Chapter 6: He lied to me

10.6K 123 10
                                    





"Czeous." banggit ko sa pangalan nya. Abala sya na nag aayos ng necktie sa salamin.

"Hmmm?" tanong nya. Bumangon ako sa kama at lumapit sa kanya.

"Aalis nga pala ako mamaya, may in-offer na part time job sa akin si Nicca. Ayok-" pinutol nya ang pagsasalita ko.

"Hindi ka aalis." Madiin nyang sambit saka lumabas sa kwarto.

Napabuntong hininga naman ako at sinundan sya.

"Wala naman akong ginagawa dito saka gusto ko ring magkapera para ako nang magpapa aral sa kapatid ko." paliwanag ko. Huminto sya sa paglakad at nilingon ako.

"Hindi mo kailangang pahirapan ang sarili mo, binigyan kita ng credit card, right? bilhin mo kung anong gusto mong bilhin." nagpatuloy sya sa paglakad.

"Ayokong umasa na lang sayo, Czeous. Gust-" tinitigan nya ako ng masama.

"Stay here." sambit nya saka lumabas sa loob ng bahay.

Haaay, balak nya ba kong ikulong dito? hindi ako papayag, syempre! hindi naman ako nagpakasal sa kanya nang dahil lang sa pera.

Pagkaligo at bihis ko ay nakipagmeet ako kay Nicca.

"Hi, Nicca!" salubong ko sa kanya. Niyakap namin ang isa't isa.

"Omg! ang tagal nating di nagkita." ssambit nya. Kumalakas kami sa yakap ng isa't isa.

"Kamusta ka na?" tanong ko.

"Eto, okay naman. Eh kayo ng asawa mo?" tanong naman nya.

"Ayos naman kami, bisita ka sa bahay namin pag may time." nakangiti kong sagot.

"Sure! tumataba ka na ha. Hindi mo man lang ako inimbita sa kasal mo." pabiro nya kong inirapan.

"Nako, wala namang ganap." nagfake smile ako. Sa papel lang naman kami kasal ni Czeous, wala ata syang balak na magpakasal kami sa loob ng simbahan.

"Asus! nga pala dito ka magtatrabaho." turo nya sa isang restaurant.

Tumango tango ako, "Anong trabaho ko dito?"

"Ah eh, taga bigay ng brochure sa mga dumadaan." napakamot sya sa ulo.

"Kayang kaya yan!" nagthumbs up ako sa kanya. Yun lang pala ang gagawin.

"Sure ka ba dyan? baka naman magalit sakin ang asawa mo?" tanong nya.

Umiling iling ako, "Hindi ah, busy 'yon sa trabaho kaya hindi nya malalaman." kinindatan ko sya.

"Wow, masipag naman pala sya. Tara pasok tayo." pumasok kami sa loob ng restaurant.

"Sir! si Ashley po, sya yung sinasabi ko sa inyo." tawag nya sa lalaki na mukhang may ari ng restaurant.

"Good morning po." bati ko.

"Good morning din, thank you, Nicca." bati din nya sabay lingon naman kay Nicca.

"Mauuna na ako, Ash. Kayo na po ang bahala sa kanya." sambit ni Nicca. Tumango kami at iniwan na kami ni Nicca.

Inabot nya sa akin ng isang mabigat na box.

"Nandyan sa loob ang mga brochure, make sure na maipamigay mo silang lahat. Okay?" tumango tango naman ako.

Binuksan ko ang box at napakarami palang brochure ang laman nito.

Sinimulan ko nang mamigay ng brochure sa mga dumadaan. Hindi pala biro ang ganitong klase ng trabaho.

Wala akong magawa kundi habaan ang pasensya ko dahil hindi tinatanggap ng iba ang brochure na ibinibigay ko, ang iba naman ay tinatapon lang sa kung saan.

Napaka walang puso nila! kung pwede ko lang silang murahin, ginawa ko na.

"Ashley! naubusan ng gulay sa loob. Bumili ka muna ng gulay dyan sa malapit na supermarket." utos ng may ari saka ibinigay sa akin ang napaka habang resibo at pera.

Tiningnan ko syang mabuti, ako talaga ang bibili? hindi ba't ang trabaho ko lamang ay magbigay ng brochure sa mga tao?

"Ano pang tinitingin tingin mo dyan? bilisan mo, tumakbo ka na!!" sigaw nya. Ibinaba ko ang mga brochure na hawak ko at kumaripas ng takbo.

Bakit kailangan ko ba 'tong gawin? hays!

"Ashley!" tawag sa akin habang namimili ako ng gulay. Lumingon ako at nakita ko ang highschool classmate ko na si Cristine. Kinawayan ko sya.

"Ikaw na ba yan? balita ko nakapag asawa ka na, mayaman ba sya?" naka pamewang sya at tiningnan ako simula ulo hanggang paa. Mukha siguro akong gusgusin dahil kanina pa ako haggard.

"Mukhang hindi." umiling iling sya. Natawa ako bigla sa kanya. Hindi pa rin sya nagbabago hanggang ngayon.

"Excuse me, nagmamadali ako." Sinagi ko sya gamit ang push cart na tulak tulak ko.

"Bitch! Hindi ka pa rin umaasenso hanggang ngayon!" sigaw nya mula sa likuran. Hindi ko na lang sya pinansin.

Pagkabalik ko sa restaurant ay ipinagpatuloy ko ang pagpapamigay ng brochure.

5pm

Biglang nagvibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko ito sa aking bulsa.

Nagtext si Czeous sa akin.

"Hindi ako makakauwi ng maagamay appointment pa ako. Wag mo na kong hintayin. Kumain ka na."

"Okay, I love you hehehe. Ingat ka." reply ko. Hinintay ko syang magreply pero wala akong natanggap, busy siguro sya.

Papadilim na, hanggang 7 daw ako ng gabi dito pero 6 pa lamang.

"Brochure po, Ma'am!" inabot ko ang isang brochure sa sosyal na babae. Hindi ko sinasadyang mahawakan ang kamay nya.

"Ano ba! Don't touch me!" sigaw nya saka ako tinulak. Nabitawan ko ang mga brochure na hawak ko kaya yumuko ako para pulutin ito.

"Sorry ma'am, sorry-" pasensya ako ng pasensya.

Biglang may humatak sa wrist ko. Pag tingin ko... Si Czeous! Masama ang tingin nya sa akin.

"Bigla na lang nya akong hinawakan basta basta." sambit nung babae.

"Diba sinabi kong huwag kang aalis sa bahay?!" sigaw nya. Naramdaman ko ang galit sa boses nya. 

Hate the sin, Love the sinner. (Sex with the Mafia Boss) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon