Chapter Two

9 1 0
                                    


Shane's P. O. V

'KRIINGGGGGGG!!!!
'KRIIINGGGGGGG!!!

(H'wag kayong Nega tunog yan ng alarm clock ko.)

Nagising ako sa pagkalakas lakas ng tunog nung alarm clock ko. 5am pa lang at kailangan ko ng bumangon dahil unang araw ngayon ng pagpasok ko sa aking bagong paaralan. Sa San Agustin University oh di ba sosyal ng school ko 😁.

Agad na akong nag tungo sa cr namin sa ibaba. Naabutan ko si mama na nagluluto ng sinangag na kanin. Madadaanan mo pa kasi muna ang kusina bago yung cr.

' morning ma' bati ko kay mama bago ako pumasok ng cr.

'handa na ba mga gamit mo sa skwela shane? ' tanong ni mama

'opo.' sagot ko.

Pagkatapos kong maligo at magbihis agad akong bumaba at kumain ng almusal medyo maaga pa naman e tsaka malapit rin nman yung skwelahan namin dito.

'shane, huwag ka ng maglalakwatsa pa at umuwi ka deritso dito sa bahay at baka kung kaninong bahay ka uuwi ha! ' sabi ni mama sabay higop sa tasa ng kapeng hawak nya.

'bluuppp,' nasamid ako sa pagkain kinakain ko ng sabihin yun ni mama.

'hindi nga ho ako nag gagala sa davao e, dito pa kaya??! At tsaka wala akong kaibigan dito.' sabi ko habang paubo ubo pa.

'malay ko.' sabi ni mama

Hindi ko na lng inintindi ang sinabi ni mama. Kumain na lng ako at ininum yung gatas ko (hindi kasi ako mahilig sa kape) .

' ahm, si papa po??' tanong ko kay mama.

'mamaya pa ng tanghali uuwi si papa mo kasi may tinatapos silang project ng mga katrabaho nya. ' sabi ni mama.

Sanay na kami ni mama na di masyado kasama si papa sa bahay. Masyadong busy kasi sya sa trabaho kaya iniintindi na lng namin sya.

'alis na po ako ma,' sabi ko sabay halik kay mama sa pisngi.

'sige mag ingat ka. ' sabi ni mama.

At patakbo akong lumabas ng gate namin at isinara yun. Maglalakad lng ako papuntang school dahil maaga pa naman at para makapag exercise din ng konti (hahaha) . Medyu chubby na din kasi ako e. Medyo lng ha. Habang naglalakad ako sa gilid ng kalsada at patingin-tingin sa mga puno nang biglang..

broooommm....!!!!

Isang sasakyang kulay pula ang mabilis na dumaan. Buti na lng at iniwan ko ang katangahan ko sa bahay at di ako nasagasaan.

' loko yun ah!.. Teka?' Parang yun din yung kahapon na muntik na din akong mabangga. 'Grabe! Hoy! Maabutan lng kita, lagot ka sa akin!! ' sigaw ko dun sa malayong sasakyan.

Sana naman hindi ito senyales na magiging miserable ang buhay ko sa bago kong skwelahan. Nag cross finger ako para alis malas.

Nandito na ako ngayon sa harap ng gate ng SAN AGUSTIN UNIVERSITY dito magkahalo ang high school at college. Pero mag kaiba ng building ha. Sa highschool ay green yung kulay ng building at sa college naman ay blue. Kadalasan sa mga nag aaral dito ay ang mga anak ng kilalang tao dito sa san agustin. Gaya ng gobernador, congressman at mga mayayamang businessman. Nagtataka siguro kayo bakit ako nakapag enroll dito no?? Kasama kasi sa promotion ni papa ang scholarship ko. At kung bakit dito? Kasi naman ang may-ari ng kompanya ni papa ay ang may-ari rin ng skwelahang ito. Kaya magiging chosy pa ba ako??!! At till college na din yung scholarship ko o san pa ako nyan? Hahaha swerte ni papa ko no?

Ngayon papasok na ako sa University at grabeh! Ang lawak naman nang field nila sa kaliwa, sa kanan nman may bench, may mesang bato at upuang bato din.. May mga puno rin na pwede mong silongan. Parang ang sarap mg picnic sa lugar nato.

Bago pa ako masobrahan sa pgka amaze dito kailangan ko pang hanapin yung room ko noh! At baka sa unang klase e mabigyan na ako nang award.

Hinahanap ko yung papel kung saan nakasulat yung room number ko habang nag lalakad ng biglang...

'agay!!' (ouch) sigaw ko. Nang may bumangga saken at napaupo ako sa semento. As en sobrang sakit ng pwet ko.

'grabe pud uy! (grabe naman!) bulalas ko habang nakaupo pa ako sa semento 'bulag ka ba??! Di mo ba..... ' di ko na natapos ang sasabihin ko nang makita ko ang isang napaka gwapong nilalang sa harapan ko.

******

A/N

Hello po. Baka maging slow update ako this week kasi busy masyado ako sa office 😭😭. Thank you po sa support nyo.

'I Love You' sa TagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon