Chapter III

2 0 0
                                    

Nagising ng maaga si Gray dahil sa naririnig niyang ingay sa loob mismo ng kwarto na tinutulugan niya.

"Yeah! I feel so good! 'Cause you are a girl, I'm a boy! You are a girl, I'm a bo-oh-oy won't you feel me ~follow me~! Yeah!" nakita naman niya si Nathan bagong ligo at sumasayaw-sayaw habang kumakanta. Napaupo naman siya sa kama at napahawak sa kanyang noo. Napansin naman siya ni Nathan at ngiting-ngiti na lumapit sa kaibigan. "Ano? Masakit, 'no? Lakas mong uminom e!" natatawang sabi ni Nathan sa kanya.

"Ano bang problema mo kagabi? Tinanong lang kita kung bakit ka namumula bigla ka na lang derederetsong uminom ng beer." nakangiting sabi ni Nathan.

Napabuntong-hininga naman si Gray nang maalala ang nangyari kagabi. Humiga ulit siya sa kama at sinubukang muling matulog.

----------------------------------------------------------

"Nothing. I JOSHUAna be with you." hindi kaagad nakareact si Gray tila ba processing pa 'yong ibinulong sa kanya ni Xialyn.

"I just... I joshua...na be with you." pag-uulit niya sa sinabi ni Xialyn at bigla na lang siya napatingin sa ibang dereksyon na tila ba may nakatingin sa kanya ngayon at napalunok.

"Joshua! Pasok ka na rito! Simula na ng welcome party mo!" hindi naman mapalingon si Gray sa isinigaw ni Xialyn at nanatili lang siya sa kanyang pwesto. Ilang minuto pa na natili doon si Gray hanggang sa may kumalabit sa kanya na nakapagpalingon sa kanya.

"Ano pang ginagawa mo jan? Tara na sa loob." pag-aaya ni Nathan sa kanya, sumunod na siya pero nagdal'wang isip ito noong nasa tapat na s'ya ng pinto. "Bakit bigla yata akong nahiya na pumasok?"

"Gray! Tara na!" tawag ulit sa kanya ni Nathan kaya pumasok na siya at sumunod sa kusina. Naupo siya sa tabi ni Nathan at hindi niya nakita si Xialyn. "Nasaan si Xialyn?" hindi niya mapigilan na maitanong sa katabi.

"Natutulog na. Ginambala ko raw ang masarap niyang pagkakatulog kanina." sagot naman ni Nathan sa kanya.

Habang kumakain sila ay natuwa naman si Gray, dahil tila hindi siya ibang tao kung kausapin ng magulang ng kaibigan. "Naku! Engage ka na pala! Kailan kaya itong si Nathan?" sabi ng ina na kinasamid naman ni Nathan.

"Pano naman ma-eengage yang anak mo? Wala namang girlfriend, ni hindi nga yata marunong manligaw yan." sabi naman ng ama.

Napalingon naman si Gray kay Nathan, derederetso naman nitong ininom ang tubig. Natawa naman si Gray dahil nasamid ang kaibigan sa ininom na tubig.

"Kailan pala ang kasal mo Gray?" napalingon naman si Gray sa ina ng kaibigan at ngumiti. "Hindi pa po namin napag-uusapan ni Amber, pero gusto ko sana dito po ganapin ang kasal sa Pilipinas." nakangiting sagot naman ni Gray.

"Sigurado ka bang dito mo gustong magpakasal?" nagtaka naman si Gray sa itinanong ng ama ng kaibigan.

"Ano namang mali sa pagpapakasal dito?" nagtatakang tanong ng asawa.

"Aba. Katulad ko, dito ako nagpakasal, wala akong choice e. Wala akong takas dito." natawa naman si Gray dahil sa kulitan ng mag-asawa.

"Wag nga kayong maglandian sa harap ni Gray. Nakakahiya." lalong natawa si Gray dahil talagang tinakpan pa ni Nathan ang kanyang mga mata, binato naman ito ng ina kaya agad din nawala ang nakaharang nitong mga kamay.

Napalingon naman silang lahat ng marinig nila ang tila nagmamadaling mga paa na makababa, nakita nila si Xialyn na ngiting-ngiti na bumaba ng hagdan at dumeretso sa harap na pintuan. Maya-maya pa ay dumeretso ito papuntang kusina kasama ang boyfriend.

"Good evening po." nakangiting bati nito sa magulang ng dalaga.

"Aba. Ano mamamanhikan ka na ba?" tanong ng ama na hinampas naman ng asawa sa braso. "Ano ka ba? Dapat maunang ikasal si Nathan!" sermon ng ina. Humarap ito sa bago na dating bisita ang ngumiti. "Maupo ka Juno. Teka kukuha lang ako ng plato mo." sabi ng ginang.

Colliding Fate [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon