Original Plot/Ending.(supposed to be chapter 20)
CINCO
Narration
----Matapos kong umiyak ay dumiretso na ko sa labas ng aking silid. Napansin ko namang may nag-uusap sa may salas at napansin ko din ang pamilyar na pigura ng isang babae.
Di naman na ko nagulat ng makita siya, dahil simula palang alam ko na kung bat ako pinapunta dito sa Australia.
Mukhang di naman nila ako napansin kaya nama'y tumikhim ako ng malakas saka sila napatingin sakin. Nang mapatingin siya sakin ay mukhang nagulat pa siya pero nakarecover din naman siya kaagad.
Mukhang nakita niya na nga ako, pero hindi niya siguro ineexpect na magkikita kami dito dahil wala siyang alam sa kung anong nangyayari.
"Oh, my son is already here" sabi sakin ni Mama na todo ngiti sakin, pero agad ding napawi iyon nang makita ang itsura ko. "Ah, eh, pasensiya na kung ganyan ang itsura niya, kakauwi niya lang kasi kanina hehehe" sabi ni mama sakanila habang nakangiti, nang mabaling ang tingin niya sakin ay tinignan niya ako ng masama.
"Ay tsaka nga pala, kukunin ko lang yung pagkain natin sa kusina" paalam ni Mama sa bisita. "Halika Cinco, tulungan mo kong magbitbit" yaya niya sakin saka ako sumunod sakanya.
Pagkarating namin sa kusina ay agad niya akong pinanlakihan ng mata. "Ano ka ba naman Christian?! Nakakahiya ka sa mga bisita!" Sabi ni Mama. "Ayusin mo nga iyang sarili mo!" Dagdag niya saka ako muking iniwan sa kusina.
Sinunod ko naman kaagad ang sinabi niya, bumalik ako sa kwarto saka ako nagpalit ng damit at inayos ang sarili ko. Nang makita kong ayos na ang aking itsura ay bumalik ako sa may sala saka nakipagkwentuhan sakanila.
Matapos ng mahaba-habang kwentuhan ay dumako ang usapan sa dapat naming pag-usapan ngayong araw na ito.
"Bago ko pa makalimutan ang ipinunta namin dito, maari na ba natin pag-usapan ang kasal?"
"K-kasal? Sino a-ang ika-ikakasal?" Tanong ni Freya, mukhang wala siyang kaalam-alam sa mga nangyayari. Napatingin naman siya saakin na tila ba parang nagtatanong.
Pasensya na Freya kung di ko nasabi sayo.
"Of course, the successors of Reginal and Concepcion, walang iba kung hindi kayo" sagot ng kanyang ama. "I'm sorry kung di ko pinaalam sayo dahil alam kong magmamatigas ka, and it's for the best Freya." Nanlaki ang mata ni Freya at gulat na gulat sa kanyang nalaman. Napatungo naman ako.
I'm sorry Freya, and I'm really really sorry Hyacinth.
"C-cinco, alam m-mo ba 'to?" Tanong niya sakin. Her eyes was hoping that I would answer 'no'. Na parehas kaming walang kaalam-alam sa pangyayari.
"Of course, he---"
"SHUT UP DAD! HINDI IKAW ANG TINATANONG KO!" Putol ni Freya sa kanyang ama, lahat kami'y gulat sa sinabi niya dahil mukhang ngayon lang nila nakita si Freya magalit ng ganito, maski ako. "SINO KA BA PARA DIKTAHAN AKO KUNG SINO ANG PAPAKASALAN KO?!" Muling sigaw niya. Di naman natinag ang ama niya at mukhang kalmado parin ito.
"I am your father"
"AND I DON'T CARE, BUHAY KO 'TO, KATAWAN KO 'TO, YOU DON'T HAVE THE RIGHT TO DICTATE MY FUTURE!" Bulyaw ni Freya. Hindi nalang sumagot si tito at nanatili paring kalmado. Nang medyo kumalma na si Freya ay napatingin ito sakin. Napalunok nalang ako.
BINABASA MO ANG
Message Delivered || k.th & k.jn
Cerita PendekHighest Rank:#22 SEQUEL OF MESSAGE UNSENT//COMPLETED