LAV POV
Nagising ako around 1:30pm kanina at naligo na. Nagkakape ako ngayon dito sa sala at nag iisip ng costume ko mamaya sigurado expected nilang lahat na mag Black Lady ako. Gusto ko tuloy maiba. Bumaba na si Angel na naka ready na pauwi napatingin ako sa Digiclock ko 2:57pm never late din tong babae nato.
"Tara napo Miss?"-Angel
"Di kaba nagugutom?"
"Busog po ako Miss. Chaka baka po kulangin kana sa oras pag kumain pa tayo"-Angel
"Ikaw bahala."
Kinuha ko yung white na susi ko at lumabas na kami ni Angel. Ibinaba ko sya sa sakayan ng taxi sa harap ng mall at ako naman ay dumiretso sa basement para mag parking. Pag pasok ko sa department store ay umikot ikot pako andaming mga displays . May naisip ako bigla at pumasok sa isang parlor boutique. 2hours left isip isip ko.
ANGEL POV
6pm nasa taxi na ako papunta sa Hotel kung san ang venue ng Halloween party namin. Pagdating ko sa hotel ay andami na naming mga employees. naka black dress ako at naka witch hat pero puro black ang make up ko syempre bitbit ko ang monopod ko ng makita ko si Black. Naka dracula attire sya at may pekeng ngipin naka usli. Sobrang daming naka itim pero nakita ko si Maam Ann pansin na pansin sya agad kasi naka fairy sya. Mini white cocktail dress at may flowercrown at wand pa sya ang ganda nya sobra. Mayamaya pa ay tumayo na si Maam Andrea sa harap at sinabing mag start na daw ang program . Rarampa pala kami isa-isa sa stage at mag po-pose pa daw. Nakita ko si Sir Max na may tahi ang ulo ang galing naman ng nag make-up sa kanya parang tunay. Sa dulo sya pumila kasama sila Maam Ann yun kasi yung mga katapat nya mga manager. dahil mauuna kaming mga staffs na rarampa. Magkasunod kami ni Black sa pila.
"Nakita mo naba si Miss Lav?" (Tanong ko kay Black)
"Hindi pa e. Wala paba?"-Black
"Wala pa. tignan mo naman mga costume ng mga managers puro ginastusan at may mga pakpak pa ang iba."
"Si maam Ann may wand pa eh no?"-Black
"Asan na kaya si Miss Lav?"
Nagulat kami ng biglang namatay lahat ng ilaw at spotlight lang sa stage ang natira. isa isa tinatawag ang mga pangalan ng makita namin sa unahan ay may gumagawa pala ng nameplate bago umakyat ng stage.
Natapos na lahat ng staffs umakyat 8:30pm na Nag sisimula na sa mga Managers. Nang rumampa si Maam Ann ay sobrang hinhin at ang ganda nya sobrang sexy nya sa costume nya. Napaisip nanaman tuloy ako kung nasan na si Miss Lav. Pagrampa ni Sir Max ay sobrang cool lang.
"Pa Pogi pa si Boss may pako namon sa ulo"-Black (nakatayo kami sa harap ng table habang may hawak na wine)
Ubos na ang mga Managers wala pa rin si Miss Lav. Bumukas na lahat ng mga ilaw.
"Sabi ko na nga ba tatamarin yun eh"-Sir Max.
"Iba talaga toyo ni Miss Lav"-Black
"NOT TRUE! LOOK"
Sabi ko at napaturo ako sa pinto.
MAX POV
Napalingon ako sa itinuturo ni Angel kaya lang biglang namatay lahat ng ilaw at napalitan ng spotlight na sumusunod kay Lav na naglalakad. Nagulat ako sa outfit nya.
Naka black crop tie up tops sya at sobrang ikli na shorts na may mga diamonds na maliliit tapos nakaboots na lampas tuhod. Naka ponytail ang buhok na naka two ears style at nakakulot ang dulo nito na kinulayan ng puti may sulat ang mukha nya na "LOVE" at may mga hearts na drawings naman yung kaliwang legs nya. Sobrang puti talaga ni Lav. May hawak syang baseball bat na itinuntong nya sa balikat nya andaming nyang bangles na bracelet. At sobrang tapang ng mukha nya dahil sa eyeliners at red lipstick tapos naka lollipop pa. Umakyat sya sa stage at hindi na nagpasulat ng pangalan nag pose nalang sya dun at ngumiti ng nakakaloko sabay baba.

YOU ARE READING
Yes, of course it hurts
RandomHindi lahat ng love story ay may happy endings. hindi natin mahuhulaan kung hanggang kailan ba tayo masaya. Pinaka worst scenario sa pinaka unexpected na pagkakataon dun ka masasaktan dun ka maiiwan. Yung time na narealize mo hindi ka kasing tibay...