Chapter 5: Party

11.6K 148 2
                                    




As usual, nagising na naman syang wala sa tabi ko. Maaga sya umaalis at minsan naman gabi na kung umuwi. Hindi ko alam kung anong ginagawa nya at saan sya pumupunta dahil medyo awkward 'yon tanungin.

Nagsuot muna ako ng malaking tshirt bago bumaba. Wala namang ibang tao dito sa bahay kaya no need na magpanty at bra.

Naabutan ko sa kusina ang mga nakakakalat na damit. Naalala ko tuloy yung nangyari kagabi, biglang nag init ang pisngi ko.

Nilinis ko ang dining table dahil nadumihan ito.

Nagluto ako ng makakain ko. Naisipan kong tawagan sya.

"Good morning." bati nya sa kabilang linya.

"Good morning! kumain ka na ba?" tanong ko.

"Nope." sagot nya.

"Gusto mo ba dalhan kita?" Baka naman kasi hindi sya kumain.

"No need, may pagkain na dito." sagot nya.

"Ganon ba? hmmm sige." sagot ko pabalik.

"Susunduin ka mamayang 6 pm ng secretary ko, nasa sofa yung susuotin mo." sambit nya. Tumakbo ako papuntang sala para tingnan kung totoo nga ang sinasabi nya. Nakita ko doon ang malaking box.

Binuksan ko ang laman nito. Red off shoulder dress at isang pares ng high heels ang nasa loob.

"Wow, ang ganda naman nito. Czeous! Thank you." nakangiti kong sambit habang hinahawakan ang dress.

"Czeous? 1 month na tayong kasal, czeous pa rin?" may pagkainis ang boses nito.

"ano bang gusto mong itawag ko sayo?" naguguluhan kong tanong. Nakokornihan kasi ako sa mga call sign na 'yan.

"Never mind." wala sa mood nitong sagot saka ako binabaan ng tawag.

Napa buntong hininga ako. "Napaka moody nya talaga kahit kailan." reklamo ko.

Saan naman nya kaya ako dadalhin mamaya? teka, mag iisip muna ko ng endearment namin.

5PM.

Alas singko na ng hapon kaya naman todo ayos na ang lola nyo. Syempre suot suot ko ang binili sa akin na dress ni Czeous, fit na fit ito sa akin. Paano kaya nya nalaman ang size ko?

Naglagay ako ng kolorete sa mukha at kinulot ang dulo ng aking buhok.

Hinihintay ko na lang na dumating ang secretary ni Czeous dahil ready na gumorabels ang lola nyo!

Ilang saglit pa ay narinig ko na ang pag doorbell, kaya agad akong lumabas.

Sumalubong sa akin ng ang secretary nyang lalaki.

"Pinapasundo po kayo sa akin ni Sir. Zachary." sambit nito. Tumango lang ako at sumakay sa loob ng sasakyan nya.

Hindi naman ganon katagal ang naging byahe namin, hinatid nya ako sa loob ng isang event hall. Engrande ito at sosyal din ang suot ng mga bisita.

"Anong meron?" tanong ko dun sa secretary.

"Celebration." maikli nitong sagot saka ako iniwan mag isa. Siraulo ba sya? manghuhula ba ko para hulaan kung anong kaganapan dito sa loob?

Nakita ko ang ilang mga babaeng pinag uusapan ako. Hindi ko na lang sila pinansin.

Biglang may lumapit sa akin na lalaki. "Hi, I'm Mike. And you?" bati nya saka inilahad ang kamay sa akin.

"Ashley." nakipagshake hands ako sa kanya.

"Wow, what a nice name. Wala ka bang kasama?" tanong ni Mike.

"Actually meron, kaso hindi ko alam kung nasaan sya." sagot ko.

"Ganun ba? sumama ka muna sa akin. Nandoon ang mga kagrupo po." sabay turo sa isang grupo ng mga kalalakihan. Tumango ako. Hindi ko na sya natanggihan dahil naiilang na talaga ako sa mga babaeng tumitingin sa akin.

Umupo kami sa tabi ng mga kasama nya. "Guys, si Ashley nga pala." pakilala nya sa akin.

Binati naman nila ako.

Bigla kong naramdaman na napunit ang laylayan ng dress ko, fitted pa naman ito. Kita ang legs ko dahil dito.

Nagbulungan ang mga kasama ni Mike.

"Excuse me, magc-cr lang ako." paalam ko, tumango naman si Mike.

Tinakpan ko ang punit ng dress ko gamit ang aking palad.

Nasaan na ba si Czeous? hindi talaga ako kumportable sa lugar na ito.

Tumingin ako sa harap ng salamin, hindi ko alam kung paano magagawan ng paraan punit sa dress ko.

Sinubukan kong tawagan si Czeous pero hindi nya ito sinasagot.

Biglang pumasok ang isang babaeng naka black dress. Ibinaba nya ang kanyang pouch saka kinapalan ang dark lipstick.

Saglit lang sya dahil lumabas din sya kaagad pagkatapos maglagay ng lipstick sa labi.

Natanaw ko ang baril na nakatago sa legs nya. Bigla akong kinilabutan.

Bakit sya may baril? nasaan ba ako ngayon?

Nakarinig ako ng sunod sunod na pagsabog at putok ng mga baril. Napaupo ako sa sahig dahil sa takot.

Nagpanick na ako at umiyak. Gumagapang ako papasok sa loob ng toilet room. Nilock ko ito ng mabuti.

Nangangatog na ang mga binti ko.

"Czeous, nasaan ka na?" habang umiiyak.

Narinig ako ang ilang yabag ng sapatos.

"Nandito ba sya?" boses ng isang lalaki. Sino ang tinutukoy nya?

"Oo, galing ako dito kanina. Binantayan ko ang labas kaya sigurado akong hindi sya nakalabas dito." boses naman ng babae.

Ako ba ang tinutukoy nya? p-pero bakit? anong atraso ko sa kanila?

Isa isa nilang binuksan ang pinto ng mga toilet.

Dinig ko ang yabag ng high heels na papalapit sa kinaroroonan ko.

Tinulak tulak nya ang pinto pero hindi ito bumukas dahil nilock ko ito kanina.

"Sirain mo na." utos ng babae dun sa lalaki.

Tinakpan ko ang aking bibig upang mapigilan ang pag iyak.

Czeous, tulungan mo ako!

Narinig ko ang pagkalampag ng pinto.

Bago pa naman ito tuluyang bumukas ay nakarinig ako ng sunod sunod na putok ng baril.

"CZEOUS!" sigaw ko habang umiiyak ng malakas, napayuko ako.

"L-love, thanks god!" narinig ko ang boses ni Czeous.

Naaninag ko sya. Unti unti akong tumayo at lumapit sa kanya.

Bigla nya akong niyakap ng mahigpit. Mas lalong bumuhos ang luha ko dahil naramdaman kong safe na ulit ako ngayon.

"Sorry, I'm so sorry." sambit nito. Kumalas sya sa akin at tiningnan mabuti.

"May masakit ba sayo? nasugatan ka ba?" tanong nya.

Umiling ako, "Okay lang ako." sagot ko.

Nakita ko ang duguan nyang damit, pati na rin ang duguang babae at laaki na nakahalundusay sa sahig. Sya yung babaeng pumasok kanina dito sa cr.

Hinila nya ako palabas sa lugar na iyon, nakita ko ang mga walang malay na bisita at naliligo sila sa sarili nilang dugo.

Hate the sin, Love the sinner. (Sex with the Mafia Boss) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon