CHAPTER 48

746 21 4
                                    

[Jerish POV]

AFTER that,I felt that Zero changed.Masyado na siyang sweet sakin,masyado na rin siyang possessive lalo na pag may lumalapit na lalaki sakin o di kaya may nilalapitan akong lalaki.Ang mga bagay na iyan ay ayaw kong ginagawa sakin pero ngayon ay okay lang iyon sakin.Parang normal na sa akin ang mga bagay na iyon.

Maraming alaala na ang naalala ko.Ang pagpunta namin ng Santa Barbara ng magpipinsan,ang pagtakbo namin ni Zero sa mall dahil hinahabol kami ng tao.Mga ganung bagay at alam kong malapit na.

May part pa nga sa panaginip ko na may term na nakakatawa.Niaaway yun.Di ko alam kung part yun ng memory ko pero natatawa talaga ako.Parang bulol na hindi ko malaman.

Mataas na ang sikat ng araw ng bumangon ako.Pagod na pagod ang katawan ko kasi kung saan saan kami nagpunta ni Zero kahapon.We spent the whole day in the mall.I didn't expect na sasamahan talaga niya ako sa buong pagsho-shopping ko.Men hates shopping kaya nagulat ako sa pagsama niya.

Lumabas na ako ng kwarto at nagpunta sa kusina.Magluluto ako ng agahan ko.Napansin kong tahimik ang buong bahay.Nasa trabaho na yata siya.Lagi naman siyang nasa trabaho,hindi lang siya pumasok para samahan ako.

Tumunog ang phone kaya sinagot ko agad yun.

"Hello?"

[Kumain ka na?]

Nung marinig ko ang boses ni Zero ay napangiti ako.Ang ganda naman ng pang-bungad sa araw ko.

"Magluluto pa lang."

[May niluto na ako.Nasa mesa.]

"Wait.Let me check."

Hindi ko pinatay ang tawag at dumeretso na ako sa kusina.Lalong lumaki ang ngiti ko nang makita ko iyong almusal na niluto niya.

"Thank you,Niaaway!"

[...]

I checked kung napatay ba niya yung tawag but no.Hindi naman niya napatay.

"Zero?"

[You called me Niaaway.]

"What's wrong with that–Don't tell me,it's part of my memories with you?"nagulat ako nang marealize ko ang bagay na iyon.

[Yeah.]

"Wow!Nagsisimula ko nang maalala ang mga bagay na katulad nun!"

[It's nice.Don't force yourself.Now,eat.]

"Okay!"binaba na niya ang tawag.

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti kasi malapit na.Unti-unti na bumabalik na ang mga alaala ko.Malapit na.

PINUNTAHAN ko si Elrah sa bahay ng magulang ni Zero.Buti hindi ko naabutan ang magulang ni Zero.

Yung yaya niya ang naabutan ko sa bahay nila.Buti kilala na niya ako kaya hinayaan niya akong hiramin si Elrah.

"Doctor Jerish,ice cream po tayo?"

Napangiti ako sa batang ito.Napakasarap pisilin ng mukha niya.Nanggigil ako sa mataba niyang pisngi!

"Let's go baby."hinawakan ko ang kamay niya at nagpunta kami sa malapit na ice cream parlor.

Chocolate ice cream lang ang order niya.Ako naman ay inorder ko ay Cookies and Cream.

Dumating naman agad ang order namin at agad namin kinain iyon.

"Baby,picture tayo?"

Tumango naman siya kahit hindi niya napapansin ang kumalat na ice cream sa gilid ng labi niya.

Nilabas ko ang phone ko at nag-picture na kami.Habang tinitignan ko yung mga pictures namin,naalala ko si Riku.

Kamusta na kaya yung anak ko?Inaalagaan naman siguro siya ni Storm.Hindi siya papabayaan ni Storm.Kilala ko si Storm.Hindi niya hahayaang mapahamak si Riku.

Kamusta na kaya sila Lola?Sabi ko ay tatawagan ko sila,pero hindi ko na iyon nagawa dahil nawala sa isipan ko.Nagbago na rin kasi ako ng number para hindi ako kulitin nung ibang pinsan ni Storm.

"Doc Jerish,I'm going to the cr lang po."

"Tara.CR ka na."tumayo na ako para samahan siya pero pinigilan niya ako.

"Big girl na po ako."sabi niya sabay takbo papunta sa cr.Lagi kaming nandito kaya alam na niya ang pasikot-sikot rito.

Hahanapin ko sana ang sim card ko dati sa bag ko nang may umupo sa harapan ko.

“Tapos ka na agad–"

"Tapos na ang hide and seek na laro mo."nag-angat ako ng tingin at nagulat ako nang makita ko si Kaizer.Seryoso ang mukha nito at isang emosyon lang ang nakikita ko,galit.Emosyong hindi ko kailanman nakita sa mga mata ni Kaizer.

"Kaizer..."

Umupo siya sa harap ko at sumandal sa upuan niya.Mariin siyang nakatingin kaya hindi ko maangat ang tingin ko.Hindi ko kayang salubungin ang mga tingin niya.Natatakot ako sa tingin niya.

"Alam mo ba ang nangyari sa mga iniwan mo?"

"What happened?"hindi ko alam pero kinabahan ako sa sasabihin niya.Natatakot ako sa kaniya at sa sasabihin niya.

"Si Lola Mercedes,inatake sa puso at nasa hospital. Si Riku,na-drop out at ngayon puro barkada,hindi na namin mapigilan.Si Storm,nagpapakalasing at nakakulong ngayon dahil nambugbog sa bar.Ano bang gusto mong mangyari sa kanila?Mamatay ng dahil sayo?Magdusa ng dahil sayo?"agad akong nanlumo sa narinig ko.

Kasalanan ko ba lahat iyon?

"B-bakit.....Paano..."

"Paano?Hindi ba dahil sayo?"natawa pa ito. “Nagkakaganyan ang mga tao ng dahil sayo!Gumagawa ka ng desisyon at hindi mo iniisip ang mga taong nasa paligid mo kung nasasaktan na ba sila.Iniisip mo kasi ang sarili mo!Napakamakasarili mo!Iniisip mo lagi kung paano ka makaalala.Pero sila,ang iniisip nila ay kung paano ka maibabalik.Paano naman yung mga taong gusto ka rin naman tulungan pero pilit mong sinasaktan."

"Hindi ko naman alam na mangyayari yun..."

"Hindi mo alam na mangyayari yun?"mapakla siyang tumawa."Sa tingin mo ba,hindi namin alam na mangyayari yun?Alam na alam namin na mangyayari yun at pinaalalahanan na namin si Storm pero hindi.Hindi siya nakinig!Minahal ka pa rin niya kahit na alam niyang masasaktan lang siya.Pero ikaw yung manhid.Hindi mo nakikita ang mga ginagawa ni Storm para sayo dahil nakapokus ka dyan sa mga alaala mo.Matatandaan mo naman yan sa tamang panahon pero yung sakit na pinadanas mo sa pinsan ko,hindi agad agad malilimot."

Natahimik ako sa mga sinabi ni Kaizer at tahimik na umiyak.Hindi ko siya matignan dahil nagui-guilty ako.

Hindi ko naman alam na mangyayari yun!Hindi ko naman sinasadya!Gusto kong bumalik sa Santa Barbara pero malapit ko na maalala ang lahat.Hindi ko pwedeng pakawalan ang pagkakataon.Malapit na akong makaalala.

"I can't..."

"Desisyon mo na yan kung babalikan mo sila.Pero tandaan mo,hindi lahat ng iniiwan,gustong balikan."

Living with this Hot but Annoying Jerk [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon