Knox's POV:
"Where's dad?!" I said pagkapasok ng bahay.
And then I saw him. Lying on the floor. Nakapaikot ang ulo niya. Sugatan at naliligo na sa kanyang sariling dugo. I was shocked. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko. Kung magagalit ba dahil sa kung sino man ang gumawa sa kaniya niyan o malulunkot dahil nagkaganyan ang aking tatay. Pero mas nangingibabaw ang galit na nadarama ko. Sinisigurado kong hindi lang ganyan ang makakamtan ng kung sino man ang gumawa sa aking ama.
"Anak, kumalma ka lang" Linapitan ako ni mom at hinawakan ang balikat ko. Nakita niya ata akong nakayukom ang kamay.
Napansin kong andito na sila tita amber at tito jin. "Let's go" tita amber said at nauna na sa paglalakad.
Nakita ko si Cal na tulalang nakatitig kay Dad. "Cal! Let's go!" Nilakasan ko ang boses ko para magising siya sa katotohanan.
Tinulungan ako ni tito jin para buhatin si dad patungo sa gubat na nasa likod lang ng bahay namin. Nakatago kasi ang bahay namin sa isang gubat. Mas comportable para sa isang pamilya ng bampira ang manirahan sa gitna ng gubat.
Nakarating kami dito sa gitna ng gubaf kung saan may ilog. Inilagay namin si dad sa isang balsa. Nilagyan namin ito mga bulaklak sa gilid saka sinunog at itinulak na sa ilog. Isa iyon sa naging tradisyon na ipinatupad ni lolo. Dahil kapag hindi sinunog ang labi ng isang bampira ay baka may makakita sa mga buto nito na hindi normal.
Lahat kami ay nakatitig lang sa papalayong bangkay ni dad.
Nawala na sa paningin namin ang bangkay ni dad. Nag-aya na din sila na bumalik na sa bahay pero naiwan kaming dalawa ni Cal na nakatayo at nakatitig lamang ng malayo sa ilog.
Napansin kong naupo si Cal sa isa sa malaking bato. "Sakit bro" He said, na nakatingin pa din sa kalayuan.
"We just have to accept the truth bro" Sabi ko sa kanya at umupo sa tabi niya at inakbayan ito.
"Dad is gone bro. Kailangan mo ng maghanda bro" He said.
"Hay. Mamimili pa din sila sating dalawa bro, hindi lang ako ang kailangang maghanda. Dahil pag nagkataon isa din sa atin ang magiging co-leader" Tinap ko ang balikat niya
"Siguro ako na ang magiging co-leader bro. Susuportahan na lang kita"
"Dapat tayong dalawa lang ang mamuno Cal"
"Bakit?"
"Hindi ko hahayaang si Tito zach ang maging leader sa ngayon"
"Ha? Hindi kita maintindihan"
"Makinig ka Cal, hindi pwedeng mamuno si tito zach. Kailangan na nating maghanda para palitan si dad bilang pinuno"
YOU ARE READING
Hidden Fangs
Science FictionI have to hide my true identity I have to control myself from harming others I don't want to be like this I can't have her I have to be normal for her, But I know I can't.