Madilim na silid at sigarilyong may upos

531 4 0
                                    


Ang silid ang aking karamay
sa mga problemang walang kadamay
inaantay ko nalang na may makiramay
at bigyan ng isang kalamay

Hirap na hirap nako sa aking buhay
mukhang kailangan ko ng diyos gabay
sa buhay kong di makasabay
para akong patay na walang karamay

ang buhay ko'y parang silid
parati nalang madilim ang mga gilid
walang pumapasok na liwanag saaking silid
parati akong nakapwesto sa magkabilang gilid

muntik nakong magpakamatay
pag hinto ng puso ay hinihintay
at pag sundo saakin ng taga bantay
katawan ko na pinapatay

pinapatay ng kalungkutan
wala na ring pinag huhugutan
sana ako po'y wag tularan
ng ating mga kabatan

pero ng ako'y pumasok sa simbahan
ewan ko sa katawan kong ginanahan
ang buhay ko'y binigyan daan
pinagaan din tong aking mga pasaan

salamat sayo diyos
ngayon ang buhay ko'y maayos
di nako mag sasayang ng maraming upos
sa sigarilyong tag dodos



TULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon