Hidden 5

10 1 0
                                    

Knox's POV:

Nasa school kami ngayon. Isang linggo na ang nakaraan simula ng malaman ko na magkakilala pala si Klyre at si Cal. Alam ko naman na magkaklase sila dahil sinabi na sa akin ni Klyre 'yon pero hindi ko inaasahan na magiging magkaibigan pala sila kaya nagulat ako noong una ko sila makita sa mall. Nagulat din sa akalang nagd-date sa noon. Pero napag-alaman kong hindi kaya naman nawala ang kutob kong may gusto si Cal kay Klyre.

Kringgg~ Kringgg~ Kringgg~

Then the bell rang. Nawala ako mula sa malalim kong pagiisip ng marinig bell.

Naga-ayos ako ng aking gamit ng marinig ang pagtawag ni Cal mula sa labas ng room kasama si klyre. I guess sabay na naman kaming kakain. I'm starting to feel na may gusto nga 'tong kapatid ko kay klyre.

Nakalabas na ako ng room at tama nga ang hinala ko. Sabay-sabay na naman kaming kakain ngayon. Simula ng nangyari last week ay lagi na kaming sabay ma kumakain. Pero ayos lang naman kasi nagkakaroon na rin ako ng kaibigan at normal na tao pa. Halos kasi lahat ng kaibigan ko ay mga bampira.

Nakarating kami sa canteen at nag-order na ng kakainin namin at naupo na.

Nagkukwentuhan lang ang dalawa habang ako naman ay nakikinig lamang. Napansin kong laging masaya ang kapatid ko kapag kasama niya si klyre. Ano bang meron kay klyre at parang lahat nalang ata ng kasama niya ay napapasaya niya? Pero kakaiba ang ngiti ni Cal sa kanya. Gusto niya ba talaga si Klyre? Siya ba ang tinutukoy niya noong minsan?

"Hmn.. Excuse me. Cr lang ako" Sabi ni klyre.

"Sige lang" Sabi ki Cal at nag-nod lang naman ako.

Nagkaroon na din ako ng pagkakataong matanong si Cal ng mga tanong na gumugulo sa utak ko.

"Cal" Pagtawag ko.

"Hmn?" Sabi niya habang kumakain lang.

"Do you like her? Siya ba ang tinutukoy mo noon sakin?"

"Siya nga. Ba't mo natanong?"

"Napansin ko kasi ang mga ngiti mong nakakapanibago kapag kasama mo siya"

"Yepp, maybe she's the one for me"

"Oh well, pero alam mo naman na bawal 'di ba?"

"Alam ko 'yon bro"

"Pero habang kasama mo siya mas lalo lang mahirap para sayo. You know you can't have her"

"Edi gagawin ko siyang ka-isa sa atin"

"Anong ka-isa? Sino?" Biglang dumating si Klyre.

"Wala yun. 'Wag mo na intindihin" Pagsabi ni Cal

"Okay" Sabi ni klyre na nakangiti at naupo na sa tabi ni Cal.

Natapos na kaming kumain at pabalik na sana sa room. Nang may tumawag sa akin. Pagka-kita ko ay si mommy lang pala. Kaya sinagot ko ito.

"Hey Mom. Napatawag ka bigla?" Napatingin naman sakin si Cal.

"Knox... Your dad" Narinig kong umiiyak si mommy sa kabilang linya kaya nagalala ako sa nangyayari.

"What?! What happened to him?!" I said.

"He.. He's De.. ad" Nabitawan ko na ng tuluyan ang aking telepono.

"Cal we need to go home now!" Pagkasabi ko at tumakbo na. Hindi na ako nakapagpaalam kay Klyre at dumiretso na sa kotse para makauwi.

Sumunod naman sakin si Cal na hindi alam ang nangyayari kaya tanong ng tanong sa akin.

"Bro! What happened? Hindi ko alam ang nangyayari. Bakit kailangan nating umuwi? For what? Nagaalala na ako. Tell me!" He said.

"Dad..."

"What?! Anong nangyari? Fvck this shit knox! Sabihin mo na!"

"He's... Dead"

-

Third Person's POV:
/Last night before klein died/

Nandito ngayon sa gitna ng gubat si klein, ang tatay ni knox at ang isang lalaki. Kanina pa sila nandito. Nagkakatinginan lang ng bigla na lamang masalita si klein.

"What are you planning to do?" Sabi ni klein na nanghihina na.

"And why would I say my plan to you?" Sabi ng lalaki.

Kanina pa may kinakalaban si klein habang ang lalaki ay nakatayo lamang. Kasama ng lalaki ang mga nag-rebelyon na bampira. Sila ngayon ang umaatake kay klein kaya nanghihina na ito ngayon kahit siya ang pinaka malakas sa lahat ng bampira ay hindi niya makakayanan ang sobrang dami na umaatake sakanya. Nilalabanan niya naman ang mga ito pero dahil sa sobrang dami ay hindi niya naiiwasan ang pag-atake ng iba. Nagawa niya pang patayin ang ibang umatake sa kanya.

"Bakit mo nagawa sakin 'to? How could you do this to me? I thought we're bestfriends" Hindi makapaniwalang sabi ni klein.

"Because I want to rule the world. Hind tayo pwedeng makisalamuha sa mga normal na tao. We're above them. We can rule the world. But you did nothing. Hanggang ngayon nagtatago pa rin. Nakiki-isa, nakikibilang sa mga tao na hindi naman natin ka-uri. That's when I start to think. I am thinking on destroying you so that I can start my plan" Sambit ng lalaki.

"Mas gu-gustohin mo bang maging makapangyarihan at patayin ang iyong kaibigan?" Klein said nanghihina na siya kaya't napaluhod na siya dahil hindi na niya kaya pa ang tumayo. Wala na ding sumusugod na mga rebellion vamps sa kanya.

Lumapit ang lalaki at lumuhod din para magkasing level na lang sila.

"Mas pipiliin ko ang maging makapangyarihan. Gusto kong pamunuan hindi lang ang mga bampira, kapag napatay na kita. Kundi pati ang buong mundo" Nakangiting sambit ng lalaki.

"Hindi mangyayari 'yon. Malalaman ni knox ang lahat. Mapipigilan ka niya sa kung ano man ang iyong gagawin. Hindi ka magtatagumpay Za..." Hindi na natapos ni Klein ang sasabihin niya dahil nakahawak ang lalaki sa kanyang ulo at pinaikot ito. Kaya naman napatumba si klein sa balikat ng lalaki pagkatapos ay tumawa lang ng malakas ang lakaki.

Hindi nagtagal ay hinawi ng lalaki si klein mula sa balikat niya kaya nakahiga na ngayon sa sahig ang patay na katawan ni klein.

"Kayong dalawa!" Pagtawag niya sa dalawang rebellion vamps na nakatayo sa lamang sa paligid nila. "Dalhin niyo ito sa harap ng bahay nila ng walang nakakakita sa inyo. Mamaya kapag meron ng araw" Pagutos ng lalaki sa dalawa tyaka umalis na.

"Malapit ng matupad ang aking plano. Bwahahaha"

--x--

Sino kaya ang lalaking pumatay kay knox? Hmn.

Hidden FangsWhere stories live. Discover now