To all readers of AJKT, ito na po talaga ang book 2. Nahirapan ako magisip. XD. Btw, mas matino na ito. Epistolary again. Text again. Kaya manawa kayo lol.
Dedicated to : Chinchinwp
Derrick's Pov,
Dahil sa nasa kanan ko ang dagat, at galing sa kaliwang bahagi ang truck na bumangga saakin, agad na tumalsik ang kotse na sinasakyan ko padausdos sa dagat. Umiko-ikot sa ere ang kotse ko bago ito bumagsak sa tubig.
Gusto kong umalis dito. Gusto kong kumawala. Pero wala akong magawa. Bukod sa may suot akong seatbelt na hindi ko matanggal, naipit ang paa ko sa nayuping harapang bahagi ng kotse ko.
Malapit na ring maubos ang hangin ko. Dumilat ako, at nakita ang madilim na lugar. Marahil nasa kailaliman na ako ng karagatan. Tama. Ito na nga ang huling oras na nalalabi sa akin.
Hindi na ako makahinga. Wala na akong maihinga. After that. Nawalan na ako ng malay.
Didi/Budoy's Pov,
Lumuwa ako ng dugo, kasabay ng pag-dausdos ng mahabang metal sa katawan ko, mula likod papunta sa harap, dare-daretso papunta sa labas ng truck na minamaneho ko.
Malakas na sigawan ang maririnig sa lugar. Madaming takot at nagsisigawan ng "Tulong! Tulong!" Pero ni isa sa kanila ang tumulong saakin. Dinilat ko ang mga mata kong gusto na matulog.
Agad kong hinanap ang nakabung-guan kong kotse, pero nakita ko nalamang itong tumilapon sa dagat. It's all my fault. I hate myself. HindI ko akalaing aabot ako dito. Hindi ko alam na aabot ako sa aksidenteng may mapapatay ako.
I hate it. Mukhang sinisingil na ako sa lahat ng mga kasalanan ko. I hate myself.
Namalayan ko na bumagsak na ang mga mata ko at bumagsak na ang ulo ko sa manibela ng sasakyan. Bago ako mawalan ng malay, nakarinig pa ako ng malakas na pag-sabog. Na sa palagay ko ay galing sa sasakayan na sinasakyan ko.
Derrick' Pov,
Nasaan ako? Nakahiga ako sa buhangin, more on sa pangpang ng dagat. Nasaan ako? Dahan-dahan akong tumayo, pero hindi kaagad naging madali saakin ito. Inulit ko pa ng ilang beses bago ako tuluyang nakatayo.
Tinignan ko ang lugar, kaunti ang tao at kung hindi ako nag-kakamali, nasa isang isla ako. Teka. Sino nga ba ako? Anong ginagawa ko sa dagat?
"Argh!" Agad akong napa-hawak sa ulo ko ng makaramdam ako ng sakit. Galing ito sa likod papunta sa harapan. Tinignan ko ang kamay ko, at nakitang mayroon itong dugo na umaagos patungo sa katawan ko.
Sa oras na iyon, inisip ko nalang na maka-alis. Dahil parang may hinahanap ako. Agad akong tumakbo sa mga tao. Humingi ng tulong pero ni isa sa kanila ang sumaklolo. Halata ang takot sa mga mukha nila.
"Jusko po! Anong nangyari sa'yo!?" Sambit ng isang matandang ale.
"H-hindi ko po alam," nang-hihinang sambit ko.
"A-anong pangalan mo?" Agad niya akong tinulungan maglakad papunta sa isang bahay.
"H-hindi ko p-po a-alam," agad kong saad bago niya ako maipasok sa loob ng bahay.
Bakit ganito ang nararamdaman ko? Tuwing may aalalahanin ako, sumasakit ang ulo ko? Sino nga ba talaga ako? Taga-saan ako at paano ako napunta sa dagat? Argh. Sumasakit talaga ang ulo ko!
Doon na din ako nawalan ng malay.
Didi/Budoy's Pov,
"Miss?"
Malabo pa ang lahat. Napahawak ako sa mata ko at kinusot ito. Ilang minuto pa ang hinintay ko bago makapag-adjust ang mga mata ko sa lahat ng nasa paligid ko.
"S-sino ka?" Agad kong tanong dito.
"Ako si Raven, nakita kita kanina sa tabi ng kalsada, kaya dinala kita dito sa ospital. Ayos ka lang ba?" Bakas sa mukha niya ang pag-aalala. "Miss?"
"N-nahihilo ako," saad ko nang piliting tumayo mula sa higaan. Maputi nga ang lugar kaya nasa ospital ako, malamang.
"Ano bang nangyari sa'yo?" Takang tanong niya. May kunot ang noo niya.
Sasabihin ko bang galing ako sa Truck na sumabog? Sasabihin ko bang mag-nanakaw ako? Sasabihin ko bang hinahabol ako ng mga pulis at nabangga ang sinasakyan ko kaya ako nandito?
"Ah n-nabangga kasi ako," saad ko bago iiwas ang aking mga tingin sa mala-asul na mata niya.
"Gano'n?" Tanong niya na tinanguan ko na lamang bilang tugon. "A-alam mo ba ang nangyari sa mukha mo?" Tanong nito saakin. Kaagad akong napatingin sa kaniya. May hawak siyang salamin.
"A-anong ibig mong sabihin?" Kabadong saad ko sa kaniya. Inabot niya saakin ang salamin. Agad kong tinignan ang mukha ko. "A-anong nangyari sa m-mukha ko!?" Mahinang saad pero pasigaw na saad ko.
Hindi ko na mahanap ang boses ko. Ito na ba ang kabayaran sa lahat ng kasalanan ko? Bakit hindi nalang ako namatay? Bakit hindi nalang ako namatay mula sa aksidente? Bakit? Para pahirapan pa ako?
"Nasunog ang mukha mo, sure ka bang nabangga ka lang?" Napalunok ako ng laway nang tanungin niya ako.
Tumango na lamang ako.
"Hayaan mo, ipapaayos natin ang mukha mo," nakangiting sabi niya.
"T-talaga?" Hindi maka-paniwalang tanong ko.
"Anong pangalan mo?" Tanong nito saakin. Wala naman sigurong masama kung malaman niya ang pangalan ko 'di ba?
"Ualla Didi P. Nudpod," saad ko.
Tumawa naman siya pero alam kong pilit 'yon. Anong nangyari sa kaniya? Nakakatawa ba ang pangalan ko? Ang ganda kaya. Halatang pinag-isipan ng author I mean, ng Nanay ko.
"Really? Okay. Iibahin mo na mula ngayon ang pangalan mo. At, sa bahay na kita titira kapalit ng pag-papaayos ko sa mukha mo. Ayos lang ba sa'yo?" Saad niya.
Wala naman na akong titirhan. After all, alam kong hahanapin ako ng mga pulis kaya kailangan ko ng ibang pangalan at ibang mukha. Pero paano ang mga magulang ko? Paano sila? Tsk. Sa ngayon ako muna.
Tumango na lamang ako.
"Simula ngayon, tatawagin ka na nila bilang Saphira Mylene Gomez, the newest member of Fashion Models Inc."
--
》A's Note《
Oh ayan. May Book 2 xD Alam naman siguro ninyo na hindi ako gumagawa ng Happy ending? Lol. Mas madrama ito kesa sa Book 1, ano? Handa pa ba kayong basahin ito? Haha.
BINABASA MO ANG
Ang Model kong Textmate
HumorTextmate Series #2 | One unread message from an unknown number. *** An epistolary. "Manong Luis! Nasaan ka na ba? Ang dami ng tao dito sa venue. Kailangan na nating umalis! Dali!" Set after the tragic ending of their previous story, Budoy and Derric...