CHAPTER 28

1K 32 9
                                    

[Jerish POV]

Tumigil na ako kakaiyak pero mugtong mugto naman ang mga mata ko.Kanina pa ako tinatawag nila para kumain na pero di ako lumalabas.Ayokong makita nila na umiiyak na naman ako.Mas maayos na makita nila akong matapang.

Narinig ko na may kumatok kaya nagpahid ulit ako ng luha kasi may kahit papaano ay may lumulusot na luha pa rin.

"Sino yan?"pinilit kong itanong iyon kahit na nahihirapan akong magsalita dahil sa pag-iyak ko.

"Si Storm ito.Gusto kitang makausap."

Tatanggi na sana ako ng bigla siyang pumasok.Nakalimutan kong ilock ang pintuan at ngayon ay nakapasok na siya.

"Pret–Bakit umiiyak ka?"lumapit siya sakin at agad akong niyakap.Agad akong yumakap pabalik sa kaniya.

Ayan na naman ang luha ko!Di ko mapigilan!!!

"S-storm.Hirap na hirap na ako."

"Si Zero pa rin ba ang dahilan?!Siya ba ang nagpaiyak sayo?"lumayo ako sa kanya at pinunasan ang luha ko.Ayokong mag-away ulit sila ng dahil sakin.Hindi ko kakayaning mag-away sila at masira ulit ang relasyon nila.

"Hindi.Hindi siya ang dahilan.Naiyak lang ako dahil sa pinapanood ko kanina."pinupunasan niya ang luha ko nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Zero na madilim ang awra niya.

"Bakit ka nandito?!"pasigaw na tanong ni Zero kay Storm.Alam kong nagagalit siya na nandito sa kwarto ko si Storm.Kailan ba hindi nagalit si Zero kay Storm kapag magkasama kami?

"Please,lumabas ka muna Storm.Ayoko ng gulo."tumango na lang si Storm at lumabas rin agad.Ayokong mag-away na naman sila.

"Bakit siya nandito sa kwarto m–"hindi ko na siya pinatapos,nilapitan ko na siya at mahigpit kong niyakap.Yakap na ayaw kong pakawalan.

Gusto kong maalala ko ang mga higpit ng yakap niya.Yung mga init ng yakap niya.Yung mga ngiti niya.

Oo,pumapayag na ako sa gusto ni Hazel.Hindi dahil may masasaktan pero dahil alam kong mas sasaya siya sa iba.Masasaktan siya ngayon pero alam kong balang-araw,pag nakalimutan na niya ako,sasaya na siya kahit hindi sa piling ko.

Si Hazel rin.Ayokong kawawain siya dahil lang sa pera.Hindi kakayanin ng konsensiya ko na mangyari iyon.

Tatanggapin ko ang sakit para lang sa kaligayahan niya.Kahit na parang pinipiraso ang puso ko sa sakit.

"Are you okay?"

Pinipigilan kong umiyak ulit at baka magtaka na siya sakin.Syempre hindi normal sa isang Jerish Feia Lopez na umiyak dahil matapang at palaban ako.Pero sa oras na ito,weak na weak ako.

"Okay lang ako."ngumiti ako sa kanya pero alam kong makikita sa mata ko ang lungkot.

"Bakit ka umiiyak?Sino nagpaiyak sayo?Si Storm ba?"sinapo niya ang mukha ko at pilit niyang pinagsasalubong ang mga mata namin.

"Ano ka ba?Naiyak lang ako dahil sa pinapanood ko.Ang OA mo naman!"hinampas ko siya sa braso at tumawa.Nagamit ko pang rason ang mga pinapanood ko.

Ano kayang gagawin niya kapag nalaman niyang siya ang dahilan ng mga luha ko?

"Natutulala ka na naman."napatingin ako sa kanya ng marinig ko ang boses niya.

"Ah wala yun."

"May sasabihin sana ako sayo."

"Ano yun?"umupo kami sa may kama ko.Yumakap ako sa bewang niya at nakinig na lang sa kanoya.

“May problema sa kumpanya ko.Ayokong humingi ng tulong kanila G.Pops o kaya sa mga pinsan ko dahil gulo ko ito.Hindi ko alam kung sino ang sumusulot ng mga investors at stockholder ng kompanya ko.Ilang linggo lang akong nawala,may sumusulot na ng mga investors."

Tama nga si Hazel.May problema ang company ni Zero.

"At ang pamilya lang ni Hazel ang makakatulong sakin.Malaking halaga ang utang ng kompanya ko at handang magbigay ng pera ang pamilya nya.Pero kailangan kong gawin ang isang bagay para sa kanila."tumingin siya sakin at tinitignan ang magiging reaksyon.Kalmado na ako ngayon dahil alam ko na ang sasabihin niya.

Parang ako ang pinapapili nya.Kung ako o si Hazel ang dapat niyang piliin.Kung ako ang pipili,sana ako ang piliin nya.Pero si Hazel ang kailangan niya.

"Si Hazel ang piliin mo.Mas matutulungan ka niya.Okay lang sakin.Okay lang."pinipigilan kong bawiin ang mga sinabi ko.Desisyon ko na ito.Sigurado na ako sa desisyon na ito.Hindi na magbabago.

"Pero ikaw ang mahal ko."

Pumikit ako para pigilan ang luha ko.

"Okay lang sakin.Mas kailangan mo siya.Matutulungan ka niya.Mahalaga sayo ang kompanya mo at siya ang makakatulong sayo."

"Hindi ako papayag.Sinabi ko lang iyon sayo para alam mo.Ayokong nagsisikreto sayo.Ayokong mangyari ulit ang nakaraan.Desidido na ako sa desisyon ko.Hihingi na ako ng tulong kanila Rex at ibababa ang pride ko.Ikaw ang pipiliin ko.Wala ng iba.Mahal kita,Jerish."

Mahal rin kita,Zero pero kailangan ko itong gawin..

"Choose her.For me and for you.Piliin mo siya."

"Mahal nga kita,Jerish!Ikaw ang gusto kong pakasalan."tinitigan niya ako sa mata ko kahit na pilit kong iniiwas ang mata ko.Nakikita kong naiinis na siya sakin dahil sa pag-igting ng panga niya.

"Pero mas kailangan mo siya.Layuan mo na lang ako,Zero.Ayokong ibaba mo ang sarili mo para humingi ng tulong sa iba."niyuko ko ang ulo ko para di niya makita ang mga luha ko.

"Ginagawa mo akong laruan at pinamimigay mo lang ng ganyan?!Di mo na ba ako mahal?!Nakakapagod na,Jerish.Pwede namang magtulungan tayo para humanap ng paraan pero anong ginagawa mo?!Pinagtutulakan mo ako sa iba?!"

"Please,Zero.Understand me this time."

"How can I fvcking understand you kung hindi ko naman alam kung bakit napakadali sayong ipamigay ako?!"

He's crying right now.I don't want to see him being like this kasi nasasaktan din ako.It's not the first time to see him crying but it always break my heart to see him like this.

"Ayokong lumubog ka dahil sakin.Sumama ka na lang kay Hazel,Zero.Dahil kailangan mo siya.Ano bang mapapala mo sakin?Wala naman.Maisasalba mo ba ang kompanya mo ng pagmamahal mo sakin?"

"I need you,Jerish.I don't care kung lumubog man ako.Maghirap man ako.Dahil nasa tabi kita."

"Ayoko na....Tama na."

"Please,Jerish.Pag-isipan mo muna.I can sacrifice everything just for you.Ganyan kita kamahal.Ikaw lang ang buhay ko.Hindi man ako ganun ka-cheesy or sweet pero mahal na mahal kita."

"Stop!"sigaw ko sa kaniya.Sa mga bagay na naririnig ko sa kaniya ay pilit na lumalambot ang puso ko.

"Dahil ba palubog na ang kompanya ko,kaya mo ako iiwan?Pera ko lang ba ang mahalaga sayo?"sinampal ko siya ng pagka-lakas lakas.

"Mukha bang pera lang ang habol ko sayo?Hindi pera mo ang kailangan ko!"asik ko sa kaniya.Ganun ba talaga ang iniisip niya sa akin?Na ganun akong babae?!Wala akong pakialam sa pera niya!Siya ang iniisip ko!

"Then what?Bakit mo ako pinamimigay na parang laruan lang?"

"Dahil pagod na ako.So stop."napilitan kong sabihin yan para tigilan na nya ako.Hindi totoong pagod na ako.Hindi ako napagod mahalin siya.

"Fine.I'll stop.Susundin kita dahil mahal kita.Maybe I can make you happy kung titigilan kita.Napapagod ka nang mahalin ako.So,I'm letting you go.Wag kang mag-alala.Pagod na rin ako.Wala nang mangungulit sayo."lumabas na siya kaya humagulgol na ako.

Alam kong masakit para sa kanya na pakawalan ako pero bakit parang mas doble ang sakit para sakin?

Napaiyak na lang ako.Wala namang akong magagawa kundi umiyak lang.Iiyak ko na lang lahat.Baka mabawasan yung sakit.Kahit man lang sa ganitong paraan.

Kapag masaya na kami,agad dumadating ang problema....

Wala na ba talaga kaming happy ending?Hanggang dito na lang ba talaga?

Living with this Hot but Annoying Jerk [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon