Hyacinth
Narration
♡♡♡Mahigit isang linggo na din matapos ang usapan naming yun ni Xander. Hindi narin kami nagusap ulit matapos nun.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung dapat ko nga bang paniwalaan yun. Masyadong di kapani-paniwala dahil malakas siya sa harap ko nung kami pa at parang wala siyang iniindang sakit.
Hinding hindi niya ako madadaan sa paganon-ganon lang.
Kinuha ko ang cellphone ko sa may table saka binuksan ito. Nakita ko ang lockscreen kong si Cinco saka ko naisip tawagan ito.
Calling Mahal❤...
Inilipat ko iyon sa tenga ko nang-marinig kong mag-ring ito.
Nagri-ring naman bat ayaw sagutin psh.
Matapos ang ilang ring ay biglang naging cannot be reached na. Ayoko mang maghinala ng kung ano-ano pero di ko maiwasan. Dahil kahit na minsan, hindi naman siya naging ganyan at ngayon lang.
*Ding-dong*
Agad naman akong pumunta sa pintuan at binuksan iyon. May nakita akong package dun na nakapangalan sakin.
"Miss pwede bang pakipirmahan nalang?" Tanong nung nagdeliver at agad ko naman kinuha ang papel.
Pagkapirma ko ay inabot sakanya ang papel saka inabit sakin ang package saka siya tuyang umalis.
'Ano to?'
Sinira ko ang plastik ang pagkatapos nun ay may tumambad sakin na brown envelope. Chineck ko naman ang loob nun.
'Medical Records?'
Agad ko namang kinuha un at binasa.
Name: Xander Lim
Age:22
Illness: Cardiomyopathy(enlarged heart)Di kona itinuloy basahin ang iba dahil bigla nalang bumagsak ang luha ko ng mabasa ko ang sakit niya , lalo na nung narealized kong totoo ang sinasabi niya.
'Bakit hindi mo sinabi Xander? Bakit kailangan mo pang itago sakin to? Bakit kailangan mo pang magsinungaling?'
♡♡♡
#22 na Message Delivered sa short story, kakaiba talaga kayo hahaha. Thalamat guys❤
BINABASA MO ANG
Message Delivered || k.th & k.jn
Short StoryHighest Rank:#22 SEQUEL OF MESSAGE UNSENT//COMPLETED