CHAPTER 29

975 34 7
                                    

[Jerish POV]

Ilang araw na ang lumipas simula ng mag-usap kami ni Zero.Nung araw na rin na iyon,kasama niya si Hazel na bumalik ng Manila.Naiwan dito si Storm.Si Storm ang nagcomfort sakin.

Ilang beses kong iniyakan iyon.Mukhang okay na ang plano ko.Naitaboy ko na siya palayo.Pero hindi pa rin ako tumitigil kakaasa na tatawagan niya ako o kaya babalikan nya ako.Pero wala.Hindi niya ginawa.Hindi na dapat ako umiiyak ngayon dahil ako mismo ang nagtaboy sa kaniya.Napagod na siya sa akin.Napuno na siya sa akin.

"Lola...."natigil ako sa pagliligpit ng gamit ko nang pumasok si Lola Mercedes.Lumapit sa akin si Lola at umupo siya sa tabi ko.

"Sigurado ka na bang babalik ka na ulit sa ibang bansa?"tumango ako bilang sagot sa tanong ni Lola.

"Kailangan,Lola.Kailangan kong bumalik dahil may kontrata pa akong kailangang tapusin.Sa Manila muna ako ng ilang araw bago lumipad pabalik ng ibang bansa."

Tinawagan na rin ako ni Bea na kailangan na naming bumalik ng ibang bansa.Yun dapat ang sasabihin niya nung biglang nawala yung signal ng phone niya.Yung papunta kami rito.

"Kailangang tapusin o may gustong takasan?"natahimik ako sa tanong ni Lola.

Oo.Tinatakasan ko yung sakit na maaring madulot nila Zero sakin kapag nagpakasal sila.Ayokong makitang maikasal si Zero sa ibang babae.Masakit para sakin.

Kahit na pigilan ko pa ang pagpapakasal niya,pagod na rin naman siya.Pagod na siya sakin

Binalik ko ulit ang atensyon ko sa pagliligpit ng gamit.

"Hindi mo na ba siya pupuntahan?"

"Hindi na siguro Lola.Pagod na daw siya sakin.Ayaw na niya."

"Pagod na siya dahil pilit mo siyang tinataboy."umupo ako sa kama ko at pinipigilan kong tumulo ang luha ko.Tutulo na naman siya.

"Pinipilit mo kasi siyang itaboy kahit ayaw mo rin naman.Hindi ko man alam kung bakit pero alam kong may dahilan.Alam kong mahal mo siya,apo.Huwag mo siyang itaboy."

"Makakalimutan ko rin siya Lola.Makakalimutan ko rin siya."

“Mahirap kalimutan ang taong nandyan sa puso mo,apo."

"Ayoko na Lola.Baka masaya na sila.Hindi ko na sila guguluhin.Hanggang dito na lang talaga ang lovestory namin."

Ngumiti lang ako at pinagpatuloy na ang pagliligpit.Tumawag sakin si Storm na nasa labas na siya kaya nagpaalam na ako sa kanila at sumakay ng kotse ni Storm.Tahimik lang ako buong byahe.Ilang oras rin at nakarating na kami sa Manila.Nandito kami papasok sa condo ni Storm.

"Aalis na sila,Jerish.Pupunta sila ng New York."

Kailangan pa bang ipangalandakan sakin?Doon na pala sila.Wala na naman akong magagawa.

“Mmm."

Binaba na niya ang maleta ko.Umupo naman ako sa couch.

“Hindi ka na talaga susunod?"

Umiling ako sa kaniya.Ayoko na masaktan pa.

“Ayokong nakikita ka ng ganyan.Masakit para saking tignan ka ng ganyan."

Tipid lang akong ngumiti sa kaniya.Gusto ko talagang pigilan siya pero maraming pumipigil sa akin.

"If you love him,you should fight for him.Hindi yung iiyak ka dyan dahil wala na siya pero nung nandyan siya tinataboy mo siya."

"I love him but hindi ko kayang ipaglaban siya.Lalo na't may taong may kailangan sa kanya at kailangan niya rin ang taong iyon."

“Pero inisip mo ba ang sarili mo?Inisip mo ba ang nararamdaman niya?Naiisip mo ba na baka nasasaktan siya?"

Napaisip ako sa sinabi niya.

I shouldn't give up.I need him.I can't live without him.I love him so much!

"Kung gusto mo silang habulin.Go.Bibigyan kita ng chance para habulin sila.Kung gusto mong ipaglaban pa,GO!Ayokong nakikita kang nasasaktan.Hangga't may oras ka pa."

Bigla akong nabuhayan sa sinabi ni Storm.Tinext sakin ni Storm kung anong oras ang boarding ng flight nila Zero.

"Pahiram ng susi,Storm."inabot niya sakin ang susi at tumakbo agad ako papunta sa parking lot.

Pinaharurot ko na agad ang kotse.Wala na akong pakialam sa mga kotseng nao-overtake-an ko.Kailangan kong mahabol si Zero.Ayokong umalis siya.Ayoko.

Nagsimula na naman akong lumuha.Mamaya di ko maabutan si Zero.Ayokong magkahiwalay na naman kami.

Pilit kong tinatawagan si Zero.Baka masagot niya at hintayin pa niya ako.

"Shocks!"

Nahulog ang phone sa sobrang pagkataranta ko.Nakakainis naman!Nakikisabay pa!

Yumuko ako para kunin ang phone ko at pagtingin ko sa kalsada ay nagulat ako ng biglang sumulpot ang isang malaking truck sa harap ko.

Inapakan ko ang preno pero huli na ang lahat.

Tumama ang kotse sa truck.Tumilapon ako palabas sa kotse dahil hindi ako naka-seatbelt.

Ang sakit ng buong katawan ko.May nakatusok na matulis na bagay sa braso ko.

Ang sakit rin ng ulo ko.Ramdam kong may tumutulong dugo mula sa ulo at katawan ko.

Pilit kong binubuksan ang mata ko pero hindi ko iyon magawa...

"May babae sa ilalim ng kotse!"
"Tulungan niyo yung babae!"

Yan yung narinig ko ng tuluyang nagdilim ang paningin ko.

Living with this Hot but Annoying Jerk [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon