Chapter 3: A secret

13.5K 165 5
                                    






"Uuwi na ako." sabi ko habang nagbibihis. Nakahiga lamang sya sa kama.

"Gabi na, baka mapahamak ka." sabi ng nag aalalang boses nya. Nilingon ko sya.

"Kaya ko na ang sarili ko." pagmamatigas ko.

Tumama sa akin ang isang unan, "Hindi ka uuwi!" sigaw nya. Natakot ako sa boses nya kaya napaiyak ako.

Naramdaman ko ang katawan nyang nakadikit sa akin. "Shhh, sorry babe." sabi nya saka hinagod hagod ang likod ko. Sinunggaban nya ako ng halik para matigil ako sa pag-iyak. Sumabay ako sa mga halik nya dahil sa sarap nito. Hinawakan nya ang butt ko at minasahe ito. Bigla itong naudlot ng biglang may tumawag sa kanya. "Bullshit!" mura nya saka kinuha ang iPhone nya sa gilid ng cabinet.

"Why? really? okay, okay. Wait for me." sabi nya saka ibinaba ang tawag. Nagmamadali syang nagbihis. Binuksan nya ang cabinet at kumuha pa ng baril. Natakot ako sa dami ng baril na nakatago sa cabinet.

"S-saan ka pupunta?" tanong ko.

"Dyan lang." maikli nyang sagot. Napaka gandang sagot!

Hinila nya ako palabas ng kwarto. "Ilock mo lahat ng pinto, huwag kang magpapasok ng kung sino. Kumain ka na. Bye." Sabi nya saka ako hinalikan sa noo. Dali dali syang lumabas ng bahay, sumakay sya sa sasakyan. Pinanood ko syang makalayo. Nakakatakot dahil mag-isa nalang ako dito. Sinunod ko ang bilin nya na isara ang mga pinto. Pumunta ako sa kusina. Binuksan ko ang malaking refrigerator, tumambad sa akin ang sandamakmak na pagkain. Kumuha ako ng itlog at hotdog sa ref, ito nalang ang lulutuin ko para mabilis. Nagsaing din ako. Pagkatapos kong kumain ay Kumuha ako ng maiinom sa isa pang refrigerator na puro inumin ang laman, puro beer at wine nga ito, eh. Buti nalang may juice.

Kinuha ko ang cellphone ko saka umupo sa sofa. Binuksan ko ang malaking tv sa sala. Ang daming missed call ni mama sa akin, nag aalala siguro iyon. Pati si Kean at Nicca ay tumawag din.

Hinintay ko na makauwi sya, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan nya. Nakita ko ang puro dugo nyang kamay at damit. Dumiretso sya sa cr, natakot ako sa mga dugo na nakadikit sa kanya. Sinundan ko sya papuntang cr.

"Saan ka pumunta? may pinatay ka na naman?" inis kong tanong sa kanya.

"That's none of you're business!" sagot nya saka naghubad.

"Natatakot ako sayo. Natatakot ako na baka patayin mo rin ako!" sigaw ko.

"Are you crazy? hindi ko gagawin iyon." bulong nya sa tenga ko. Nasa likod ko sya ngayon. Hinarap ko sya.

"You're my wife." dagdag nya.

"what is your name?" tanong ko.

"Czeous." maikli nyang sagot. Tumango lamang ako.

"Kumain ka na?" tanong nya, tumango ulit ako.

"Ikaw ba?" tanong ko naman, baka kasi hindi pa ito kumakain.

"Kakainin nalang kita." sabi ng nakakaakit nyang boses saka ako sinunggaban ng halik.

Nagising akong nakapatong sa kanyang dibdib. Babangon sana ako para maligo pero naalala ko na walang pasok ngayon. Nagising na din sya. Hinila nya ako saka niyakap.

Bumilis ang tibok ng aking puso, ano ba itong nararamdaman ko? Ang bago bango nya.

"Good morning." bati nya saka ako nginitian.

"Good morning din." bati ko pabalik. Umupo sya sa kama saka binuksan ang katabing cabinet nito. Kinuha nya ang maliit na box, kulay pula ito. Lumapit sya ulit sa akin saka sinuot ang singsing na laman nito. "Engagement ring." sabi nya. Tiningnan ko ang kumikinang na bato sa singsing. Napangiti ako.

"Maligo na tayo, ipapakilala pa kita kay mama." sabi ko sa kanya. Gusto ko ay maging legal kami sa magulang namin.

"Really?" naka ngiti nyang tanong.

"Yes." sabi ko. Hinila nya ako papasok sa cr.

"M-mauna ka na." utos ko sa kanya.

"Why? nakita ko na 'yan lahat. Don't be shy." sabi ng nakakaakit nyang boses saka ako hinila papuntang shower.

Natapos kaming maligo, sinuot ko nalang ulit ang uniform ko.

"Tara na?" pag aaya nya, tumango lamang ako. Pinagbuksan na nya ako ng pinto.

Nakarating na kami sa aming maliit na bahay. Pinagtitinginan kami ng mga chismosa naming kapit bahay. Hinawakan nya ang kamay ko papasok sa loob.

"Ma..." tawag ko kay mama na nakatalikod sa amin, nasa kusina sya.

Nagulat sya ng makita ako na may kasamang lalaki. Tiningnan nya ang kamay naming maghawak kaya bumitaw ako sa kamay ni czeous. 

"Jusko! bakit ngayon ka lang umuwi? at sino iyang kasama mo?" nag aalalang tanong ni mama saka pinunas ang basa nyang kamay sa kanyang damit.

"Sorry po. Boyfriend ko po sya." sabi ko saka yumuko. Kahit di ko tignan ang mukha ni mama, alam kong gulat na gulat sya.

"Fiancé." pagcocorrect ni Czeous.

"Sana po matanggap nyo kami." dagdag pa ni Czeous. Pinaupo kami ni mama saka kinausap.

"Sigurado na ba kayo dyan sa desisyon nyo?" tanong ni mama. Tumango lang ako.

"Mahal po namin ang isa't isa." sagot naman ni Czeous.

"Kung iyan ang desisyon nyo. Wala naman akong magagawa. Basta alagaan mo iyang anak ko. " napangiti ako sa sinabi ni mama.

"I will." maikling sinabi ni Czeous.

"Thank you, mama." pagpapasalamat ko saka sya hinalikan sa pisngi.

"Pwede po bang sa bahay ko nalang sya tumira?" dagdag na tanong ni Czeous. Nagulat ako sa tanong nya.

"Pwede naman. Basta dadalaw dalaw pa rin kayo dito." nakangiting sagot ni mama.

"Mama! Sino yan?" biglang sumalubong sa amin ang kapatid kong bunso, si dondon.

"Magiging asawa ng ate mo, anak." sabi naman ni mama.

"Talaga? tara laro tayo kuya!" aya ni dondon kay Czeous. Hinila nya ang kamay ni Czeous.

"Dondon!" sigaw ko sa kanya.

"It's okay." sabi ni Czeous saka ako nginitian. Pumunta sila sa sala.

Umakyat kami ni mama para kunin ang mga damit ko.

"Alagaan mo ang sarili mo, anak." sabi ni mama.

"Syempre naman ma. Maraming salamat, ah?" sabi ko.

Niyakap nya ako, umiiyak na ang mama ko.

Lumabas kami ng kwarto dala dala ang maleta ko. Naabutan naming naghaharutan sina Czeous at dondon.

"Aalis na kami, ma." paalam ko kay mama. Hinalikan ko ulit sya sa pisngi.

"Mag iingat kayo." sabi ni mama.

"Bye, kuya! laro ulit tayo, ah?" pahabol ng kapatid ko.

"Oo naman, una na po kami." sabi nya kay mama. Hinatid kami nila mama sa labas. Naka lingon pa rin ako sa kanila hanggang sa maglaho na sila sa paningin ko. 

Hate the sin, Love the sinner. (Sex with the Mafia Boss) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon