Chapter 7: Welcome home, Litte brother

10.3K 137 17
                                    




"Diba sinabi kong huwag kang aalis sa bahay?!" sigaw nya. Hinagis ni Czeous ang bitbit kong brochure at hinila ako papalayo.

"Hey! Mr. Zachary!" habol nung babae pero hindi nya ito pinansin.

Nakarating kami sa parking lot pero mahigpit pa rin ang hawak nya sa wrist ko.

"B-bitaw." tukoy ko sa kamay nya. Binitawan nya ito.

"Pasok." Nag iigting ang panga nyang sambit. Nauna akong pumasok sa loob ng sasakyan.

Pagkapasok nya ay pinaharurot nya ito ng mabilis. Nakayuko lang ako at walang masabi.

Naging tahimik ang buong byahe namin hanggang makarating na kami sa bahay.

Nauna syang pumasok sa akin sa loob kaya sinundan ko sya.

"Czeous..." tawag ko sa pangalan nya.

"Nakita mo na? hindi mo kailangang magpulot ng brochure, yumuko't magsorry sa harap ng maraming tao! Ayokong nahihirapan ka! Ayokong nagmumukha kang nakakaawa sa harap ng ibang tao!" sigaw nya sa akin. Biglang tumulo ang mga luha sa aking mata.

"Anong nakakaawa don? wala namang masama sa ginagawa ko as long as wala akong natatapakang ibang tao, nakakaawa? mukha ba akong nakakaawa, Czeous? ganyan ba ang tingin mo sa akin? Ano bang type mo sa babae? yung kasama mo kanina? ganon ba ang gusto mo? sabi mo may appointment ka?" sabi ko habang patuloy na umiiyak.

"Hindi ganon ang ibig kong sabihin, Ashley! Hindi ba pwedeng makinig ka na lang sa sinasabi ko? ginagawa ko 'to para sayo. Ano ba yang pinag-iisip mo? sa restaurant na 'yon dapat kamo magmi-meeting dahil may iba pa syang appointment at malayo ang opisina ko sa kanya. " depensa nya.

Inirapan ko sya, alam ko naman kung anong gusto nyang ipahiwatig. "Para sa akin? o para sayo? Kaya ba hindi mo ako ma-date sa labas? nahihiya ka dahil ganito lang ako?" Nasampal ko sya sa pisngi dahil sa pagka offend.

Bigla nya akong niyakap ng mahigpit. Humahagulgol ako sa pag iyak habang tinutulak sya papalayo sa akin, pero masyado syang malakas.

"Shhh, stop crying. I'm so sorry, ako ang may mali. Sorry, Love. Wag mong bigyan ng ibang meaning yung sinasabi ko sayo." sambit nya saka tinapik tapik ang likuran ko.

"Bibigyan kita ng posisyon sa kompanya, basta sa akin ka lang magtatrabaho. Ayokong nahihirapan ka." sabi pa nya.

Kumalas ako sa kanya dahil sa narinig ko, "Talaga?" di ko makapaniwalang tanong.

Tumango sya, "Magde-date din tayo sa labas kung gusto mo." pinunasan nya ang mga luha ko gamit ang kanyang daliri.

Bigla akong napangiti, magde-date na rin kami sa labas. wieee!

"Thank you, thank you, thank youuuu." paulit ulit kong sambit.

Ngumiti sya saka ako sinunggaban ng halik. Ipinulupot ko ang aking magkabilang braso sa balikat sya saka sumabay sa nakakalasing na halik.

Naramdaman kong nakahiga na ako sa sofa at nakapatong sya sa akin. Ipinulupot ko naman ang aking magkabilang binti sa kanyang bewang.

Tumayo sya at nanatili akong nakakakapit sa leeg at bewang nya. Itinigil ko ang aming paghahalikan dahil hingal na hingal kami parehas. Umakyat kami sa taas para ipagpatuloy ang ginagawa.

Nagising ako dahil sa sunod sunod na doorbell.

"Hmmm." nakadagan sa akin si Czeous kaya tinulak ko sya para maka bangon ako.

Alas singko pa lang ng madaling araw, sino ba 'tong nagdo-doorbell? baka naman si Tristan lang!

Nagmadali akong magbihis.

"Sandali!" sambit ko. Pagkalabas na pagkalabas ko ay nakita ko si Dondon.

"Hi Ate!" bungad nya saka kumaway kaway.

"Dondon? anong ginagawa mo dito? nasaan si mama?" sunod sunod kong tanong. Sumilip pa ako sa kung saan pero si Dondon lang ang narito.

"Pumuntang probinsya ni mama, may aasikasuhin daw sya kaya hinatid nya ko dito. Nagmamadali sya kaya umalis din sya kaagad." paliwanag nya.

Ano naman kayang aasikasuhin ni Mama doon?

"Akin na 'yang bag mo." sambit ko saka kinuha ang bag nya sa kanya. Pumasok kami sa loob ng bahay.

"Wow, ang ganda naman ng bahay mo Ate!" napanganga sya sa laki ng bahay. Wala pa sa kalahati ng bahay namin ang laki nito.

"Dito ka lang, tatawagin ko muna si Kuya Czeous mo." paalam ko saglit.

"Gusto kong sumama, Ate! ako na ang gigising kay Kuya." nakangiti nyang sambit.

"Hindi pwede, dito ka lang." Sabi ko saka iniwan sa baba. Mahimbing pang natutulog si Czeous at wala pa syang saplot no!

"Czeous, gising na." tinapik tapik ko ang pisngi nya. Nagising naman sya agad.

"Good morning." bati ko.

"Good morning din." bati nya pabalik saka ako hinalikan ng tuloy tuloy. Tinulak ko sya papalayo.

"Nandito si Dondon." sambit ko.

Nanlaki ang mga mata nya, "What?" di makapaniwalang tanong.

"Kaya bumaba ka na, gusto ka nyang makita." Hinila ko ang braso nya.

"Kasama nya si Mama?" tinutukoy nya ang Mama ko.

Umiling ako, "Sya lang mag-isa. Nga pala, baka tumagal ang pagtira ni Dondon dito, pumunta kasing probinsya si Mama. Wala namang ibang mapapag iwanan kay Dondon kundi ako lang. Alam mo namang may ibang pamilya si Papa, pasensya ka na." paumanhin ko saka yumuko.

"It's okay." Hinalikan nya ang noo ko saka nagbihis.

Hinintay ko syang magbihis pero nauna syang lumabas sa kwarto.

Bago 'yon ay may binulong sya sa tenga ko.

"I had wet dreams, baby." tumayo ang mga balahibo ko.

Hate the sin, Love the sinner. (Sex with the Mafia Boss) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon