CHAPTER 46

820 23 2
                                    

[Jerish POV]

"Okay ka lang ba talaga?"

"Okay na nga ako!!Ang kulit!!"

Ilang beses na niya akong natanong niyan ngayong araw.

Kahapon pa ako nakauwi pero itong lalaking ito,akala mo galing ako sa isang malaking operasyon at kailangang magpagaling ng ilang buwan.Aba!Nahimatay lang ako!Hindi ako baldado at hindi lalong mamatay.

"Zero,nahimatay lang ako,hindi ako may sakit.Okay?"

Tumango lang siya bilang sagot.

Nandito kami sa sala ng bahay nila.Nanonood ng TV.Wala kaming magawa kaya dito muna kami tumambay.Dito ang tambayan namin pag walang magawa kesa magkulong kami sa mga kwarto namin at makipag-usap sa pader.

"Wala ka bang trabaho?"tanong ko sabay subo ng chips na kinakain ko.

"Meron."

"Parang wala naman eh."

"Bakit ka pa nagtanong kung ayaw mo rin namang maniwala?"

"Masamang magtanong?"tinignan ko siya ng masama.

Mabait na nga pakikitungo niya sakin kahapon.Babalik na naman siya sa sama ng ugali niya.Sapukin ko siya dyan eh!

"Hindi."

"Hindi naman pala eh."nginitian ko siya ulit.Di rin naman siya makapalag eh.

"May trabaho naman ako.Yung kapatid ko ang nagma-manage ng kumpanya ko."

"Kumpanya?"tanong ko sa kanya.

"Oo."

"Anong kumpanya?"

"Malls,Hotels,Restaurants,and etc.Why?"

"Ang galing naman!!"napamangha ako sa sobrang yaman nitong si Zero.Di ko akalain na sobrang yaman niya.

Tumango lang siya bilang sagot.Lagi na lang siyang ganyan.Tatango lang bilang sagot.Nagtitipid ba siya ng laway kaya ayaw niyang magsalita?

Hayst!Hindi ko dapat pinoproblema kung bakit niya ayaw magsalita.Ang pinoproblema ko dapat kung paano makakahanap ng trabaho rito.Kailangan ko rin namang tumulong,hindi yung nakatunganga lang ako rito at walang gawin.Nakakahiya na ngang nagpasama ako sa kanya at nakitira pa ako sa bahay niya.

"Ano iniisip mo at natahimik ka?"

"Ha?"napatingin ako sa kanya nang magtanong siya sakin.

"Sabi ko bakit ka natahimik?"sumandal siya sa sofa at pinatong niya ang braso niya sa may likod ko.Parang nakaakbay na tuloy siya sakin.

"Ah...nag-iisip lang ako kung saan ako pwedeng mag-apply ng trabaho."

"I have a friend who owns a hospital-"

"Kailangan kong maghanap ng sarili kong trabaho ng walang hinihinging tulong.I trust my skills and I know that I can handle myself without your help."nginitian ko siya para siguraduhin na tama ang desisyon na pinili ko.

"Okay.Kung iyan ang gusto mo."

"Bukas,magsisimula na akong mag-apply ng trabaho.Akyat muna ako para ayusin yung mga papeles na gagamitin ko."tumayo na ako.

Naglakad na ako paakyat ng hagdan.Naka-apak na ako sa unang baitang nang mapahinto ako dahil naramdaman kong may nakayakap sakin.Niyayakap ako nito mula sa likod.

Haharapin ko sana siya pero lalong hinigpitan niya ang pagkapulupot ng mga braso niya sa bewang ko.

"Zero....."

Living with this Hot but Annoying Jerk [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon