Chapter V

6 0 0
                                    

"Well, hindi kami naging magkaklase o schoolmates. It just happened at iyon na 'yon." natatawang kwento ni Xialyn. Kumunot naman ang noo ni Gray at hindi naniniwala sa sinabi ng dalaga. "Okay! Wag masyado atat! Hahaha! After graduation ni Kuya may nag-offer sa kanya na isang barkada niya rito sa Pilipinas na nagkataon na may ari ng isang school, nag-offer ito na pansamantala munang magturo ito sa school na iyon. Naging estudyante niya si Gian tapos 'yon nagkakilala kami and blah blah blah. The End." tinapos niya ito nang may malaking ngiti sa mukha.

"Stories doesn't end with the blah blah blah, Xialyn." bahagyang natawa ang dalaga sa reaksyon ng katabi. "And to think of it. Si Nate din ang dahilan kung papaano kayo nagkakilala." pahabol pa nito, ito namang si Xialyn ay tila 'do kumbinsado sa narinig.

"Because you're doubting kaya ka ganyan." sinimangutan naman ito ni Xialyn. "Come on, tell me. Why you ended up being with him, instead of someone else?" napataas naman ang kilay ni Xialyn sa itinanong sa kanya. "Bakit? Ayaw mo ba na boyfriend ko si Gian?" natatawa na tanong nito kay Gray.

"I'm asking. Wala akong sinabing ayoko sa kanya." muling natawa si Xialyn at nagkwento na lamang para matahimik ang kasama. "So, estudyante s'ya ni Kuya. Nagkataong naging p.e teacher rin siya at ginawang coach ng basketball team tapos dahil nanalo sa isang game, itong si Kuya nagpakain sa bahay. Lahat ng team ay nasa bahay at doon kami nagkakilala ni Gian." bigla naman nagsalubong ang kilay ni Gray at napaisip. "As far as I can remember, sabi ng kuya mo ay hindi mo pinakilala si Gian sa kanya. Hindi sila naging close sa sandaling naging teacher siya sa school ni Gian?" pagtatanong ni Gray.

"Sus! Echos lang 'yon ni Kuya! Palibhasa kasi hindi niya alam na naisahan na siya ng paborito niyang estudyante. Close yang dalawa, sila nga yata ang magkapatid. Parehas na parehas e." natatawang sabi ni Xialyn na ikinatangon naman ni Gray.

"So, paano naman naging kayo?" tanong ni Gray. "Wait! Excited? May lakad? Gustong-gusto mong malaman ang naging lovelife ko 'no? Nag-iinuman din sila nina Kuya noon kasama ang buong team ng araw na 'yon, doon siya naglakas loob na palihim na umamin sa akin na hindi nalalaman ni Kuya. Matagal na raw niya akong crush, lagi niya raw ako nakikitang nanonood ng laro sa school nila sa tuwing dumadayo ang school namin. Wala naman talaga akong hilig sa panonood sa basketball pero kailangan kong manood dahil sa grades. Hahaha. Simula nang umamin siya sa akin lagi niya akong pinupuntahan sa school para kamustahin at hindi 'yon alam ni kuya. Hanggang sa unang beses niya akong ihatid sa bahay at nagpaalam siya sa parents ko na manliligaw siya, nagkataon naman na wala si Kuya sa bahay dahil gumimik kasama 'yong may ari ng school. Lagi kasing wala sa cast si Kuya sa tuwing kumikilos si Gian, kaya wala siyang alam."

"Hindi ba coach si Nate ni Gian? Bakit hindi siya nagpaalam sa kuya mo, halos araw-araw naman silang nagkakasama at nagkakausap sa school?" nakakunot noong tanong ni Gray kay Xialyn na napakibit-balikat na lang.

"Ewan ko sa mga yan. Basta ang alam ko lang, nang malaman ni Kuya na kami na ni Gian. Halos isang linggo niya ako hindi kinausap, parang may malaki akong kasalanan na nagawa sa kanya." napabuntong hininga naman si Xialyn nang maalala ang kaganapan na iyon sa kanila ng kanyang Kuya.

"Naitanong mo man lang ba sa Kuya mo kung bakit?" natahimik naman si Xialyn at hindi umimik. Napatingin naman sa ibang dereksyon si Gray at napabuntong hininga, hindi siya makapaniwala sa nalaman. Muli itong tumingin sa nakayukong Xialyn na ngayon. "Alam kong may dahilan ang kuya mo kung bakit. Kung ako man ang nasa kalagayan ng Kuya mo, sigurado akong naging gan'on din ang sitwasyon nating dalawa." nagtataka namang napalingon sa kanya si Xialyn.

"Bakit?" tipid nitong tanong sa kanya. "Nag-iisang anak man ako at hindi ko naranasan na magkapatid, nakaramdam ako ng sama ng loob sa sinabi mo. Kasi, Xialyn. Kung tutuusin Kuya mo siya, may karapatan siyang kilalanin ang mga nanliligaw sayo. Its for your own safety. Papano na lang kung hindi pala mabuting tao si Gian, na hindi pala mabuti ang hangad niya sayo? What will happened to you? There are so many possibilities in this world na pwedeng mangyari sa isang iglap ng hindi mo nalalaman. Kaya naiintindihan ko si Nate, kahit noong nasa Canada kami, bigla yan nagpatulong sa amin na makauwi dito dahil naospital ka raw. Hindi naman siya nakauwi dahil pinigilan siya ng mga magulang niyo. Gan'on ka kamahal ng kuya mo. He can even sacrifice his own career makita ka lang maayos. Now, are you still doubting about your brother?" hindi naman mapigilan ni Xialyn na tumulo ang kanya luha. Sa buong akala niya tungkol sa kapatid ay ang asarin lang siya at awayin, pero hindi niya nakikita ang pagmamahal nito sa kanya na kahit ang pagiging engineer nito ay kayang i-sakriprisyo para lang sa kanyang kaligtasan. Agad naman niya pinahiran iyon at pilit na ngumiti sa kausap.

Colliding Fate [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon