kamatayan

810 4 0
                                    


Gusto ko ng isang tahimik na lugar
Lugar na kailan man ay di
mabubulgar
Gusto kong tahimik akong mamahinga
Ang mga katabi ko'y mga nakahiga

Katawan ay parang isang lantang gulay
Matagal ng lutang at wala ng buhay
Kasama ko si kamatayan sa tulay
Pinapayagan nya na akong ma himlay

Gusto ko sa burol ay walang iiyak
Gusto ko punong puno sila ng gayak
Kasi wala na yung taong mangungulit
Pasensya na at to'y di na mauulit

Pipikit ko na ang aking mga mata
Ihahakbang sa kabaong ko ang bata
Papatugtugin ang paboritong kanta
Ito na ang huling sulat aking sinta

TULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon