***Se-se-se seven seven in the Morning Lady***
Napadilat ako 7am na pinindot ko si Wink nag streching muna ko ng mga 2minutes at dumiretso na at nag shower. Nag simple Black mini dress na lang ako at Black pumps tapos nag apply lang ng red lipstick . Pagbaba ko ay naka ready na si Lux sasama nga pala sya sa office . Ang ganda nya talaga kung pumorma naka Maong dress sya at boots tapos naka tirintas yung buhok nya tapos naka curl sa dulo naka make up pa at may hikaw na malaki. Naisip ko tuloy yan ang mukha ng broken? Sana lahat diba? Ngumiti ako sa kanya at dumiretso muna sa kusina at isinubo yung supplements ko na nakalagay sa mini saucer sabay inom ng tubig.
"Lav ayusin natin buhok mo. Umalis na pala si Mams baka daw kasi ma traffic sya"-Lux
"Ay ok nakakahiya naman kay Tita. Wag mo na ayusin sa office lang naman tayo ok nato na nakalugay lang ano kaba."
"Mabilis lang"-Lux
Sabay hila ng buhok ko. Napaupo tuloy ako sa sofa. Habang kinakalikot nya ang buhok ko ay nag check nalang ako ng phone ko. Daming messages ng mga besssy ko mamaya ko nato rereplyan sa isip isip ko.
"You know Lav dapat lagi ka nag aayos ng buhok mo dahil 50% ng beauty natin sa buhok tapos 25% natural beauty 15% make up and 10% expressions natin. So dapat laging maganda buhok natin"-Lux
"Ok naman buhok ko"
"Ok? Boring nga eh! Black na mahaba tapos laging nakalugay aswang kaba? Dapat nga lagi kang fashionista. Manager ka kaya! hoy manager ka!"-Lux
"Wait may papakita ko sayo."
Hinukay ko sa cp ko yung pics ko nung college days ko. Na color brown yung buhok ko tapos naka tali ng braids na paikot. Pinakita ko sa kanya.
"Ganyan! Gosh bagay sayo yung color na brown. Ang ganda mo jan dapat lagi kang naka ayos!"-Lux
"Di nako sanay ano kaba pero ok naman sakin na nakalugay lang."
"Done!"-Lux
Tinignan ko yung buhok ko naka messy bun ito tapos may mga lag lag na buhok sa gilid tas may nakatirintas na onti sa gilid.
"Mukha naman akong ikakasal nito"
"No! Ang ganda nga eh! Tara na"-Lux
Inabot na ni ate jane white na susi ko at lumingon pa ko ulit sa salamin parang nagandahan ako bigla sa mukha ko. Lumabas nako at sumakay na sa kotse.
"Seatbelt Lux. 8:20 na"
"Male late kana sigurado"-Lux
"I don't think so"
Sabay atras ng kotse ko palabas ng garahe. Buong byahe namin ay nakahawak lang si Lux sa phone ko at ni nenext yung kanta tapos ang ingay nya at kanta ng kanta. Para daw di sya nerbyusin sa bilis ko mag drive. Pagdating namin sa building ay 8:54am syempre dun ako nag park sa harap sa parking space ni Max. Bumaba na kami ni Lux at sinalubong naman kami ni Angel sa pintuan palang Ngiting ngiti sya sakin.
"Good Morning Miss Lav, Maam Lux "-Angel
"Morning"-Lux
"Morning"
"Ang ganda nyo po mukha kayong magkapatid"-Angel
"Thankyou. Ako nagtali sa buhok nya ganda no? "-Lux
"Opo"-Angel
Sumakay na kaming tatlo ng elevator nang papasara na ito ay may kamay na humarang dito. Edi bumukas ulit si Black pala at si Max tinutupi pa yung longsleeves nya habang naglalakad papunta samin.
YOU ARE READING
Yes, of course it hurts
RandomHindi lahat ng love story ay may happy endings. hindi natin mahuhulaan kung hanggang kailan ba tayo masaya. Pinaka worst scenario sa pinaka unexpected na pagkakataon dun ka masasaktan dun ka maiiwan. Yung time na narealize mo hindi ka kasing tibay...