NINE

4 0 0
                                        

Nakahiga kami sa dalampasigan. Pinagmamasdan ang buwan at mga bitwin. Ako ay nakaunan sa kanyang balikat habang ang braso niya ay nakapalupot sa akin.

"Do you want to hear a story?" He asked.

"Story about what? About you?" I asked.

"Silly. No." He said and laughed.

"About what then?" I curiously asked.

"About a queen who fell in love with a merman." He said. I got interested and faced him. Tumingin siya sa akin, tumango ako sa kaniya. Ngumiti siya at tumingala muli sa langit.

"It was a tragic story,"

(In Queen Klarisse's POV)

"Kamahalan, handa na po ang barko para sa pagdaong." Soot ang aking puting damit na hinahangin, narinig ko ang pagdating ng aking tagasilbi habang nakatitig ako sa dagat at lumulubog na araw.

"Pupunta na ako." Sagot ko bago ako muling bumaling sa dagat sa huling pagkakataon bago ako sumagupa sa mga alon nito.

Tinulungan ako ng aking mga tagasilbi para makasampa sa maliit na barko na gagamitin ko sa paglalayag sa dagat. Papababa na ang araw at lumalakas na ang alon.

"Reyna Klarisse, tayo po ay dadaong na." Narinig kong sabi ng isa sa aking mga katulong. Tumango ako at nagsimula ng gumalaw ang aking sinasakyan. Nandito ako para bisitahin ang iba ko pang nasasakupan sa kabilang isla.

Lumakas bigla ang alon at tila nagalit ang langit. Umulan ng malakas at hinampas ng alon ang aking sinasakyan na naging dahilan ng aking pahkahulog sa dagat.

Akala ko ay katapusan ko na. Akala ko ay doon na magwawakas ang buhay ko. Ngunit hindi, isang pares ng braso ang pumalupot sa aking bewang, isang pares ng mata ang aking nasilayan, at dinala ako sa dalampasigan.Humihingal ako at hinahabol ang aking hininga, at nang lumingon ako para tingnan at pasalamatan ang aking tagapagligtas, wala na ito.

Napadpad ako sa isla na pupuntahan ko. Nang ganon ng kabilis? Anong uri ng nilalang ang nagligtas sakin? Hindi ko alam. Pero gusto kong malaman. Naglakad lakad ako sa isla at hinanap ang daan sa nasabing pamayanan na aking bibisitahin. Nauna na kasi sa akin ang hari doon. Narating ko ang pamayanan ay madilim na. Nakita ako ng isang kawal habang naglalakad.

"Mahal na reyna! Ano po ang nangyari?" Tanong nito sa akin. Ngunit sa halip na sagutin ko ito ay agad ko itong inutusan.

"Hanapin mo ang lahat ng pangalan ng mangingisda sa kahariang na ito na mayroong kulay dagat na mata." Ipinagutos ko.

"Masusunod po." Sabi nito at ginawa na ang aking ipinag-uutos. Naglakad ako papasok sa aming kaharian, at habang papalapit ay narinig ko ang isang boses.

"Nasaan ang reyna?" Isang dumadagundong na sigaw ang aking narinig.

"M-Mahal na hari, hindi po namin natagpuan ang reyna." Sagot ng isa. Bago pa muling sumigaw ang hari ay pumasok na ako.

"Nandito ako kamahalan." I answered.

Tumayo ang hari sa kaniyang upuan para ako ay salubungin at yakapin.

"Akala ko ay mawawala ka sakin, mahal ko." He said.

"Hinding hindi, mahal." Sagot ko sa aking asawa.

Ngunit sa gitna ng pagsasabi kong hindi ako mawawala sa kanya, isang pares ng mata ang gumuhit sa aking isipan. Isang mata na hinahanap hanap ko. Siguro dahil hindi ako nakapagpasalamat dito, sana tama ako.

Bumalik kami sa aming palasyo matapos ang pagbisita namin. Makalipas ang limang araw ay ipinatawag ko ang kawal na aking inutusan para maghanap.

"Kamahalan," Bati nito ay yumukod bilang pag galang.

Waves And HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon