EIGHT

7 0 0
                                    

Sa isang islang di ko kilala kami nakarating. Pagbaba namin sa jetski, agad na hinawakan niya ang dibdib niya.

"Lazarus!" Sigaw ko. Anak ng tokwa, ang aga ko yatang mabu-byuda.

"I-I'm fine." He said. Dumeretso kami sa bahay na nandoon. Inalalayan ko siya papunta don.

"Should we just go home?" I asked him.

"N-No." He said still catching his breath.

Hinawakan ko ang kamay niya habang nakaupo siya sa sofa. It was cold. And it is begining to be blue. Anong nangyayari? Inagaw niya iyon sa akin at inilayo. Tumayo siya habang hawak ang dibdib niya. Pumasok siya sa banyo at inilock iyon.

Kinatok ko siya doon. I didn't notice it, but I was already crying. Bakit ako umiiyak?

"Lazarus!" Sigaw ko at patuloy siyang kinatok. Mga ilang minuto lang at lumabas na siya. Hawak ang dibdib niya, hinahabol ang hininga niya at basang basa. Agad ko siyang niyakap.

"Gago ka! Tinakot mo ko! Tara na sa doktor!" Sigaw ko habang umiiyak.

"Don't cry little queen. There's no doctor here." Sabi niya habang hinahaplos ang buhok ko.

Patuloy lang akong umiyak doon. Gumabi na at nagluto na si Lazarus ng dinner. Just like how we were before we got married. I smiled while looking at him cook. He was fine, like nothing happened. But still, yung nag blue sa balat niya, ano iyon? I want to know.

Sa gitna ng pagtitig ko sa lalaking kinasisiraan ko ng ulo, tumunog ang epal na cellphone ko. It was Dollar. Pagsagot ko ng phone, tumatawa ito. Ano problema nito?

"Wala na ba 'kong karapatang maghoneymoon? Hindi pa ako nagtatagal, nagsisitawag na kayo." Natatawang sabi ko.

"Oh eto na Serene. Dito ka magtanong." Natatawang sabi ni Dollar. Naririnig ko din si Nicole, Venice at ang iba pa na tumatawa.

"Dale! Tulungan mo ko!" Sabi ni Serene. Kumunot ang noo ko.

"What? What's the matter?" I asked.

"I think, I think may mali sa pag-iisip ko." Napasapok ako sa noo ko ng magtawanan ang mga tao na kasama niya. My crazy friends. Nangingibabaw ang tawa ni Venice.

"Ano? Baliw ka! Bat sinasabi mo yan?" Natatawang tanong ko dito.

"Kilala mo si Alexander Montereal hindi ba? May kinalaman siya dito!" Sabi nito sa akin.

"Nasisiraan ka na nga. Anong kinalaman nung tao sa problema ng tuktok mo?" Natatawa kong tanong. Lalong naghagalpakan ang mga baliw kong kaibigan.

"Pag malapit siya, yung puso ko bumibilis yung tibok! Tapos nababablangko ako! Hindi ako makapagsalita! Nauutal ako! Bakit ganon?" Nasapal ko ang noo ko sa paghagalpak ng mga kaibigan ko.

"Sabihin mo sa kanya kung ano ang sakit niya, Dale." Venice said while laughing. At doon ko nasakyan ang problema ng baliw kong kaibigan.

"I don't have the heart to tell her that. She's uncurable." Narinig ko ang pagsinghap ni Serene at ang pagtawa ng mga nasa tabi niya.

"Anong sakit ko?" She asked.

"Bat hindi si Venice ang tanungin mo? O si Nicole. Doktor yang mga iyan." Natatawa kong sabi.

"They won't give me the answer. Tawa lang sila ng tawa." Reklamo ni Serene.

"Because it is so simple Serene! You are in love. Alexandra Serene Jimenez is in love with Alexander Derrone Montereal!" Natatawang saad ko.

"No! Never! Not with that decieving monster!" Sigaw niya.

"That's the answer, Serene. Took you long enough to figure it out." Sabi ni Venice at tumawa.

Waves And HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon