Chapter II

7 0 0
                                    

Nang makarating sa tapat ng bahay ay agad na bumaba si Xialyn nang hindi inaalok na pumasok sa loob ng bahay si Gray. "Nandito na ako." matamlay na sabi ni Xialyn, agad itong umakyat papuntang kanyang kwarto saka ibinaksak ang sarili sa kanyang kama. Napakasimple lang ng bahay nina Xialyn, up and down ito pero tama lamang ang laki nito sa apat na tao, gawa rin ito sa kahoy. Nakaramdam ng antok si Xialyn kaya agad niyang pinikit ang mga mata at nakatulog na nga ito.

"Xia." naririnig na bulong ni Xialyn. "Xia." rinig ulit ni Xialyn at may umaalog na sa kanya ng mahina. "Uhm?" tila tinatamad pang sagot ni Xialyn sa tumatawag sa kanya.

"May bisita ka." bahagyang inimulat ni Xialyn ang kaliwang mata at tiningnan kung sino ba ang kausap niya. "Anong oras na ba? Hapon na, pauwiin mo na lang, me." sabi ni Xialyn at matutulog na sana ulit nang paluin siya ng kanyang ina sa pwet.

"Tch!" padabog ito naupo sa kama at nagsuot ng tsinelas. Hindi pa man mulat na mulat ang mga mata ay sumunod na ito sa kanyang ina at tiningnan kung sino ba ang sinasabing bisita. Madiin na napapikit naman si Xialyn at napabuntong-hininga nang makita si Gray na nakaupo sa hindi kalakihang upuang kahoy nila sa sala at nakatingin ito sa kanya ng walang reaksyon.

"Gray, I'm sorry---" naputol naman ang sasabihin ni Xialyn nang magsalita ang ina na may dala-dalang inumin para kay Gray. "Manliligaw ka ba ni Xialyn?" bigla naman nanlaki ang mata ng Xialyn at napatingin sa kanyang ina.

"Me! May boyfriend na ako! Anong manliligaw?!" naiinis na tanong ni Xialyn. Napatingin naman si Xialyn kay Gray at saktong nakatingin pala ito sa kanya kaya napayuko s'ya dahil sa pang-iiwan niya rito sa labas kanina.

"Pwede po ba?" harap ni Gray sa nanay ni Xialyn. "Anong kalokohan 'to?!!"

"Aba'y oo naman! Sa gwapo mong bata ka tatanggihan ko ba naman na maging manugang ka!" masayang sabi ng ina ni Xialyn.

"Mygod!" mahinang sambit ni Xialyn at dumeretso sa kusina para uminom ng tubig at doon niya nadatnan ang amang kumakain.

"Oh? Bakit simangot na simangot ka jan?" tanong nito nang makita ang anak.

"Ewan ko ba, de!" naiinis nitong sabi saka uminom ng tubig na isinalin sa basong hawak.

"Alam mo bang kanina pang naghihintay ang lalaking 'yon sa labas." napabuga naman ng hangin si Xialyn at inubos ang laman na tubig sa kanyang baso, saka inilagay sa lababo at agad na bumalik sa sala ng bahay.

"Me, siya 'yong kaibigan ni Kuya. Hindi ko siya manliligaw at hindi siya nanliligaw. Okay?" dere-deretsong sabi ni Xialyn. Nagtaas lang ng balikat ang kanyang ina at nagpunta ng kusina. Napabuntong-hininga naman si Xialyn bago humarap kay Gray na umiinom ng juice. Magsasalita na sana si Xialyn nang dumating naman ang kayang kuya.

"Gray! Mah men!" salubong nito at agad na lumapit kay Gray at niyakap ito. Napagdesisyunan naman ni Xialyn na bumalik na lang ng kanyang kwarto dahil mukhang hindi matatapos ang pangungulit ng kanyang Kuya sa kaibigan. Pagkarating sa kwarto ay hindi na nito naisipang magpalit ng damit at natulog na ulit.

Mahimbing na mahimbing ang pagkakatulog ni Xialyn nang may dumagan sa kanya, kaya agad itong nagising sa pwersang naramdaman. "Kuya naman e!" reklamo ni Xialyn sa kanyang kuya nang makita niya ito ang dumagan sa kanya.

"Bumangon ka na jan. Simula na ng partey-partey!" pangungulit sa kanya ng kuya niya.

"Aish! Kuya naman, natutulog ako e!" sabi ni Xialyn saka ikinumot ulit ang tinanggal na kumot ng kanyang kuya sa kanya.

"Lumabas ka na jan! Kakain na tayo! Puntahan mo rin doon sa garden si Gray." wala namang nagawa si Xialyn kung hindi ang bumango dahil sa pangungulit ng kapatid.

Pagkalabas ng kwarto ng kapatid ay nagpalit ng damit si Xialyn at bumaba na para puntahan sa kanilang maliit na hardin si Gray. Inaantok-antok pa na hinanap ni Xialyn si Gray hanggang sa makita nitong nakaupo sa ginawang upuang kahoy ng kanyang ama. Napansin naman ni Xialyn ang matamlay na itsura ni Gray kaya tinabihan niya ito sa upuan na kasya ang tatlo.

Pasimpleng sunusulyapan ni Xialyn si Gray kung may nagbago noong tumabi siya rito. "Sorry." panimula ni Xialyn. Nabuntong hininga ang dalaga saka ipinagpatuloy ang sasabihin. "Sorry doon sa sinabi ko kanina sa restaurant at 'yong pang-iiwan ko sayo sa labas." paghingi ng paumanhin ni Xialyn pero hindi sumagot si Gray. Napakagat naman sa labi si Xialyn at nag-isip pa ng masasabi sa katabi.

Magsasalita na sana ulit siya nang unahan siya ni Gray. "Okay lang." napalingon naman si Xialyn sa sinabi ni Gray. "Wala namang mali sa sinabi mo. Totoo namang hindi pa siya tuluyang akin." tila tulalang sabi ni Gray at nakatingin lang sa mga matatamlay na kulay ng bulaklak dahil sa dilim ng paligid.

"Ah... Siguro nga hindi pa siya iyo ng... buong-buo pero... 'di ba sabi mo kanina engage na kayo? Hindi ba't doon na rin papunta 'yon?" napalingon naman si Gray kay Xialyn na masayang nakangiti sa kanya. "Nag-oo s'ya o yes, ibig-sabihin... nakasisigurado na rin siya, sayo. Sasagutin ba niya ang tanong mo na "Will you marry me?" kung ayaw niyang magpakasal sayo?" hindi naman maialis ni Gray ang kanyang paningin kay Xialyn habang nagpapaliwanag ito sa kanyang tabi.

"Kaya ko lang naman nasabi 'yong kanina, dahil iba pa rin 'yong naikasal ka, malaki ang laban mo. Hindi ba?" tanong ni Xialyn saka tinaas-taas ang dalawang kilay na ikinangiti naman ni Gray. "Naku! Pinahirapan mo pa ako, ngingiti ka rin naman pala!" natatawang sabi ni Xialyn kay Gray.

Natatawang napapailing naman si Gray. "Napaisip ako sa sinabi mo kanina. Kung ang kasal na nagagawa pang maagaw, pano pa kaya siya na engage lang sa akin." napaisip naman si Xialyn na pwedeng sabihin dahil sa biglang bago ulit ng aura ni Gray.

"Alam mo, kuya Gray." napalingon naman si Gray kay Xialyn dahil biglang pagtawag nito sa kanya ng kuya. "What? Masmatanda ka sa akin, buddies kayo ni kuya. So... Kuya dapat tawag ko sayo." natatawang paliwanag ni Xialyn, bahagya rin naman napatawa si Gray sa narinig.

"Kung talagang mahal ka niya, magpapaagaw ba siya? At kung magbago man ang ihip ng hangin kung literal man yan o hindi..." natatawang sabi ni Xialyn. "...magmahal man siya ng iba dapat mong respetuhin ang nararamdaman niya. Mahirap pero kailangan." humarap naman si Xialyn kay Gray bago ipagpatuloy ang sasabihin. "Para walang gulo at maging payapa ang lahat. Tulad nga ng sabi mo, ang mga taong kasal na nga nagagawa pang magmahal ng iba, paano pa tayo na hindi pa kasal?" nakangiting nakatingin lang si Xialyn kay Gray. Samantala hindi naman makapaniwala si Gray sa lawak ng sinabi ni Xialyn sa kanya. Lumaki ang ngiti niya at unti-unting natawa na ipinagtaka naman ni Xialyn.

"I can't believe that someone like you can give me that kind of advice. Nagpakasal ka na ba at parang pinagdaanan mo na lahat ng yan." lalo naman napangiti si Xialyn dahil para sa kanya isa itong compliment. "Bata ko pa magpakasal ha! Base yan sa karanasan ng mga taong nasa paligid ko, live ko kasing napapanood." natatawang sabi ni Xialy. Bahagya naman napataas ang isang kilay ni Gray pero hindi pa rin nawawala ang ngiti nito sa labi.

"Gray, may tanong pala ako." bahagyang nagsalubong ang kilay ni Gray dahil bilaang pagbabago ulit ng tawag sa kanya ni Xialyn, pero hindi pa rin nawawala ng ngiti sa kanyang labi.

"Si Joshua ka ba?" takang-taka naman ang itsura ni Gray habang nakatingin lang kay Xialyn at ngiting-ngiti lang naman itong nakatingin sa kanya pabalik.

"Hindi. Gray ang pangalan ko." nagpigil naman ng tawa si Xialyn dahil sa hindi pagkagets ng kausap sa gusto niyang mangyari.

"Hindi. Ikaw si Joshua e. Tinanong ko pa nga kay Kuya." sabi pa ni Xialyn na lalong pinagsalubong ng kilay ni Gray.

"No, I'm not." matigas na sabi ni Gray na tila isinusumpa na ang pangalan na Joshua simula sa araw na ito.

"Tch! Sabi nang ikaw si Joshua e!" pangungulit ni Xialyn.

"Hindi nga ako si Joshua! Bakit ba?" naiinis na tanong ni Gray na ikinangiti naman ni Xialyn. Bahagya siyang lumapit at bumulong sa binata. "Nothing. I JOSHUAna be with you." saka naman nagmadali tumakbo pabalik sa loob ng bahay si Xialyn pero bago tuluyan makapasok may isinigaw muna ito kay Gray. "Joshua! Pasok ka na rito! Simula na ng welcome party mo!" natatawang sigaw ni Xialyn at pumasok na nga sa loob ng bahay at nakasalubong ang kapatid sa kusina na may bitbit na ulam. "Sino si Joshua?" takang tanong nito. Ningitian lang siya ni Xialyn at tumulong sa pag-aayos ng lamesa.

Colliding Fate [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon