FOUR

10 1 5
                                    

Kinabukasan, maaga palang naaamoy ko na ang iniluluto sa kusina ko. Nagpastock din kasi ako dito sa condo bago kami umuwi dito. Kaunti lang naman enough to feed us breakfast.

Umupo ako sa stool ng marinig kong may kumatok. Pumunta ako sa harap ng monitor at nakita ko na nasa pinto si Selena. Agad akong tumakbo sa kusina at hinila si Lazarus. Pinatay niya ang kalan at humarap sa akin.

"Ikaw ang sumagot sa pinto! Sabihin mo tulog pa ako! Bilis bilis!" Pagkatapos ay pinagtulakan ko siya papunta sa pinto. Nagtataka man ay sumunod nalang siya sa sinasabi ko. Binuksan niya ang pinto.

"Si Dale, nandiyan?" Selena asked in a flirty tone.

"Yes. But she's still sleeping. She's tired from last night." Napasampal ako sa noo ko ng makita ko ang reaksyon ni Selena. What Lazarus saying is clean. Too bad Selena's mind is polluted.

"Ay ganon ba? Ang pogi mo naman." She said touching Lazarus' chest. That's mine!

Tumayo ako at ginulo ang buhok ko. Ipinatong ko sa sando ko ang hinubad na puting long sleeves ni Lazarus kagabi na hanggang legs ko. Pagkatapos ay nakashort lang ako. Lumabas ako na pinepeke ang paghikab.

"Babe, sino yan?" I fakely asked. Nakita ko ang pagtataka sa mukha ni Lazarus at ang inis naman sa mukha ni Selena. Lumapit ako ay kumapit sa leeg ni Lazarus. Hinawakan naman nito ang aking bewang bilang suporta.

"Selena, hi. Good morning." I said still yawning.

"Still tired?" Lazarus asked.

"Oo. I want to sleep more. Tara na." I whined.

"Why? Does it still hurt?" Then he looked down. Clearly he was refering to my legs which was killing me last night pero iba ang inisip ni Selena kaya bumalakit ang gulat sa mukha nito. And then I decided to play the dirty games.

"Oo. Pati balakang ko masakit. Nangawit yata kagabi." I said.

"I-I should go." Selena said as she stormed off.

"Bakit nangawit ang balakang mo? And why are you wearing my clothes?" Lazarus asked innocently. My poor Lazarus, don't understand anything in this world. Saang kweba ba ito naglagi? He told me he lived in New York. Nagpunta ako doon, may tv naman sila.

"Wala. Never mind that. Kumain na tayo. May press conference tayo ngayon." I said.

Habang kumakain kami, I texted Lianne to buy me some clothes. Para sa akin at para na din kay Lazarus. After eating, as if on cue dumating ang damit na pinabili ko.

"Lazarus, eto yung damit mo." I said and gave him his clothes. Isang set iyon ng kulay grey na suits at isang black shoes. Kabisado ko na ang sukat niya dahil halos magkasukat lang sila ni papa. Kinuha niya iyon sa akin at dederecho na sana sa kwarto nya.

"Wait lang!" Hinila ko ang collar ng damit niya kahit hirap akong abutin iyon. Binitawan ko iyon at humarap ulit siya sa akin.

"Babe ang endearment natin ha. You should call me babe and I should do the same. Hold my hands at all time, and also my waist. Press likes that kind of gestures, kapag kinakausap mo ko, sa mata ko lagi ang tingin. Naiintindihan mo ba ako?" I asked. Tumango siya at biglang sinalop ang bewang ko. Binitawan niya sa isang kamay ang suits niya para hawakan ang kamay ko. Then he stared at my eyes. He smiled and said

"Babe..." Naramdaman ko ang malakas na pag pintig ng puso ko. Gago na 'to! Pano niya nagagawang ganituhin ang puso ko? I didn't had the strength to talk, nor to push him away. But it seems like the door did that for me. May nagdoorbell naman. Binitawan niya ako para tingnan sa monitor kung sino iyon. Nang makabawi ako ng hininga ay sumunod na ako sa kanya.

Waves And HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon