Pupungas-pungas pa akong bumaba mula sa kwarto ko patungo sa kusina. Nakakaamoy kasi ako ng kung ano mang mabango. Nakita ko si Lazarus na nagluluto doon. Soot ang ipinahiram kong damit ni papa, he was cooking breakfast. Nilapitan ko siya para usisain ang niluluto niya. Tatlong araw na din siyang nakikituloy sa bahay ko.
"Ang bango naman niyang niluluto mo." Puri ko dito.
"Salamat." He said shyly.
"Saan mo naman nakuha iyang isda? Sa pagkakatanda ko wala naman akong ipinastock na isda." I said.
"Kinuha ko sa dagat." He said. Napaisip nanaman ako. Saan naman siya sumakay kung ganon? Wala namang bangka na dumadaong dahil private beach ko ito. Pero that's definitely the least of my concern.
Nang makaluto siya, kumain na kaming dalawa ng niluto niya. Napakagwapo niyang tingnan sa totoo lang. Makinis siya at may pagka moreno, mahaba ang buhok niya at sobrang visible ng panga niya which I find so attractive. Soot ang puting longsleeves ni papa at ang black pants, di mo iisipin na walang bahay ang isang ito. Para siyang isang hari ng isang kaharian na puro gwapo at maganda lang ang maaaring tumira.
"Aalis ako mamaya. Bibili ako ng mga stock. Sumama ka na din, bumili tayo ng gamit mo. And at the same time, pagugupitan kita." Nakatingin siya sa akin habang sinasabi ko iyon. Tumango lang siya sa gusto kong mangyari.
Habang sumusubo siya napapatingin ako sa bracelet na nasa kamay niya. Gawa iyon sa ruby base sa kulay at histsura nito. At kung titingnan mo, mukha itong mamahalin. Hindi kaya isa itong mayamang tao na nawalan ng ala-ala kaya nandito siya? Pero natatandaan niya naman ang pangalan niya. Hay ewan. Ang gulo.
So as planned, pumunta kami sa mall para mamili. Nakasoot ako ng maikling shorts, tshirt na pinatungan ng hoodie jacket at naka salamin ako. Tiningnan ko ang katabi ko na soot ang blue na long sleeves ni papa at black na pants. Ipinasoot ko din ang black shoes ni papa kaya nagmukha siyang isang executive sa isang kompanya. Eyes were at him, but it seems like he doesn't even give a fuck.
"Papaano mo nagagawang makakita sa dilim ng salamin mo?" Nagtatakang tanong nito sa akin. Kinawit ko ang braso niya at hinila siya para pumantay ang tainga niya sa bibig ko. Hindi naman ako maliit. 5'4 ang height ko. Pero pag nasa tabi ako nito, nagmumukha akong pandak.
"Hindi kasi ako ang tao na pwedeng magpakita ng mukha kahit kelan ko naisin." Sabi ko sa kanya. Tumango naman siya sa akin. Nakita ko ang botique ng isang brand na ineendorso ko. Agad ko siyang hinila papunta doon. Pag pasok ko, hinubad ko ang shades at ibinaba ang hood ko. Agad na lumapit ang manager sa akin.
"Miss Dale! Hi. Good day po!" Bati nito sa akin. I simply smiled at her. Nakita ko ang mata ni Lazarus na nag iikot. Hinila ko siya at iniharap sa manager.
"Find clothes for him. Lahat ng bagay sa kanya, kukunin ko. Pick casual ones please." I said.
Umupo ako at nagbasa ng magazine habang hinihintay siyang matapos mag fit. He tried out every outfit that the sales ladies picked. And to total it all, may napili naman ako na sampung pang lakad at walong pambahay. We'll buy more next time.
"Paki compute kung magkano lahat. And I hope walang makaka alam na nasa Batangas ako as of the moment." I said. Tumango naman sila at ibinigay sa akin ang bill. I paid it all at lumabas na kami ni Lazarus.
"Lazarus lang ba pangalan mo? Wala " I asked him while we are walking around the supermarket. He was picking out the goods we need. He's the chef. He decides what's needed and what's not.
"Buo ba? Hindi." He said.
"Then what?" I asked.
"Bakit mo tinatanong?" He asked.
BINABASA MO ANG
Waves And Hearts
RomanceRiverdale Veronica Castro has it all. Fame, riches, beauty, brain, you name it. She has it. Aminado naman siya na masama ang ugali niya. Hindi na yon bago. Para sa kanya. But if there is one thing that could tore a Dale Castro, its the ocean. She ha...