Bakit iba ang bangka ni tutoy

6 0 0
                                    

(story of a student who doesn't have materials for online classes)

Tayo ay nasa isang malaking dagat
Magkakalayo layo ang ating mga agwat
Ngunit kilala mo ba ang batang si tutoy?
Ang batang hirap ng mag patuloy

Yari sa matibay na bakal ang bangka ni pedro
Ang mga materiales nito ay kumpleto
Matibay at ni walang isang depekto
Kita sa mukha ni tutoy ang pagtampo

Gawa sa pirapirasong kahoy ang kay tutoy
Pero nagsusumikap parin syang mag patuloy
Patuloy mag sagwan hangang sa kabilang baryo
Sana wag husgahan dahil pagod ng kumayod

Sa panahon ng pandemya mayroong tayong ibat ibang bangka
Ngunit hindi ito ang panahon upang manghusga ka
Ang bangka ni tutoy ay butas butas
Kaya napakahirap na para sakanya ang makaalpas

TULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon