Yayakapin kita ng mahigpit at di iiwan

574 2 0
                                    

Ayan ang salitang sinabi mo
Hindi saakin ngunit sa jowa mo
Narinig ko,nakita ko, nadama ko
Hindi masaya kundi lungkot
Bakit ko nga ba ito sinulat?
Marahil Gusto kong sabihin ang aking binubuhat
Gusto ko ipaalam kung gaano kasakit
Ang ngiti na palaging pinipilit
Tuwing magkasama kayo
Ako'y namimilipit...
Sa sakit na walang humapay na katapusan
Sa lungkot na hindi ko alam kung san ang lagusan
Kaibigan lang kita!!
Sinigaw mo saakin noong nagalit ka
Dahil pinipilit ko sayo na maging akin ka
Kahit alam kong sakanya kana
Kaya ngayon iiyak ko nalang ito
Ibabaon ang alalaang mapapait
Kasabay  ng ngiting pinipilit
At pusong namimilipit
Ngunit mahal kung magbago ang isip mo
Nandito lang ako magpapakatanga
Magpapakatanga sa taong wala namang pag asa
Sa taong hindi marunong makiramdam
Mahal paalam na muna
Maging masaya ka kasama sya
Dahil ako'y nilagom na ng dilim
Kasi hindi mo ako kayang YAKAPIN

TULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon