Chapter IV

12 2 0
                                    

Naglalakad parehas si Xialyn at Gray nang may makasalubong sila.

"Waaaaahhh! Hahaha! Ang cute mo!" sabi ni Xialyn habang gigil na gigil sa isang Pomenarian na kanilang nakasalubong ni Gray habang naglalakad sa kung saan man sila papunta. Ngiting-ngiti lang ang amo ng aso habang si Gray ay pinapanood lang ang panggigigil ng dalaga doon sa maliit na aso.

"Ate! Akin na lang 'to!" sabi ni Xialyn doon sa babae saka niyapos ang aso at tumayo. Nagulat naman si Gray dahil talaga yata balak ng kasama na iuwi iyong aso dahil kahit hawak pa noong amo ang taling konektadong nakasuot sa aso ay nakabwelo na ang dalaga naitakbo ito pabalik ng bahay. Tumawa muna saglit ang babae at sinagot ang dalaga na ikinalungkot naman nito. "Sorry, halos anak na kasi ang turing ko kay Teddy. Pero hayaan mo, pag nagkalove life si Teddy bibigyan kita ng isang supling." at dahil doon bigla muling nagliwanang ang mukha ni Xialyn sa huling sinabi noong babae.

"Naku! Promise yan ha? Xialyn nga pala, doon ako nakatira sa pangatlong kanto mula rito. Ikaw? Anong pangalan mo?" masiglang pagpapakilala ni Xialyn na kinangiti naman ni Gray.

"Rosalita, tawagin mo na lang akong Ate Rosa. Doon ako sa kabilang barangay nakatira, hindi kalayuan ang barangay niyong ito. Wala masyadong sasakyang dumaraan dito kaya lagi ko dito ipinapasyal si Teddy." nakangiting pagpapakilala ni Rosa sa dalaga at nakipagkamay ito. Napatingin naman si Gray kay Xialyn dahil nanlalaki ang mata nitong nakatingin kay Rosa. "Wow!" bigla nitong sabi saka dahan-dahan na gumuhit ang isang napakalaking ngiti sa kanya. "Ang astig ng pangalan mo ate! Rosalita? Shit. Old school pero astig!" manghang-mangha sabi ni Xialyn saka ibinaba ang aso na kanina niyang bitbit saka hinawakan ang dalawang kamay ni Rosa na tila nagulat sa nangyari.

Gustong matawa ni Gray dahil sa pagiging kakaiba ng kapatid ng kanyang kaibigan pero pinigilan niya iyon dahil baka magalit sa kanya ang dalaga. Tila bumalik sa huwisyo si Rosa at bahagyang natawa sa dalaga. "Ikaw palang nakapagsabi sa akin na astig ang pangalan ko. Thank you, natutuwa ako na marinig ko iyon sa iyo." sabi nito saka ngumiti ng napakatamis, napatingin naman ito sa bandang likod ni Xialyn at doon nakita nito si Gray bahagyang nagulat pero agad din ito yumuko ng kaunti bilang pagbati kay Rosa.

"Mukhang may lakad pa kayo ng boyfriend mo. Sorry naabala namin kayo ni Teddy." napalingon naman si Xialyn kay Gray na ngayon ay akala mo ay walang alam sa nangyayari. "Naku! Hindi ko siya boyfriend. May fiance na yan at may boyfriend naman ako. Ikaw, ate, may boylet ka na ba?" natawa naman si Rosa dahil sa pagtataas-baba ng mga kilay ni Xialyn sa kanya na interesadong-interesado sa kanya. "Wala akong boyfriend... Since birth." nakangiting sabi ni Rosa.

"Seryoso ka?" tila gulat pang tanong ni Xialyn. "Hindi nga ate? As in? NBSB?" pangungulit pa nito at hindi makapaniwala sa nalaman. "Wala pa nga. Bakit ba parang apektadong-apektado ka?" natatawang sabi ni Rosa.

"Wala naman. Pakiramdam ko kasi parang hindi ako dalagang Pilipina." napalakas ang tawa ni Rosa at nagtaka naman si Gray sa sinabi ni Xialyn.

"Pinagsasabi mo jan? Bakit, hindi ka na ba birhen?" bigla naman hindi makagalaw si Gray at nanlalaki naman ang mata ni Xialyn. "Grabe ka naman ate! Sinabi ko lang na parang hindi ako dalagang Pilipina, hindi na kaagad birhen. Nakakasama ka ng loob ha." pagdradrama ni Xialyn kay Rosa. Muling natawa si Rosa dahil alam niyang sinakyan nito ang pagbibiro niya rito at dahil din sa naging reaksyon ng lalaking nasa likod nito.

"Ituloy natin ang kwentuhan mamayang hapon, mga ala-singko ng hapon ha? Punta ka doon sa amin, may maliit na gate ang bahay namin, kulay sky blue ang bahay namin na gawa sa kahoy, maliit lang siya pero up-and-down." paglalarawan nito sa kanilang bahay, ngumiti naman sa kanya si Rosa at tumango. "Sige, pupunta ako. Basta ba nandoon ka. Sige, uuna na ako." sabi nito habang unti-unti nang naglalakad papalayo sa kanila. Kumaway naman si Xialyn sa bagong kaibigan saka humarap sa kasama. "Tara na." nakangiti nitong sabi kay Gray saka muling naglakad.

Colliding Fate [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon