Chapter 13: Wrong move

1.8K 24 0
                                    

Hindi maaari. Bakit sa dinami daming magiging manager, sya pa?

"Parang pamilyar ka sa akin, nagkita na ba tayo?" sarcastic nitong tanong.

Kumalma ka, Naomi. Magpanggap ka na hindi mo sya kilala.

"H-hindi po, ngayon lang po kita nakilala." sagot ko habang tumatango tango pa.

"Really? hindi mo ba ako binunggo sa tapat ng elevator kanina?" mapang asar syang nakatingin sa akin.

Nagsimula kong kagatin ang mga kuko ng daliri ko sa kamay para makaisip ng isasagot sa kanya.

"Nako sir, baka kahawig lang ni Naomi 'yon." sabat naman ni Lea.

"Baka nga." nagkibit balikat sya.

Salamat naman at niligtas ako ni Lea sa lalaki na 'to.

"So kailan natin ise-set ang party para kay Naomi?" sabi ng baklang si Jay.

"Later will do, sagot ko na." sabi ng manager namin, Klev ang pangalan nya.

"YES!" sabay sabay nilang sigaw. Pinanood ko lang si Klev na maupo sa pwesto nya.

Dahil nagplano sila ng party mamaya, kailangan kong magpaalam kay Czeous. Bigla bigla kasi syang nagagalit sa tuwing hindi ako nagpapaalam sa kanya.

Patago kong inilabas ang cellphone ko at nagsimulang magtype.

Habang nagta-type ako, biglang may humablot ng cellphone ko.

"Oras ng trabaho, nagce-cellphone?" sabi ni Klev.

Nilapag nya sa table ko ang isang damukal na papel.

"Makukuha mo lang ang phone mo kapag natapos mo na 'yan lahat." sambit nya saka ako napa irap.

Bumuntong hininga ako. Paano ako makakapagpaalam kay Czeous nito?

Tatapusin ko na lang siguro ng mabilis itong mga pinapagawa nya para makuha ko kaagad ang phone ko.

Hindi ko namalayan na tapos na ang work at nagre-retouch na ang mga kasama ko.

Pinindot ko ang send sa monitor bago nag unat.

Tumayo ako at pinuntahan si Klev para kunin ang phone ko.

"Natapos ko na po ang pinapagawa nyo, pwede ko na po bang makuha yung phone ko?" tanong ko sa kanya habang may inaayos sya sa envelope.

"I'll give it to you later." sagot sya nang hindi man lang tumitingin sa akin.

"P-pero natapos ko na p—"

"Later." pagmamatigas nya.

Nag iinit na naman ang dugo ko sa lalaking ito. Ginawa ko naman yung pinapagawa nya pero ayaw nya pa ring ibalik yung phone ko. Magagalit sa akin si Czeous nito.

Tumayo na sya at lumapit sa mga katrabaho ko.

"Ready na ba kayo?" tanong nya sa kanila.

"Yes naman, Sir!" sagot ni Jay saka sila nagtawanan.

Inabot nya sa akin ang bag nya, "Let's go." sambit nya.

Teka, pinagbibitbit nya ba ako ng gamit nya? hindi naman ako ang secretary nya!

Sinamaan ko sya ng tingin bago sumunod.

Nakarating kami sa parking lot. "Magta-taxi na sila papunta don, sumabay ka na sa akin." sabi nya.

Tumango na lang ako saka sumakay sa loob at nagsuot ng seatbelt

Sumakay na din sya at pinaandar ang sasakyan.

Sobrang tahimik naming dalawa, napaka awkward tuloy.

"Hindi mo ba talaga ako naaalala?" tanong nya habang nagmamaneho.

"S-sorry po kung inaway kita kanina, hindi ko po alam na kayo pala ang manager ko." sabi habang nakatingin lang sa daan.

Tumawa sya bigla, "Hindi 'yon."

"Ang bilis mo naman akong kinalimutan. Parang 10 years lang akong nawala." sabi nya habang tumatawa.

T-teka, kilala ko ba sya?

"Magkakilala ba tayo?" tanong ko sa kanya.

"I'm your first love." sagot nya.

Bigla akong nanigas sa kinauupuan ko.

"Klev? yung kuya ni Kean?!" gulat na gulat kong tanong.

"Exactly!" sagot nya habang tumatawa.

Paano naging si Klev ang manager ko? noong bata kasi ako patay na patay ako kay Klev kaya naman sobrang lungkot ko noong kunin sya ng Daddy nya sa ibang bansa para doon mag aral. Broken family kasi sila kaya si Kean naman ang naiwan dito sa Pilipinas kasama ang Mama nya. Simula noong umalis si Klev nawalan na ako ng balita sa kanya.

"Hindi ka pa rin nagbabago." sambit nya.

"Kailan ka pa nakauwi?" tanong ko. Biglang nawala ang galang ko sa kanya.

"Five months na akong nandito sa Pilipinas. Sa sobrang busy ko hindi na kita nakamusta, mabuti nga't parehas tayo ng kompanya na pinagtatrabahuhan." sagot nya.

Masaya ako para kay Klev. Sobrang laki ng tinangkad at gumwapo pa lalo. Pero mas gwapo pa rin si Czeous ha!

Nakarating kami sa mini bar na pinareserve ni Klev.

Sumunod namang dumating ang mga ka officemate ko.

Pagdating namin sa loob, nangingibabaw ang mga neon lights. May mga beverage din at karaoke kaya party na party talaga ang datingan.

Sobrang saya namin dito habang si Lea ay kumakanta pa kahit wala naman sa tono. Hindi tuloy namin maiwasan na hindi sya pagtawanan.

Inabot sa akin ni Jay ang isang basong beer.

"Hindi ako umiinom." pagtanggi ko.

"Sus, wag ka ngang kj! Para sa iyo ang party na ito kaya hindi pwedeng hindi ka iinom." biro ni Jay.

Kinuha ko kay Jay ang baso, "Wag mong inumin kung hindi mo kaya." sambit ni Klev.

"Kaya ko naman." pumikit ako at tinungga ang beer.

Sobrang pakla ng lasa nito at humahagot sa lalamunan.

Naubos ko ang isang baso at nilapag ito sa table. Muli itong sinalinan ni Jay.

Nakaramdam na ako ng hilo dahil sa dami ng nainom.

"Stop drinking, iuuwi na kita sa inyo." sabi ni Klev sa akin.

"W-wag na, kaya kong umuwi ng isa." sagot ko. Hindi pwedeng pumunta si Klev sa amin, malalaman nyang asawa ko si Czeous.

"No, Naomi. Lasing ka na." sabi nya.

"Isakay mo na lang ako sa taxi, please? I can handle myself..." sabi ko habang pumupungay pa ang mata. Pakiramdam ko sobrang init na ng pisngi ko.

"Bibisitahin ko na din ang mama m—"

"Wala si mama, nasa probinsya. Hindi na ako don nakatira, may asawa na ako." sagot ko saka ipinakita ang wedding ring na suot suot ko.

"O-oh, really?" naaninag ko pa ang pagkadismaya ng mukha nya. Tumango tango ako bago tuluyang makatulog.

Bigla akong nagising nang maramdaman kong may bumubuhat sa akin.

Pagdilat ko ay nakita ko ang galit na awra ni Czeous habang buhat buhat ako palabas ng taxi.

Oh, no.

Hate the sin, Love the sinner. (Sex with the Mafia Boss) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon