THREE

13 2 10
                                    

Nagising ako na wala ng katabi. Ewan pero natakot ako. Nakapaa akong tumakbo papunta sa kusina ngunit wala siya doon. Nagpunta din ako sa garden pero wala din siya doon. Iniwan niya na ba ako? Bakit di manlang siya nagpaalam?

"Lazarus, you ungreatful quack! How dare you leave me like that?" Sigaw ko at umupo sa damuhan.

For somebody who I just met, hindi ko alam kung bakit badtrip na badtrip ako sa pag iisip na iniwan niya na ako. Hindi pala ako nababadtrip. Nalulungkot ako. I folded my knee and started to cry. Tangina ka, Lazarus. How dare you make me cry like this you idiot!

"What are you crying for, Miss?" I heard a voice spoke. I looked up to see Lazarus holding a fish. Mukhang nanggaling siya sa dagat because he was only wearing his shorts at basang basa iyon.

Agad ko siyang dinaib ng yakap. Hindi ko alam pero I felt so fucking relieved nang makita ko siyang nandito pa. Na hindi niya pa ako iniiwan. For the first time in my life, it seems like I finally found someone I am too afraid to loose.

"I'll never loose you right?" I asked him. He smiled and nodded. Right. He has nowhere to go anyways. He can't afford to leave me. I hope he won't. Itinayo niya ako at pumasok na kami sa bahay.

He cooked breakfast while I sat down on the kitchen counter. He would occationally look at me just to smile. Anong problema nito? Is he laughing because I'm so amazed as he cooks? Bwiset! I went upstairs to get my phone. I need to take a picture. Bumaba akong muli at umupo sa kitchen counter.

"Saan ka nagpunta?" He asked.

"Sa kwarto ko. Kinuha ko phone ko." Sabi ko. Binuhay ko ang cellphone ko at bago ko pa man mabuksan ang camera ay may pumasok ng tawag. Si Lianne.

"Hello Lianne? Nasa bakasyon ako, diba sabi ko bawal akong abalahin?" I said.

"Sorry to interupt your vacation miss pero may itatanong lang ako." She said.

"Yes? Ano iyon?" I asked. May problema nanaman ba? Isang linggo palang akong wala!

"Tell me, may kasama ka bang lalaki?" Crap! Did they found about Lazarus?

"Oo. Bakit?" I asked.

"Si Justin ba yan?" Kumunot ang noo ko sa tanong niya. Sino daw? Si Justin? Eh bakit ko naman makakasama yung hayop na yon?

Justin Bautista, ang ex ko. Ang impakto kong ex na ginamit lang ako para sumikat. Nanginginig ang mga kalamnan ko tuwing naririnig ko ang pangalan ng hayop na iyon.

"Si Justin? Nasisiraan na ba kayo ng ulo? Bakit ko magiging kasama yung hayop na yon?" I asked.

"Justin is missing. Hindi siya nagpapakita sa set ng teleserye na shinushoot nila. After declaring sa twitter niya na hiwalay na sila ni Selena, he was gone. And then may nakakita sa kanya sa Batangas. And his last tweet was he wants Dale Castro back. So I assumed na sinundan ka niya. Anak, malaking gulo yan kung magkikita kayo so I need you to come back here in Manila." Napapikit ako. Stupid Justin, sisirain niya ang buhay ko hanggang humihinga ako tangina niya.

"Call me after four hours Lianne." I said then hung off.

"Tara ng kumain." Lazarus said.

Tumango ako sa kanya at sumunod na sa kanya sa lamesa. Habang kumakain kami, tingin ako ng tingin sa kanya. Waiting for a perfect timing to tell him what I want to say. Huminga ako ng malalim, come on Riverdale, be fucking brave!

"What is it?" He asked. Crap! Is he reading my mind?

"What is what?" I asked. Trying to act all innocent.

"Why are you looking at me? Is there anything you want to say?" He asked. Ibinaba ko ang kutsara at tinidor at tiningnan ko siya.

"Do you want to marry me?" I asked him. Mukhang nagulat siya sa tanong ko dahil nabulunan siya. Tumayo ako para kuhanan siya ng tubig mula sa ref.

Waves And HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon