Knox's POV:
Sunday ngayon at kakatapos ko lang maligo nakaharap ako ngayon sa salamin at naka bath robe. Habang nakatingin sa salamin napansin kong naghilom na pero nagiwan ng peklat ang naibigay na galos ng tatlong bampira na nakalaban ko ng inililigtas ko si klyre. Ang akala ko nga noong una ay ordinaryong tao lang sila. Buti na lang at hindi sila ganoong kagaling sa pakikipaglaban at napatomba ko ka agad pero nabigyan nila ako ng galos sa may dibdib.
"Knox may bisita ka!" Sigaw ni mommy mula sa baba.
Nagmadali naman akong nagbihis at ng makababa na. Nakasuot lang ako ngayon ng pajama at plain white shirt. Pagkababa ko ay nakita kong nakaupo si Zachary sa sofa.
Zachary is my childhood friend. Bata palang kami ay lagi na kaming magkasama. Magkaibigan ang magulang namin lalo na si dad at si tito Zach. Zachary Stanford is his name. His father is Zach Stanford the co-leader of vamps. And his mother is Mary Stanford. As you can see, galing sa mother and father niya ang name niya. Zach and Ary. Lol. Ang pamilya nila ay ang pangalawang pinaka-malakas at pinaka-kilala sa buong vampires. Bata palang kami ni zachary ay nagt-training na kami lagi. Kaya naging magkaibigan kami.
"Dude! Musta ka na? Haha. Long time no see" Sabi niya at niyakap ako at nag-tap sa likod ko gan'on din ang aking ginawa.
"I'm fine dude. Musta buhay sa LA? Hindi ka man lang nagsabi na uuwi ka na pala" Sabi ko at naupo na kami para magusap.
"Maganda doon dude, punta tayo next time. Ililibot kita doon" Sabi niya
"Sounds fun, bat ka pala napadalaw?"
"Wala naman namiss ko lang ang dude ko. Bawal ba? Aalis na lang ako kung bawal pala"
"Hindi naman bawal. Nagtanong lang. Drama mo"
"Hahaha. Parang hindi mo ako kilala a."
"Yea, i know you since we were like 5"
"Yea. Let's hangout na lang and have fun. Since namiss ko ang dude ko since 5 Haha"
"You know I hate going outside. Dito na lang tayo"
"Hay. 'To naman! Minsan na nga lang maghangout. Ayaw pa pagbigyan" Sabi niya at nagpout na parang bata. Haha. Ay hindi pala bata, mas nagmukha siyang tuta sa ginawa niya.
"Fine, bihis lang ako" Pumayag na din ako. Ayaw ko kasing nakikita siyang ganun. Ampanget kasi. Haha.
Umakyat na ako para magpalit ng pants tapos nagrubber shoes. Pagkatapos ay bumaba na.
"Bilis a! Tara na. Gamitin na lang natin yung dala kong kotse" He said.
Nagpaalam na muna ako kay Mama. Napansin kong wala si Cal sa bahay. Asan kaya yun? Hayaan ko na nga lang. Lagi din namang wala ang batang yun. Saan-saan nagpupunta yun.
Sumakay kami sa kotse at nagumpisa ng magdrive si Zachary. Habang kami ay patungo sa mall para mag arcade. Naisipan ni Zachary na kumain muna. Hindi pa daw kasi siya kumakain ng lunch kaya pumunta muna kami sa isang resto para kumain.
Nakarating na ang pagkain namin at kumain na kami.
"Musta lovelife dude? Haha" He said while eating.
"Walang pagbabago" Pagkasabi ko pero napangiti naman ng naalala ko si klyre. She makes me smile though. Kulit niya kasi sakin. Teka.. Sakin lang ba?
"Wala ba talagang pinagbago? Huh? Ba't kung maka-ngiti ka d'yan? Ikaw aa. May hindi ka ba sinasabi sa akin dude?" Nagulat ako sa sinabi niya. Napansin niya ba akong ngumiti? Psh. Patago na nga ngiti napansin pa. Kala ko ba gutom siya? Dapat sa pagkain na lang ang attention niya.
"Wala nga. Kumain ka na nga lang d'yan! Ano-ano na naiisip mo. Gutom lang yan dude" Sabi ko sa kanya.
"Oh well. Kahit naman anong pilit ko sayo alam ko naman na hindi mo talaga sasabihin. Kahit tagal na nating magkaibigan" He said at pinapabayaan ko na lang siya at nagpatuloy na lang sa pagkain.
Natapos kaming kumain at dumiretso na sa mall upang mag-arcade na nga. Basketball lang naman nilalaro ko dun. Habang naglalakad patungong arcade sa loob ng mall ay nakita ko si Cal at may kasama siya. Nakatingin lang ako sa kanila.
"Dude! Kanina pa kita kinakausap a! Ano bang tinitignan mo?" Sabi ni zachary at napatingin din sa tinitignan ko.
"Oh.. Si Cal ba yun? Girlfriend niya? Cal!" He said.
This is not right. What the heck is happening in this fvcking world.
-
Cal's POV:
Nandito kami ngayon sa mall. Naglalakad lang ng maisapan kong maglaro. Kaya nag-aya ako na mag-arcade muna. Pumayag naman siya.
And yes! Kasama ko si Klyre. Siya lang naman ang kaibigan ko na babae sa ngayon. Hehe. Tinanong ko kasi siya kagabi noong ka-text ko siya kung pwede ba siya ngayon. Sabi naman niya oo kaya nandito kami ngayon. Para ngang ka-date ko na siya e. Hehe. Kaso sabi nga ng utak ko wag magmadali cal! Sinunod ko naman. I think it really takes time. Nagka-kilala pa lang kami last week tapos liligawan ko na nga? Baka kasi iwasan niya lang ako. Ayos na muna 'to
Nabalik ako sa mula sa pagiisip ng may tumawag sa akin. Pagka harap ko ay nakita ko si zachary. Kasama si.. Si knox ba yun? Teka.. lumapit ako para makita ng malinaw ang pigura ng kasama ni zachary. Naka side kasi.
Ha! Tama nga ako si knox nga!
"Zachary, men! Nakauwi ka na pala. Uy bro! Ano ginagawa niyo dito?" Sabi ko pagkalapit ko sa dalawa. Nakasunod lang si klyre sakin.
"Inaya ko kasi 'tong kapatid mo na mag-arcade. Namiss ko kasi 'tong bestfriend kong panget" Sabi ni zachary. Napansin ko naman na sinamaan ng tingin ni knox si zachary. "Peace out dude" Dugtong niya.
"Mabuti naman at napapayag mong lumabas 'tong kapatid ko?" I said.
"Hindi naman ako matatangguhan ng kapatid mo. Hehe. Malakas ako d'yan e. Ngapala sino yang kasama mo? Girlfriend mo ba ha? Natawa ako sa sinabi niya. Malapit na. Magiging girlfriend ko din yan. Magiging akin din si klyre. Hehe.
"Hindi men ano ba. Haha. Kaibigan ko nga pala, si klyre. Ah klyre si knox pala, kambal ko. Ayan naman si Zachary bestfriend niya" Pagpapakilala ko sa dalawa. Napansin ko nanan na ang lapad ng ngiti ni Klyre kay knox. Is there something I don't know about them?
"Hello" She said, at nakipag shake hands sa dalawa ng kay knox na siya nakipag shake hands ay napansin kong bahagyang napangiti si knox kay klyre. Magkakilala ba sila? Minsan lang naman ngumiti 'tong cold kong kapatid aa.
"Teka magkakilala ba kayo?" Sabi ko at tumingin kay knox at klyre.
"Oo naman. Bago magumpisa ang pasukan ay magkakilala na kami" Sabi ni klyre.
Kaya palaaa... Teka.. so ibig-sabihin magkaibigan sila? Siya pa lang ang kauna-unahang kaibigan ni knox na normal na tao. Hindi kaya may gusto rin ang kambal ko kay klyre? Pero bakit sa daming babae sa mundo kay klyre pa? Talagang napakaliit nga naman ng mundo. Hay. Sana mali ang nasa isip ko. Pero nakita kong ngumiti ang kambal ko. And I know that smile. I saw it before. Noong una siyang magkagusto. I hope not. I love klyre. I want her to be mine. Sa akin lang si klyre. Walang ibang pwedeng umagaw sa kanya. Kahit pa ang kambal ko na si knox.
--x--
Author's Note;
—Yon! Natapos ko din. Hehe. Sorry kung ngayon lang. Hind ko naman kasi alam na may mga nag-aabang pala sa story ko. Thank po sa lahat ng nagbabasa at nagaabang ng update sa story ko. Maraming salamat po! Haha. Tamad lang po talaga si author na magsulat. Kaya maiikli ang mga chap's hehe. Senya na. Lovelots
YOU ARE READING
Hidden Fangs
Science FictionI have to hide my true identity I have to control myself from harming others I don't want to be like this I can't have her I have to be normal for her, But I know I can't.