CHAPTER 6

1.6K 62 7
                                    

[Jerish Lopez POV]

Naglalakad na ako palabas ng isang sikat na TV Station,may TV guesting kasi ako na kakatapos lang,nang may biglang huminto na van sa harap ko.Tinulak nila ako papasok ng van kaya pumiglas ako ng pumiglas.

What the hell?!Kidnapping ba ito?!

I will surely kill these criminals pag nakalaya lang ako rito.

"Bitawan nyo nga ako!Isusumbong ko kayo sa mga pulis!"sigaw ko.Sumigaw na ako para pag may nakarinig ay matulungan akong makatakas sa mga kriminal na ito.

"Kung pera ang kailangan niyo,bibigyan ko kayo ng sandamakmak at ipapakain ko pa sa inyo."

Patuloy pa rin ako sa pagsigaw at pagsipa sa mga lalaking ito.Hawak nila ang kamay ko kaya tanging piglas lang ang magagawa ko.

Tinakpan naman nila ang bibig ko gamit ang kamay nila kaya kinagat ko ang daliri nya ng mariin.Diniinan ko para masaktan siya ng bongga.

"Shit!"

Binitawan nila ako kay sinipa ko sila ng malakas.Nilabas ko yung stun pen ko.Buti lagi ko itong dala sa mga oras na kailangan ko tulad ngayon.Tinutok ko iyon sa kanila kaya napahinto sila.

"Subukan nyong lumapit!Gagamitin ko ito sa inyo.And I'm not kidding!"

"Calm down Feia."napatigil ako ng marinig ko ang boses na yun.

Si Bea?

What the hell?!I was talking to her earlier tapos kasama siya sa mga sira-ulong kikidnap sakin?!She was my friend at ito ang isusukli niya?Pinapasweldo ko naman siya ng tama at malaki naman ang sweldo niya kaya bakit kailangang ipakidnap pa ako?!Fuck it!

"Anong trip mo at pinakidnap mo pa ako?!Huwag mong sabihin na kasama ka sa pagdukot sakin!"natutok masyado ang atensyon ko kay Bea kaya natanggal nila yung stun gun na hawak ko at pinosasan ako para di ako masyadong makapalag.

"Fuck!Let me go!Bea,help me!"

"Ano ba gagawin niyo sakin?!Saan ba tayo pupunta?!"nakakunot noo kong tanong.Naiirita na ako kasi walang may balak sumagot sakin.Patuloy lang ang pag-aayos nila sakin.Inaayusan nila ako dito sa van.Sinuotan ng kung ano ano.

The fvck?!Naka-gown pa ako!!May kasal ba akong pupuntahan?!Parang wala naman!

"I'm asking you.Where we are going?!Seriously,I'm furious right now!!So fucking answer me!!"nanggagalaiti kong tanong pero ni-isa walang sumagot.

Pumiglas ako sa pagkakahawak nila sakin.

"Ma'am,don't move."sabi ng nag-me-make-up sakin.

"SABIHIN NIYO SAKIN KUNG SAAN NIYO AKO DADALHIN!SO I WOULD FVCKING CALM!"

"Kapag ba sinabi ko sayo kung saan tayo pupunta,kakalma ka?"tanong ni Bea sakin.

"Really,Bea?You're my fucking friend and ipagkakanulo mo ako?!"

"I'm sorry,Feia..."

"Sabihin mo sakin,Bea!Sabihin mo na!"

"Kung ayoko?"nakangising sagot ni Bea na lalo kong kinainis.

"Kapag nakawala talaga ako sa posas na ito,sasakalin kita Bea!I will surely choke you to death!"

Naramdaman kong huminto na ang van at lumabas na ang mga nag-aayos sakin.Sumilip ako sa labas at nakita ko na nasa isang simbahan kami.

"Sinong ikakasal?!"

Tinulak ako ni Bea palabas ng van papunta sa pinto ng simbahan.Puro reporters ang nakikita ko.Puro kislap mula sa mga camera ang bumungad sakin.

Ano bang meron?Sino ba ikakasal at bakit ako ang naka-gown?!

Nagulat ako ng bumukas ang pinto ng simbahan at may nagsabi sakin na maglakad na papunta sa altar.

The hell?!Anong kabaliwan ba ito?!

Tumingin ako sa kaliwa at nakita ko ang mga Smith.Sa kanan naman ay sila Katkat,at Lexi.Nakangiti sila lahat sakin.

Ano bang meron?!

Tumingin ako sa lalaking malapit sa altar.Naaninag ko si G.Pops pero di ko makita yung nasa likod nya.

May tumulak sa akin kaya muntik na akong mangungod.I turned around and look for who the hell pushed me.And it was Bea.This traitor friend of mine.

"You looked beautiful,Feia."

"I knew it.But what the hell is happening?!I thought it was a simple kidnapping that you're asking for ransom.Something like that but what the hell?!Ibinenta mo ba ako sa foreigner para ikasal?!"

Napataas ang kilay ko ng tumawa siya at may kasamang hampas pa na akala niya ay hindi masakit.Itong babaeng ito.Mahahampas ko na yung mukha sa pader.

"Feia naman.Sa tingin mo gagawin ko yun?Kung ipapakidnap man kita edi sana pinatanggal ko na yung laman loob mo para ibenta.Mas kikita pa ako ng ganun."

"So tell me why the hell I'm here?"

"For your wedding!"masayang sambit pa niya.

"For what?"

"Your wedding!"

Nagka-amnesia ba ako at bigla akong nakalimot na may jowa ako dati at inaya akong magpakasal?Wala namang nagpropose sakin.Baka naman nagloloko lang itong si Bea.

"Bea,it's not funny anymore.Tell me the truth.Why the hell I'm here?"

"It's your wedding nga.Paulit ulit?"

"At kanino naman ako ikakasal?Wala naman akong maalala na tinanggap ang proposal ah.Wala nga akong boyfriend tapos ikakasal ako?"

"If you want the answer just walk toward that and you will finally find your answers."

Kahit kunot noo ako ay naglakad pa rin ako sa aisle.Napairap naman ako ng mapasadahan ko ng tingin ang mga Smith.Katulad nga ng sabi ko nung isang beses.Galit pa rin ako sa kanila.

It was G.Pops on the end of the aisle.Don't tell me sa kaniya ako ikakasal?Aba!Tatlong beses ang tanda ni G.Pops sakin tas siya pala papakasalan ko?Tatay or Lolo lang ang tingin ko sa kaniya but I never imagined that I will marry him.And Smith agreed on that?Pumayag sila sa kalokohan na ito?I bet that they're not but the way they smiled at us...it's creeping me out.

"Long time no see,iha."

Hindi ako lumalapit sa kaniya kasi ayoko talagang ikasal.Pasimple ko nang tinatanggal ang heels ko para deretso takbo na talaga ako palayo ng lugar na ito.

"Maging masaya sana kayo..."

"Kayo?"

Napakunot noo ako sa sinabi ni G.Pops.Niyakap niya ako at napanganga ako ng tuluyan.Hindi dahil niyakap niya ako kundi yung taong nasa likod niya.

A man wearing a white tuxedo with his hair up.Wearing his cold smirk that I haven't seen for a long time.

Si Zero...

Si Zero Smith...

What the fuck is happening right now?!

Hindi pa ako nakakabalik sa pagkagulat ay may gumulantang agad sa buong katauhan ko.

"Masasaksihan natin ang kasal ng 'Most Eligible Bachelor in the Philippines' na si Mr.Zero Smith at ng 'Famous Idol' na si Feia Lopez."

“Kasal?!The fudge!"napasigaw ko sa buong simabaha sa gulat ko.

Living with this Hot but Annoying Jerk [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon