Chapter 9: He is Jealous

9.9K 131 16
                                    




"Kuya, laro na tayoooooo!" nagmamaktol si Dondon kay Czeous. Hila hila nito ang manggas ng polo nya.

"Manahimik ka nga, Dondon! May trabaho ang Kuya Czeous mo." suway ko sa kanya saka hinila papalayo kay Czeous.

"Maglalaro tayo pag uwi ko." nakangiting sambit ni Czeous kay Dondon.

"Talaga po? ingat ka po sa pag alis Kuya!" ngiting ngiti tuloy si Dondon habang kumakaway.

"Bumalik ka na sa sala." utos ko, sumunod naman sya. Nang mawala na sa paningin ko si Dondon ay nilingon ko si Czeous.

"Kailan ba ako magtatrabaho sa kompanya mo?" tanong ko.

"Kapag bumalik na siguro si Mama, alagaan mo muna si Dondon habang nandito sya." Tinutukoy nya ang Mama ko.

"Ingat." nakangiti kong sambit. Hinalikan nya ako sa noo at sinabing "I love you." saka lumabas.

Pinanood ko syang sumakay sa sasakyan nya't umalis.

Pagpasok ko sa loob ay abalang abala si Dondon sa panonood ng cartoons. Tinabihan ko sya. Kailangan kong pagsabihan ang batang 'to dahil baka dumating sa point na mainis na si Czeous sa kakulitan nya.

"Dondon." tawag ko.

"Bakit, Ate?" nilingon nya ako.

"Kapag nandito ang Kuya Czeous mo wag kang makulit, okay? madami syang ginagawa at sobrang stressed na sa work." paliwanag ko. Tumango tango lang sya at ipinagpatuloy ang panonood.

Biglang nagring ang cellphone ko, tumatawag si Nicca.

"Uy! free ako today, pwede ba akong pumunta dyan sa inyo?" bungad nya.

"Oo naman, pwedeng pwede." nakangiti kong sagot.

"Text mo na lang yung address, see youuu." hinabaan nya talaga ang salitang 'you'.

"Sige, ingat ka."

Biglaan ang pagpunta ni Nicca, buti na lang at maraming maipapakain sa kanya.

Narinig ko ang sunod sunod na doorbell habang naghahanda ako ng makakain.

"Teka lang, eto na!" Naabutan kong tulog sa sofa si Dondon, kaya naman pala ang tahimik.

Pagbukas ko ng gate ay tumambad sa akin si Nicca at si... Kean.

"Surprise!" natatawang sambit nya.

"Hindi ko sinabing kasama ko si Kean, wag ko daw kasing sabihin sayo para surprise." paliwanag ni Nicca.

"Okay lang, tara pasok kayo." nakangiti kong sambit. Sinundan nila ako papasok.

"Ang laki naman pala talaga ng bahay mo, Ashley!" napanganga sya habang nililibot ang loob nito.

"Hindi naman sa akin 'to, kay Czeous." pagtatama ko.

"Ganon na rin yon, asawa ka kaya." pagpupumilit nya.

"Bakit nandito si Dondon?" tanong ni Kean.

"Ah, umalis kasi si Mama kaya nandito muna sya pansamantala." paliwanag ko.

Bigla syang nagsmirk, "Good." sambit nya.

"Kean, tulungan mo muna akong buhatin si Dondon papunta sa kwarto nya." sambit ko.

"Sure, ako na ang magbubuhat sa kanya. Samahan mo na lang kami." tinanguan ko sya. Binuhat na nya si Dondon, nauna akong pumanik at pumasok sa bakanteng kwarto.

"Dito." binuksan ko ang pintuan at pinauna syang pumasok. Inihiga nya si Dondon sa kama.

Habang binubuksan ang aircon, biglang may yumakap sa likod ko, si Kean.

"Namiss kita, Ashley." sambit ni Kean. Palagi nya akong niyayakap noon at hindi na bago 'yon pero ang awkward kasi ngayon.

Hinarap ko sya, "Mas pumogi ka lalo." biro ko.

Tumawa naman sya, "Ang ganda ganda mo pa rin." sambit naman nya.

Hinawi ko ang buhok ko, "Talaga ba?" natatawa kong tanong.

Tumango sya habang nakangisi.

Nanonood kami ng movie ngayon sa sala. Nakasandal sa magkabilang balikat ko sina Kean at Nicca, talagang ginawa nila akong unan.

Unti unting kinuha ni Kean ang kamay ko at pinaglaruan ito.

"Sa susunod ulit." sabi ni Nicca.

"Punta lang kayo dito anytime." sambit ko. Pinisil pisil ni Kean ang pisngi ko.

"Ano ba Kean! masakit kaya!" sinamaan ko sya ng tingin.

"Baka kainin mo pa ako nyan." pang aasar nya. Si Czeous lang ang kinakain ko no, charot!

Biglang may bumusina sa likod na naka agaw ng atensyon namin. Sasakyan ni Czeous. Ang aga nyang umuwi ngayon dahil pinangakuan nya si Dondon.

"Aalis na kami, nandyan na ata ang asawa mo." ipinagdiinan sya ang salitang 'asawa' sa akin saka pumasok sa loob ng sasakyan nya.

Kumaway muna si Nicca bago paandarin ang sasakyan.

Bumaba si Czeous sa kanyang sasakyan. Seryoso syang nakatingin sa akin habang papalapit.

"Dumalaw dito sina Nicca at K-" hindi ko na naituloy ang sinasabi ko.

"Tsss." tinitigan nya ako ng masama. Idinabog nya ang gate at dire direstong pumasok sa loob.

Galit ba sya?

Sinundan ko sya papasok sa loob.

Naabutan ko sya sa kusina, umiinom sya ng beer na nasa can.

"Czeous, ano bang nangyayari sayo?" tanong ko, inagaw ko sa kanya ang iniinom nya.

"Sino may sabi sayong pwedeng pumasok yong Kean na 'yon dito sa loob ng pamamahay ko?" galit at nag iigting ang pangang tanong.

"S-sorry, hindi ko din alam na dadating sya. Akala ko si Nicca lang-" hindi na nya tinapos ang pagsasalita nya dahil bigla nya akong sinunggaban ng halik.

Nakabaan na ang mga kuko nya sa magkabila kong balikat. Mapupusok ang bawat halik nya sa akin. Kinagat nya ang labi ko kaya napadaing ako sa sakit.

Idinikit pa nya lalo ang sarili nya sa akin.

Bigla syang bumitiw sa paghahalikan namin, "Akin ka lang, Ashley! Bakit mo ba ko pinagseselos?" hingal nyang tanong.

"C-czeous." Hindi ko alam ang sasabihin ko, nagseselos sya?

Bigla nya ulit akong hinalikan, mas malalim. Napapikit ako sa sarap, nalalasahan ko pa ang beer sa bibig nya.

"Ate?" naitulak ko papalayo si Czeous nang marinig ang pamilyar na boses mula sa likod.

Nakatingin sa amin si Dondon habang kinukumyos ang mata.

Hate the sin, Love the sinner. (Sex with the Mafia Boss) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon