagdare ka pa?" Sabi naman ni Sehun
"Hindi noh! Pinaninindigan ko ang mga salita ko!" Sagot ni Yoona
"Ok. So ang dare ko sayo Ms. Im Yoona is to...... Stay with me forever" Nagtilian kaming mga girls sa sinabi ni Sehun. May gahhd. May namamagitan ba sa dalawang toh?
"Huh?" -Yoona
"Nakakainis ka naman eh! Gusto mo bang malaman kung anong sagot ko sa confession mo? Well, panindigan mo yun. Saranghae. Mahal din kita, Yoona. Will you be my other half?" Juskuuuuu napaka cheesy naman ng mga tao ngayon
"Y-Yes" Nakangiting sabi ni Yoona kaya nagsigawan nanaman kami. Hinatak ni Sunny at Xuimin si Luhan sa tabi ni Yoona at pinaupo doon si Sehun. Magkatabi na ang new couple natin ngayon
Pinaikot naman ni Sooyoung yung bote at ang resulta... Si Chanyeol yung magtatanong si Seohyun ang sasagot. Oooooh! What a coinsidence?
"Dare" Simpleng sabi ni Seohyun since ramdam kong nahihiya syang kausapin ang mahal nya. "Lumabas ka at isigaw mong, 'Mahal ko si Chanyeol' ng tatlong beses" Sabi ni Chanyeol
"huh?! A-Ayoko!" Pagprotesta ni Seohyun
"Eeeeh?! Maknae wag kang KJ!" -Yuri
"Go Seohyun kaya mo yan! Maknae, fighting!" -Yoona
Lumabas si Seohyun. "Mahal ko si Chanyeol! Mahal ko si Chanyeol! Mahal ko si Chanyeol!" Rinig naming sigaw ni Seohyun
Maya maya ay pumasok na si Seohyun na namumula ang mukha
"Naisigaw mo ng mahal mo ako panindigan mo. Will you be my girlfriend?" Tanong ni Chanyeol kaya nagtilian nanaman kami.
OMO! Mapapaos ako kakasigaw me gasssss
"Yes!" Masayang sagot ni Seohyun saka niyakap si Chanyeol
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Hi! Pabasa naman po yung new story ko oh? "6 days of courting ms. popular" ang title
BINABASA MO ANG
Girls Generation and EXO in one world?!!!
Teen FictionSometimes love can't be discover by the beating of the heart. When he/she is near you then suddenly your heart beats faster. Are you sure its love? No. this story will prove you that you may loathe somebody's presence outside but you may love him/he...