CHAPTER 58

595 17 2
                                    

NANDITO kami ni Zero ngayon sa isang fast food chain sa mall at hinihintay namin ngayon ang pagdating ni Raziel at Elrah na magkasama ngayon.

Napatingin ako sa paligid na nakatingin samin ni Zero.May mga nagbubulungan na hindi ko naman iniintindi.

Humarap ako kay Zero na nasa harap ko at nakatingin lang siya sakin habang naka-cross arms at nakasandal sa upuan.Tinaasan ko lang siya ng kilay ng inirapan.Binaling ko naman sa phone ko yung atensyon ko dahil lalo lang ako naiinis kapag nakikita ko itong si Zero at mga babaeng mga haliparot na parang mga bulate binuhusan ng asin.

Inis na inis talaga ako kay Zero dahil sa ginawa niya.Ang sarap niyang sabunutan sa inis ko sa kaniya.Bakit ako naiinis kay Zero?Nitong nakaraang araw lang ay nakausap ko si Lexi dahil nangangamusta siya ngayong okay na ang lahat samin.Dahil doon nagkwento ako at nasabi ko ang tungkol sa mag-ama.Nag-expect rin naman akong nasabi na sa kaniya ni Rex iyon pero mukhang ako pala yung walang alam sa lahat ng nangyari.Alam ko lang na nagkahiwalay sila at ngayon bumabalik si Raziel.Ang hindi ko alam ay itong si Zero pala ang ayaw ipakita si Elrah sa ama niya.

Si Zero Smith!Iyon rin pala ang isa sa mga naging dahilan ni Zero kung bakit bumalik siya sa Santa Barbara.Dahil probinsya iyon,hindi agad agad makikita ni Raziel ang bata.He's been looking for Elrah for about 2 years after he found out that they have a child.2 years,people!Pero itong lalaki na ito ay pilit tinatago si Elrah at buti na lang nung bumalik kami ay aksidenteng nagkita sila.

May kasalanan siya doon sa tao pero hindi man lamang siya mag-sorry o di kaya umamin sa kasalanan niya.Umaakto pa rin siya ngayon na wala siyang kasalanan.

“Wag ka ngang tumingin sakin!"binato ko siya nang nadampot kong tissue.

“Still mad?"

Katulad pa rin siya ng dati na sobrang tipid ng salita.Parang mamamatay siya pag lumagpas ng sentence ang sinabi niya.

“Sa tingin mo?Hindi ka man lang magsorry kay Raziel."tinaasan ko siya ng kilay.

“No."

“Kasalanan mo yun na hindi sila nagkasama ng ilang taon."

“Now.Together."

“Tigilan mo ako Zero Smith sa pagtitipid ng salita kung ayaw kong putulin ko yang dila mo nang hindi ka na lalo magsalita."

Tumango na lang siya kaya lalo akong nainis.Akala ko nagbago na siya kasi nitong nakaraang buwan ay nagsasalita siya kahit papaano.Pero ngayon?One or two words lang ang sinasagot niya!

“Wag mo akong papansinin kahit kailan Zero!Bahala ka sa buhay mo!"inis na sabi ko pero syempre di naman magtatagal yang sinasabi ko.Mahal ko yan eh.

Nagkibit balikat lang siya at uminom ng coke na binili namin kanina.

Nagtaas kami ng tingin ng makita kong may dalawang babaeng naghahagikgikan sa harap namin.Yung isa ay may hawak na phone at naghahatakan pa sila

“Kuya,pwede pa-picture po?Ang gwapo niyo po kasi!"

Napatingin naman sakin si Zero dahil syempre ako ang girlfriend niya.Kung possessive siya sakin ay possessive rin ako sa kaniya.Ayokong may lumalapit na babae sa kaniya at makikipaglandian lang.Kailangang umiwas ni Zero sa mga ganun kung gusto niyang maputulan ng kaligayahan.

“Uhm,tita pwede po bang makipag-picture kami?"

Lahat ng dugo sa katawan ko ay biglang nag-akyatan sa ulo ko at naramdaman ko na kumukulo na ito.

Tita?!Sa gandang kong ito,tini-Tita lang niya ako!Aba!Bastos itong mga bata na ito!

“For your information,mas matanda pa nga sakin yang lalaking yan tapos siya Kuya samantalang ako,Tita?What the hell?!"lumabas lahat ng katarayan na matagal ko na itinatago.Nakaka-miss rin palang magtaray!

Living with this Hot but Annoying Jerk [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon