WALA NA!! FINISH NA!!

499 3 0
                                    


Nagtapos na ang aking maliligayang araw.
Nag dilim na rin ang aking ilaw.
Bakit hindi ko ito masabi sabi?
Ani mo'y nag aapuhap saaking mga labi.

Ang iyong tamis ay nawala na
At ang iyong lamig ay gumapang na
Ako'y tulala sa nakatiwangwang na bintana
Umaasa na darating at makikita.

Naalala mo paba yung unang araw?
O sa isip mo'y hindi na ito malinaw?
Lumalabo na ang ating relasyon!!
Nagkaka lamat na din kasabay ng sitwasyon.

Gusto kitang muling yakapin
Huling paalam bago ako magpaalipin sa nilagom ng dilim
Dilim na mayroong mga bituin

Hanggang dito nalang dahil tapos na
Nagpaalam nako at ako'y aalis na
Pinapangako kong hindi ito kalilimutan
Hanggang sa aking huling hantungan

TULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon