Prologue

20 2 0
                                    


Prologue

"Finally..." sabi niya saka dinama and simoy ng hangin. "I'm home." sakabay ng pagmulat ng kanyang mga mata ay ang isang matamis na ngiti sa kanyang labi.

Agad niyang tinahak ang papalabas ng paliparan. Maaliwalas ang pakiramdam nito at halata sa mukha ang kagalakang nararamdaman.

Gray Denis Venzon, isang mahusay na Architect, labing-pitong taon na ang nakalipas nang lumipad siya papuntang Canada kasama ang kanyang mga magulang at ngayon ay umuwi siya, para makapagbakasyon at makasama ang mga naiwang kamag-anak dito sa Pilipinas.

Hindi maitago ni Gray ang kasiyahang nadarama at bigla na lamang napangiti hanggang sa may bumunggo sa kanyang kaliwang balikat. "Ano ba yan?! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" sigaw sa kanya ng lalaking bumunggo sa kanya.

"H-huh?!" nagtatakang tanong ni Gray dahil siya ang binunggo at hindi siya ang bumunggo. Napansin naman nito ang ilang mga taong napapadaan sa kanila ay bahagyang napatigil sa biglaang pagsigaw noong lalaki.

"Anong ha?! Wag ka ngang magmaan-maangan!" nagulat si Gray dahil sa biglaang pagwawala lalo ng lalaki. "S-sir, wait lang po. Huminahon ka po muna." mahinahon na sabi ni Gray dahil lalong dumarami ang mga matang nanonood sa kanila.

"Hinahon?! Pagkatapos mo akong bungguin?! Tingnan mo nga yang gamit ko, nagkalat dahil hindi ka nakatingin sa dinadaanan mo!" biglang nataranta si Gray nang biglang sipain noong lalaki ang mga dala nitong papel na nasa sahig.

Hihingi na sana ng kapatawaran si Gray na may isang babae ang dumating at tumabi sa kanyang kanan. "May problem ba rito?" mahinahon na tanong nito.

"Hindi mo ba nakikita? Binangga ako ng lalaking yan! Nagkalat tuloy 'tong mga gamit ko!" sigaw ulit noong lalaki.

Tinanggal noong babae ang suot-suot na shades, tumingin ito doon sa mga gamit na nagkalat na sinipa noong lalaki.

"Oh? Nagkalat na nga, ikinalat mo pa. Bakit hindi mo na limutin kesa gumagawa ka ng eksena rito?" inosenteng tanong ng babae saka deretsong tumingin doon sa lalaki.

Bahagyang napatitig naman si Gray doon sa babae, dahil tila hindi ito natatakot sa pwedeng gawin noong lalaki sa biglaang pangingialam nito.

"So ako pa ang may kasalanan? Binangga niya ako kaya nagkalat ang mga yan!" nanggigigil na sabi noong lalaki. Tila naiinis naman ang babae dahil sa pagbuntong-hininga nito.

"Iyon na nga. Nakakalat na nga jan. Bakit hindi mo na lang limutin kasi nakakaabala na yan sa mga taong dumadaan. Isa pa..." bahagyang lumapit ito doon sa lalaki at hininaan ang boses. "...akala mo siguro nakalimutan na kita? Pinalampas ko 'yong pagpapahiya mo sa akin noon, pero ito, hindi." may kinuhang bagay ang babae sa bulsa ng damit nitong lalaki, at laking gulat ni Gray nang makita ang pitaka niya iyon. "Wag mo na ito uulitin, humanap ka ng matinong trabaho at buhayin mo sa magandang paraan ang pamilya mo." natahimik naman 'yong lalaki at napayuko sa sinabi noong babae.

Humarap ang babae kay ng Gray nang nakangiti, suot-suot na rin nito ang shades nito. "Tara." saka siya nito hinila papalabas ng paliparan ng eroplano. Hinila siya nito hanggang sa labas na mismo ng paliparan na kung saan hindi masyado matao saka siya hinarap nito habang inaabot ang kanyang pitaka pabalik.

"Salamat." pagpapasalamat ni Gray habang nakatingin sa kanyang inaabot na pitaka. Nagtanggal ng suot na shade ang babae at ngumiti sa kanya. "You're welcome. Sige. Mag-iingat ka." muli itong ngumiti sa kanya bago umalis, tatakbo na sumalubong ito sa isang lalaki na nakatayo katabi ng isang mamahaling sasakyan.

Bahagya naman napangiti si Gray dahil hindi tuluyan nasira ang unang dating niya sa bansa ng dahil sa babaeng iyon.






----------------------------------

Date Started: April 5, 2018

Colliding Fate [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon