MAX POV
Tinanghali kaming tatlo nang gising. Nandito kami ngayon sa resto at parang mga zombie na ewan. Nakapusod si Lav at ang ganda ganda nya tignan habang nagbabasa ng magazine at namumula . Si Lux naman ay nakapusod din ang buhok pero maya't maya naman tumatawag ng uwak. Umorder lang kami ng kape at apple pies para matanggal tong hangover namin ni Lux. Di ako nag aalala kay Lav dahil di naman sya nalalasing. Inaantok lang.
"Kuya! Masakit ulo mo??"-Lux
"Oo super"
"Talaga? Ako din eh!"-Lux
Natawa si Lav at uminom lang sya ng kape nya at nagbasa ulit ng magazine.
"Ano oras tayo uuwi Lav?"
"After this"-Lav
"Seriously?"
"Don't worry, I'll drive"-Lav
Tumayo si Lux . Susuka nanaman yun sigurado. Lumapit samin si Ice para makipag palit ng Calling cards samin ni Lav. Pagtapos namin kumain ay naghanda na kami para umuwi.
Inikot na ni Lav yung pick up at sumakay na kami ni Lux. Ako sa passenger seat at si Lux naman sa loob naka sunglasses kaming tatlo dahil nag open window si Lav para daw hindi masuka si Lux. Nag seatbelt ako at si Lux dahil mabilis magdrive tong babaeng to.
"Lav. We all want to go home safe right?"
"Yes, Why?"-Lav
Lumingon sya sakin na parang wala lang tapos parang nagtatanong kung tumingin.
"Lav masyado kasi tayong mabilis"-Lux
"Oh sorry. Di nyo naman sinabi agad"-Lav
At bumagal kami ng onti. Nasanay kasi sya na sya lang mag isa kala mo palaging late kung mag drive.
"Lav, hindi na pala matutuloy ang Florida namin"
"Why? "-Lav (pero nakatutok parin sa daan)
"Dito nalang daw gaganapin by January"
"Really? Dami nilang pasabog. Dami nilang arte lagi. "-Lav
"So I'm planning na sumama sayo sa province nyo. Wag na si Black kasi aawayin mo lang yun for sure."
"Province nyo?? Madaming mangoes dun diba? Samaaaaaa!"-Lux
"Nakausap mo naba relatives mo dun?"
"Di pa naman. Pwede ka sumama Lux . I mean sumunod pala. Tsaka di naman ako dun tutuloy"-Lav
"Saan?"
"Secret"-Lav
"Sumunod? Bakit mauuna ka?"-Lux
"Yeah. may reunion kasi ako this December "-Lav
"Kelan lipad mo sa province nyo?"
"25 evening syempre. Magagalit si mama pag wala ako sa christmas."-Lav
"26 ang reunion nyo diba?"
"26-27 Kaya better 28 na kayong magkapatid pumunta"-Lav
"28 kana sumunod Lux"
"Oki bakit ikaw kuya?"-Lux
"Sasabay ako kay Lav"
"Bahala ka sa buhay mo. Gusto ko sana isama si Angel kaya lang. Baka kasi umuwi sya sa family nya."-Lav
"Pag sinabihan mo yun sasama yon."
"Pag iisipan ko pa"-Lav
Nag stop over kami sa isang cafe. Mabilis na bumaba si Lux. Pumasok kaming tatlo at umorder kami ni Lux ng ice coffee.
YOU ARE READING
Yes, of course it hurts
De TodoHindi lahat ng love story ay may happy endings. hindi natin mahuhulaan kung hanggang kailan ba tayo masaya. Pinaka worst scenario sa pinaka unexpected na pagkakataon dun ka masasaktan dun ka maiiwan. Yung time na narealize mo hindi ka kasing tibay...