LAV POV
Pagkauwi ko sa bahay ay nagkape agad ako. After how many years ngayon nalang ulit ako pumatol sa kung sino mang insecure sa buhay ko. Umakyat ako sa kwarto ko at dumiretso sa cr tinignan ko ang reflection ko sa mirror door ko iba na sa dating ako. Ibang iba na . hindi na ako ang iyakin na Lav na kilala ng lahat ang layo na pala ng narating ko. Sobrang dami ko ng pinagdaanan, sobrang dami ko ng hinarap at nalagpasan na pagsubok kahit ako di makapaniwala na kaya ko pala.
Nag shower ako para matanggal na lahat ng make ups at drawings sa katawan ko nag robe lang ako dahil matutulog narin naman ako.
knock-knock-knock!
Inilapag ko muna ang blower ko at kumakatok si Ate Jane. Soundproof kasi ang kwarto ko kaya di nya ako maririnig kung magtanong man ako kaya kahit di ako nag la-Lock ng kwarto tatayo parin ako kasi di naman sya pumapasok pag andito ako.
"Miss, may bisita po kayo sa baba"-Ate Jane
"Sino naman bibisita sakin ng gantong oras?"
"Babae po"-Ate Jane
Magkasunod kaming bumaba ni Ate Jane at dumiretso sa sala. Pagbaba ko ay nagulat ako ng biglang yumakap sakin si Lux. Kapatid ni Max ka edad ko lang si Lux pero close naman kami kahit once in a while lang kami magkita. Bumitaw sya sa pagkakayakap sakin at biglang naghabulan ang luha sa mga mata nya.
"Lav"-Lux (iyak padin sya ng iyak pinaupo ko muna sya)
"Iyak mo lang muna yan. Wait kuha ako water"
(Kumuha ako ng tubig at ibinigay sa kanya. Tinignan ko sya at sobrang laki ng eyebags nya)
"Ok. Bat gabing gabi na sumugod ka dito?"
"Di ko alam kung san ako tatakbo Lav *sniff.sniff* iniwan ako ni Felix"-Lux
"Alam ng kuya mo na andito ka Manila?"
"Hindi pa . Sarado pa bahay nya tsaka ikaw naman talaga sadya ko. Pwede ba dito na muna ko sayo?"-Lux
"Oo naman pwedeng pwede ano kaba naman. what about your Restaurant?"
"Iniwan ko muna kay Mams. Kailangan ko talaga umalis muna don sa Cavite . Feeling ko nababaliw nako ansakit talaga Lav"-Lux
"Alam ni Tita dito ka tutuloy? Baka mag alala yun"
"Oo. Di ko talaga kaya don naaalala ko lang lagi si felix "-Lux
(Naiiyak nanaman sya. Niyakap ko sya at tinapik ang likod nya)
"Ipahinga mo na muna yan bukas na tayo mag usap. Tara dun sa taas itulog mo nalang muna yan at yun ang kailangan mo"
Inalalayan ko sya umakyat sa taas at isinunod ni Ate Jane ang maleta nya Sinabihan ko sya na itulog nalang muna ang nararamdaman nya. Paglabas ko ng guest room ay lumipat ako sa kwarto ko at pinagpatuloy ang ritwal ko sa salamin. Gusto ko sanang tawagan si Max kaya lang baka napapasarap pa sa inuman yon. Makatulog na nga lang at madami akong pagod.
Nagising ako almost 6am. Nauna nanaman ako kay Wink. Bumaba agad ako para magluto ng pancakes at favorite ni Lux ang Blueberry pancakes ko. Habang nagmimix ako ay pumasok si Max pawis na pawis at kakatapos lang siguro mag jogging nito.
"Si Lux? Tulog paba??"-Max
"Siguro? Di pa bumababa e pano mo nalaman andito sya?"
"Nakita ko Car nya sa labas kaninang pag uwi ko"'Max
"Tatawagan sana kita. Kaya lang baka nasa inuman kapa"
"Drained nadin phone ko kagabi. Makapal ata robe mo ngayon?"-Max

YOU ARE READING
Yes, of course it hurts
De TodoHindi lahat ng love story ay may happy endings. hindi natin mahuhulaan kung hanggang kailan ba tayo masaya. Pinaka worst scenario sa pinaka unexpected na pagkakataon dun ka masasaktan dun ka maiiwan. Yung time na narealize mo hindi ka kasing tibay...