Chapter I

25 2 0
                                    

Isang linggo ang lumipas...

•{Xialyn Mary Ruffy}•

"Yeah. I know." Napairap naman ako sa ka-oa-yan ng boyfriend ko.

Nagmamadali akong maglakad papunta sa isang sosyalin na kainan dahil napalayo ang pinagparadahan ko ng sasakyan dahil puno na ang parking lot ng mismong kainan.

"Ano ka ba naman, Gian? Wag ka ngang OA! Okay. Tatawag kaagad ako. Good. Sige. Ba-bye na. Mukhang nandito na 'yong kaibigan ni Kuya." pagpapaalam ko.

Xialyn Mary Ruffy, hilig niya ang mag-travel at photography, dahil sa pagkahiligan niya rito ay nagpatayo siya ng sarili ng studio at isa siyang blogger sa youtube. Nagtapos siya sa isang Culinary school, pero mas pinili niya ang maging isang photographer at vlogger.

Tumigil muna ako sa isang tabi. Nag-ayos muna ako ng damit bago lumapit sa nakatalikod na lalaking nakaupo sa table na pinareserve ko para sa meet up.

"Hi. Sorry late ako, may dinaanan pa kasi ako, hindi rin makakapunta si Kuya." pagpapaliwanag ko sa pagiging late, patitig naman ako sa lalaking kaharap ko. Nakangiti ito sa akin. 

"Hi, love." Nakangiti nitong sabi saka inilapag sa lamesa ang isang basong tubig.

Mabilis kong kinuha ulit ang cellphone ko sa maliit kong bag at tinawagan si Gian.

"Ganyan mo ba ako kamahal para siguraduhin kung totoo pa ako?" Ngiting-ngiti nitong sabi habang habang hawak-hawak ang cellphone.

"Kailan ka pa umuwi? Saka 'yong kaibigan ni kuya ang katagpo ko, bakit ikaw ang nandito?" Tumawa naman siya ng mahina.

"Miss na kita e." Gusto kong mainis pero alam kong nararamdamn ko 'yon dahil kinikilig ako sa sinabi niyang miss na niya ako.

Narinig ko ulit siyang tumawa, kaya ibinalik ko ang tingin sa kanya. "Pinakiusapan ko muna si Coach. Aalis din kasi mamaya papuntang Bagio, kaya gumawa ako ng paraan para magkita tayong dalawa ngayon." Sabi niya saka ngumiti.

"Magtatagal ka ba sa Baguio?" Tanong ko. Nakangiti itong umuling at tumitig sa akin.

"Tigilan mo nga ako sa ganyang tingin, Gian." Sabi ko saka umiwas ng tingin.

Tumawa na naman siya. Tuwang-tuwa talaga siya sa pagkainis ko sa kanya.

"Anyway, I have to go. Mahaba pa ang byahe ko." Tumayo rin ako to give him a hug. "Magiingat ka." Sabi ko saka lumayo sa kanya. Ngumiti siya sa akin. "I know. I love you." Sabi niya, ngumiti lamang ako at hindi sumagot. Pinisil niya ang pisngi ko nang nakangiti saka lumabas ng restaurant.

Nakangiti akong pumunta sa comfort room para mag-ayos ng kaunti para hindi nakakahiya sa kaibigan niya kuya. Tumunog ang cellphone ko ay nakangiti na lamang ako nang makitang si Gian ang tumatawag.

"Hello?" Naghintay ako sa kanyang sasabihin pero dalawang minuto na yata ang lumipas pero wala parin siyang sinasabi.

Bahagya akong natawa saka sinambit ang mga katagang.  "I love you." Narinig ko naman siyang natawa sa kabilang linya. "I love you too." Saka niya ibinaba ang tawag.

Napailing na lamang ako sa kalokohan ni Gian. Nagsuklay lamang ako ng buhok at naglakad na ako pabalik sa table, habang naglalakad ay napansin kong may isang lalaki na ang nakaupo sa table na pinareserved ko. Nakaupo ito sa pinagpwestuhan ni Gian kanina.

Colliding Fate [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon